Chapter Forty-Two

73 10 17
                                    

Aly's POV

Hindi ko alam kung anong kasaltikan na naman ang tumama sa shokoy na iyon at ganoon na lamang mang-asar kanina. Nakakapagtaka pa dahil ang alam ko ay mag-uusap dapat kami pero dahil masyado na daw gabi kaya naman hinatid na lamang niya ako sa apartment.

Nang makapasok na ako sa kwarto ay hindi ko maiwasang mapangiti.Nagpagulong gulong ako sa kama sa sobrang kapraningan.

Arghh!Why?! Bakit ka kinikilig!

I know I'm not 100 percent sure na wala akong gusto kay Kei but I'm just happy na kahit papaano ay magiging maayos na rin ang lahat though I'm not sure kung hindi na ba ako babalik pa sa mundong yun.

After kong maligo ay nagsuot na lamang ako ng simpleng shirt pang-itaas at shorts naman pang-ibaba. Di na rin naman ako nagtagal pa at maaga na ring natulog.

****

"Hoy!!!! Aleng Aly!! Gising na!" sigaw ni kuya na agad kong ikinahulog sa kama.

Aray!

"Kuya naman eh!" angil ko rito. Napahawak pa ako sa pwetan ko dahil sa pagkakahulog ko. Masakit ah!

"Tumayo ka na riyan at aalis ako," saad nito saka lumabas.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumayo na lamang at nagpunta sa banyo. Napatingin ako sa salamin at ganoon na lamang kalawak angpagkakangiti ko nang masigurong na rito ako sa totoong mundo. Hindi rin naman nagtagal ay nakapagbihis na rin ako. Minabuti kong sumabay na lang kay Kuya para tipid sa pamasahe.

Sayang din kasi ang mababawas ko sa allowance na pang-gasolina sa kotse o di kaya naman ay pamasahe. Nang makarating na ako sa school ay agad kong nakita si Sophie at sabay na kaming pumasok sa campus.

Tulad ng nakasanayan ay nagkalat ang mga estudyante sa paligid at lahat sila ay may kanya kanyang gawa sa buhay. Napailing na lang ako dahil maging si Sophie ay nasabit sa chismisan. Dumiretso na lang ako sa locker room at iniwan na si Sophie doon.

Inilagay ko lamang ang gamit ko sa loob ng locker at agad ring umalis nang mapansin ko ang isang pigura ng isang lalaki.Pasimple ako ritong ngumiti ngunit hindi naman na ito nag-abala pang ngumiti pabalik.

"Sinong kangitian mo dyan, Aly?" biglang tanong ni Sophie na nasa tabi ko na pala.

"Ay ngiti mo! Sophie nandyan ka na pala eh. Kanina ka pa?" tanong ko rito.

"Hindi naman...sino ba ka ngitian mo dyan?" tanong nito habang iginagala ang paningin sa direksyon na tiningnan ko kanina.

"Huh? Ahh eh, wala ahh, kakilala ko lang...tara na nga at male-late tayo niyan eh!" saad ko sa kanya saka bahagyang tinulak papunta sa room.

Tsk! Di ko nga rin alam kung bakit ako ngumiti. Arghh! Ano ba dapat itsura ko kanina? Pinilit kong ini-magine ang sarili na nakangiti kay Kei.

Fvck! You can't be serious, Aly.

Nang makapasok na kami sa classroom ay nag-umpisa na rin sa discussion ang instructor namin. Habang nagle-lesson ay hindi ko maiwasang makaramdam ng antok kaya naman maya't maya ako kumakamot sa batok ko.

Arghh!! Ang tagal naman ng Filipino oh! Gramatika pa rin kami!

Kinakamot ko ang batok ko ng maalala ko ang tattoo na pinaukit ko rito. I don't know if I really do it for myself pero ang 'Kei' na nakatatak rito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Wala naman akong kakilalang ibang Kei bukod kay Keifer eh...kaya baka siya nga iyon. Pero bakit naman ako magpapatatoo ng pangalan niya?! Tss...

Dahan dahan kong kinuha ang salamin sa bag ko at tiningnan ang tattoo na iyon. I'm thinking kung ipapabura ko siya or kahit hindi na. Maganda kasi ang pagkakagawa niya at font ng letters kaya medyo nakakapanghinayang.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now