-11-

145K 3.2K 363
                                    


***11***

"Next next week na pala ang fieldtrip natin."

"Oo nga! Excited na ako. Yieeee!"

"Yeah right, hindi ko naman habol yung itineraries. Ang habol ko ay yung bonding! I'm so excited na!"

September na. Dalawang buwan na rin nang simulan kong manligaw kay Fatima. If you're going to ask how my courtship is going, I must say that it's been fine. Hindi naman maarte si Fatima at naappreciate niya lagi ang mga ginagawa ko para sa kanya. Ganun pa rin naman ang relationship namin, we're still bestfriends.

"Alex... Alex... Alex..." Tumingin ako kay Fatima nang marinig ko ang mahinhin niyang boses. Nakita ko naman na malungkot yung mukha niya kaya binitawan ko muna ang pen ko at hinarap siya.

"Oh, what's wrong?"

"Pwede favor?" Tumango ako habang nakatitig lang sa kanya. "Pwede bang mag-take down notes ka sa fieldtrip?"

"Huh? What for?" Bat naman ako mag-tetake down notes? Aanhin ko yun?

"Eh kasi..." Naghalumbaba siya sa desk sabay yuko niya. She really looks sad. "Eh kasi hindi ako makakasama sa fieldtrip."

"What? How come?" I moved my chair closer to her. By the way, simula nang ligawan ko si Fatima, nagpalit na kami ng pwesto. Nasa sulok na siya... Ayoko lang na may makalapit sa kanyang peste. Tch.

"Hindi ako pinayagan eh." She looked to me sadly. "Ayos lang yun. May next time pa naman."

"Gusto mo ipagpaalam kita sa parents mo?"

"Huwag na, Alex. Hindi talaga ako papayagan nila Mama eh."

"Bakit?"

"Basta..."

Sa pagkakakilala ko kay Fatima sa ilang buwan naming pagkakaibigan, hindi dapat siya pinipilit kung ayaw niyang sabihin ang isang bagay. Nabubugnot kasi siya kapag ganun. Kaya hinayaan ko nalang siya. Ayoko naman na mabadtrip siya dahil sa akin. Eh 'di bawas points yun. Tss.

Ilang saglit lang ay pumasok na ang MAPEH Teacher namin. Dahil Friday ngayon ay Physical Education ang ita-tackle ngayong araw. Kaya naman, pinalabas na kaming lahat at pinapunta sa gym.

Tumabi ako kay Fatima sa bleachers. Ganun naman lagi eh. Siya lagi ang sinasamahan ko. Mahirap na, baka may sumalisi.

"So today, we're gonna play volleyball. Separated ang game ng boys sa girls para fair. All of you should play ha? Oh, except to Lyza... Ang hindi maglaro, walang grade. The winning teams will get an additional grade for today's activity." Sabi ni Sir Elimar sa amin. Lyza can't play because she has asthma. Lagi nalang yun hinihika 'pag napapagod.

Kanya-kanya na silang pag-team up samantalang kami naman ni Fatima nakaupo pa rin sa bleachers.

"Wala ka bang balak mag-volleyball?" Tanong ko sa kanya.

She just shrugged and looked at me blankly, "'Di ako marunong nyan."

"Pa'no ka matututo kung 'di mo susubukan?" Hinila ko na siya patayo at dinala na siya pababa sa court. Pumwesto muna kami sa gilid kasi inaayos pa nila yung net sa gitna. Yung iba naman ay nag-uusap pa kung saang team sila sasali.

"Alex, ayoko. Natatakot ako sa bola." She said uncomfortably while stomping her feet.

"All of us should play daw eh. Sige na, subukan mo na." Inilevel ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Masyado kasing maliit ang height niya para sa akin. "If you don't play, you won't get a grade in this activity."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon