Chapter One

795 62 225
                                    

It's the first day of classes for the second semester. Halos isang linggo rin ang school break namin after ng first sem and its actually effective strategy ng school to lessen the stress para sa mga mag aaral.

I'm not stressed actually. It is more like nakasanayan na kaya okay na lang sa pakiramdam. At parang walang nagbago. Besides, ganoon naman palagi ang routine ko. Others might say na boring ang life routine ko but this is me. It's the way I live my 17 years on Earth.

"Aly!! Wait!!" pasigaw na tawag sakin ni Sophie.

Sophie is my best friend ever since the world began. More like kapatid na rin turing ko sa kanya and I don't know kung may time na ba na nagkahiwalay kami.

Papunta ako ngayon sa locker room para sana ilagay ang PE uniform ko na katatapos lang gamitin at magpalit na ng school uniform.

"Aly! May club meeting daw mamaya?"

"I don't know...why?" simpleng sagot ko habang inaayos ang bag ko at ipinasok sa locker

"Eh, sabi lahat daw ng officers ay kailangan na pumunta...auditor ka 'di ba?"sagot naman nito habang inaayos rin ang gamit sa locker.

Magkatabi lang naman ang locker namin kaya malapit kami sa isa't isa.

"Wala 'yun, parang meeting lang yun to meet the juniors na gusto sumali"sagot ko sa kanya saka isinarado ang locker.

"Ohhh..." sagot nito.

Nag-arkong bilog pa ang labi nito na tila nagulat sa sinabi ko habang tumatanggo.

Hinintay ko pa siya bago ko isinukbit sa balikat ang bag ko.

"Andyan na silaa!!"

"Yan ba yun?"

"Oo.."

"Sabi nila transferee mga yan?"

"Ano ka ba..matagal na yan dito di lang masyado kilala dati.."

"Pinalitan nila kasikat ni Sky eh..."

"Naku! dapat ko pala bantayan gf ko"

"Same dude...mahirap maging pangit...bilis ipagpalit"

"Lamang lang yan ng konting ligo sa tin eh ."

"Kieeee!!!"

"Omy!! Ross!!!Datee me please!!"

"Baby Kiane!!!"

"O'My God...feeling ko naiihi na ako girl..." simpleng bulong ng isa sa katabi nito.

"Haha...same..."

Kaliwa't kanan na ang naririnig kong bulungan. Karamihan ay mga babae na halos himatayin na sa kilig. Ang iba naman ay mga lalaking masama ang tingin sa kanila dahil sa katotohanan na mas gwapo ang mga ito kaysa sa kanila.

I'm not surprised anymore. Since first semester sumikat na ang mga 'yun. Di sila gang or whatever romance like group. Simpleng barkada lang sila na siguro pinagpala sa itsura.Pinagbuklod-buklod base sa itsura. And I doubt kung biglang may masasali sa kanila na hindi nila ka-level.

Dati ko pa sila napapansin pero di sila masyado sikat since may mga bad records sila sa school.

But I'm not curious at all. And I don't even care about them.

"Bro...Sana all...bakit ganun sila noh?" nakangusong saad ng isang lalaki malapit samin. Siguro ay 2nd year pa lang din ito kagaya namin.

"Takte nabakla ka na ba?"sagot ng kausap na tila nandidiri at umastras pa ito ng kaunti

"Hindi ah! Ang gwapo lang kasi nila...nakakainggit," sagot nito.

"Ewan ko sayo... sabihin mo lang at baka bukas isa ka na rin sa taga hanga nila."

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now