-7-

182K 3.9K 288
                                    

***7***

10AM, Saturday. Sinabihan kami ng principal na pumunta ng 10AM dito sa E.H.A. Dahil hindi pa dumadating si Fatima ay umupo nalang ako sa long bench sa may hallway, malapit sa entrance. Okay na ditong maghintay para makita ko kaagad siya pagdating.

Naging maayos naman ang examination namin noong Thursday and Friday. Medyo hindi na ako nangamote sa pagsasagot dahil nagreview naman ako. Mas mabuti talaga ang may inaral ka kesa wala kang maisagot sa exams. Yung tungkol sa kodigo? Alam ko na kung kanino galing yun.

~~

"Alex, 'wag niyo ng gawin yung detention."

Napatingin ako kay Wayne ng seryoso. Siya naman ay pakamot-kamot lang sa ulo niya habang nakaupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa apartment, naglilibang. Tutal, wala na naman proproblemahin na gawain. Tapos na ang exams eh.

"Bakit? May alam ka ba kung kanino ang kodigo na yun?"

May inilabas siyang kapirasong papel mula sa bulsa niya saka niya inabot sa akin. "Sa akin talaga yun eh. Pasensya na, tsk!"

Halos nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Tinulak ko siya sa braso pero hindi naman kalakasan, "Eh bakit hindi mo inamin kahapon? Leche ka! Alam mo bang muntikan ng ipatawag ang magulang ni Fatima kahapon?"

"'Di ko naman alam na aabot sa ganun yun eh. Sasabihin ko na sana kaso----" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita basta tumayo na ako at pumunta na sa pintuan para lumabas.  "Alexander, naman oh! Kinokonsensya ako ng waaala~ Ako na ang gagawa ng detention niyo bukas!"

Pinihit ko na ang doorknob at hindi na lumingon sa kanya.

 "Okay lang... Fatima and I will do it together."

~~

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit hindi ko hinayaan nalang si Wayne na gumawa ng community service na 'to. Siya naman ang may kasalanan at willing siya na ang magkaroon ng detention, kaso ako naman itong parang ewan lang na inako nalang. Okay lang, wala naman akong gagawin ngayon at isa pa, si Fatima naman ang kasama ko.

"ALEX! ALEX!" Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Fatima na tumatakbo palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko saka niya ako nginitian. "Good morning, Aleeeeeex."

"Morning..." I greeted back in a lazy tone then looked at my wrist watch. 10:12AM na. "Bat ngayon ka lang?"

"Wala kasing maghahatid sa akin dito. Muntik na nga akong hindi payagan eh, kasi nga naman daw ano daw ang gagawin ko dito sa school. Sabado na Sabado." Sinasabi niya yun habang inaayos ang pig-tail hair niya. "Buti nga pinayagan ako eh."

"Oh, anong dinahilan mo? Sinabi mo bang may detention ka?"

She just gave an unbelieving look then rolled her eyes, "'Pag sinabi kong may detention ako, edi parang hinayaan ko na rin ang principal na ipatawag ang parents ko. So, I just lied to them." Tumingin siya sa akin saka siya ngumuso. "Minsan lang akong magsinungaling, Alex! Kailangan mo akong samahan mamaya sa simbahan."

Samahan sa simbahan? Napakarelihiyoso naman ng babaeng ito. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. I just shot him the 'are you kidding' look.

"Simbahan? Ano'ng gagawin mo dun? Sabado pa lang ah. Bukas pa ang simba."

"Eeeeeeeh! Nagsinungaling ako sa parents ko. Magbabawas ako ng kasalanan!" Saka niya hinawakan yung braso ko. Napatingin tuloy ako dun. "Please?!"

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon