-20-

123K 3K 166
                                    

***20***

Nagpahatid ako sa driver ko sa Tagaytay matapos kong sunduin si Ate Alexa sa airport. Pinipilit pa nga ako ni Ate na bukas ko nalang daw puntahan si Fatima sa probinsya nila kasi gusto niya raw ako makakwentuhan kaso wala eh, gusto ko na talagang makita si Fatima.

"Sir Alex, eto na yata ang bahay nila Ma'am Fatima. Ito yung nakalagay na address eh," sabi ng driver ko. Ibinaba ko nang bahagya ang rayban shades ko sabay silip sa harapan. 

"Sigurado ho ba kayo?"

 "Oo, sir. Gusto mo bang ako nalang ang magtanong kung dyan nakatira ang girlfriend mo?"

Umiling lang ako at ibinalik na ang shades sa ayos. Lumabas na ako kotse at pinindot ang buzzer sa green na gate ng bahay. Kitang-kita mula sa labas ang 3 storey house. Hindi naman kasi kataasan ang wall at ang gate kaya kitang-kita iyon mula dito.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si Yaya Ana na lumabas ng bahay. She welcomed me with a warm smile while opening the gate. Ayos, ito nga ang vacation house nila Fatima.

"Alex, mabuti nakarating ka? Tara, pasok." She opened the gate widely. "May kasama ka ba? Isama mo na dito."

"Ah oho, yung driver ko."

Nagpumilit pa si Yaya Ana na papasukin ang driver ko pero sinabi ko na next time nalang kasi hahanap pa si Kuya Jun ng hotel na pwede kong pag-i-stay-an habang nandito ako. Sabi kasi ni Dad, habang nandito ako sa Tagaytay, eh sasamahan daw ako ni Kuya Jun... Ang driver ko. Ayaw pa kasi niya akong pag-drive-in ng mag-isa although my student's driver license na ako. 

"Tara, pasok..." Anyaya niya sa akin. Pagkapasok namin ng bahay, bumungad agad sa amin ang living room. Typical living room lang siya pero hindi nakaligtas sa akin ang mga paintings na nakasabit sa pader. Hindi ko alam kung anong naghila sa akin pero lumapit na ako dun sa pader at isa-isang pinagmasdan ang mga iyon. Napangiti pa ako nang mapansin kong may signature ni Fatima sa bawat canvass nito. 

Hindi ako artistic na tao. Ni minsan, hindi ko naappreciate ang mga abstract paintings pero hindi ko alam kung bakit parang may mensaheng ipinapahiwatig ang mga paintings na ito.

She really has great hands.

"Si Fatima ang nag-paint nyan. Tuwing bakasyon, yan ang pinagkakaabalahan niya," nilingon ko si Yaya Ana. She was smiling brightly at me. "Napakatalented talaga ng alaga ko. Biro mo, nakabenta na siya ng dalawang paintings noong nasa 6th grade pa lang siya?"

"Wow, gifted child siya." I said to her as I roamed my eyes around. "Nasaan po siya?"

"Ahh, tara. Nasa garden siya---- Teka, naaamoy mo ba yun?" Suminghot-singhot siya kaya naman gumaya na rin ako. Bakit amoy sunog? "Ay, santisima! Yung niluluto ko~ Alex, pumunta ka nalang sa likod. Wag kang mag-alala. Walang aso dun!" Sabay takbo niya sa kitchen (sa palagay ko).

Dahil nga hindi na ako masasamahan ni Yaya Ana sa garden ay pumunta nalang ako dun mag-isa. Hindi naman kalakihan ang perimeter ng looban nila kaya hindi ako maliligaw. Pagkarating ko dun, nakita ko kaagad ang mga roses at orchids at iba't-iba pang halaman... At syempre siya. I saw her watering the plants.

Lumapit ako sa kanya nang nakangiti. Nakatalikod siya banda sa akin kaya naman tinakpan ko gamit ang dalawa kong palad ang mga mata niya mula sa likuran.

She flinched a little, "Sino ka?" Hinawakan niya pa ang dalawa kong kamay.

"It's me." I smiled.

"Alex?" Tinanggal niya ang pagkakatakip ng palad ko sa mga mata niya sabay harap sa akin. She gradually smiled widely and in just a second, she hugged me tightly. "Aleeeex~ 2 weeks! 2 weeks tayong hindi nagkita. Namiss kita ng sobra~!"

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon