Chapter Fifty-Seven

63 7 0
                                    

Kiane's POV

"Bro! Lika dali!" sigaw sa akin ni Jed, isa sa mga kasamahan ko sa varsity.

Agad akong lumapit dito. Kasalukuyan akong nasa court ngayon para sa practice sa basketball team. Next week kasi ay magkakaroon ng varsity league. Kasama ko rin naman si Dylan pero mukhang di na naman ito a attend ng practice. Magaling naman na daw kasi siya at di na niya kailangan ng ganoon.

Napailing na lang ako dahil dito.

Sumali rin si Ross sa varsity ngunit mukhang di naman siya sasali sa league this year. Pareho pareho kaming mahilig sa basketball maliban lamang kay Keifer. Hindi niya raw ugaling maki-paghabulan at makipag-agawan ng bola kaya wala siyang interes sa basketball.

"Pinapaabot sa'yo. Punta ka bro ah!" saad ni Jed saka inabot sa akin ang isang invitation card. Isa itong party na gaganapin tatlong araw mula ngayon.

Ngumiti lamang ako rito. Inilagay ko ang letter sa bulsa ng bag at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ako mahilig sa pagdalo sa party kaya naman pag-iisipan ko muna kung dadalo ba ako o hindi. Habang naglalakad ay may napansin akong dalawang tao na agad na umagaw ng atensyon ko.

"Te-tekaa lang! Aray!" reklamo ng lalaki habang pilit siyang hinihila ng isang babae.

"H-hala sorry...masakit ba?" nag-aalalang tanong ng babae saka ito nilapitan.

Napakunot ang noo ko. Bakit magkasama na naman silang dalawa? Palagi ko na lamang silang nakakasalubong na magkasama ah!

"Psh! Lika nga!" saad ni Keifer saka mabilis na iniakbay ang braso sa leeg ni Aly.

Agad akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa nakita. Hindi ko alam pero aaminin kong nagseselos ako rito. Napaiwas na lamang ako ng tingin at nagsimula ulit maglakad taliwas sa direksyong tinatahak ng dalawa. Simula nitong mga nakaraang araw ay nagbago bigla ang ugali ni Aly. Pinapansin man niya ako ay palaging si Keifer ang bukang bibig niya.

I don't know if she like him or baka coincidence lang. But still, I hate the fact that she changed so suddenly.

Aly's POV

It's been three days since I got here. Noong unang araw ay nakausap ko ang kapatid ni Kei which is ate Mari. She's kinda sweet and caring at bukod pa roon ay may alam rin siya sa nangyayari sa akin. Maybe that's the reason kung bakit alam niyang hindi talaga ako si Aly na kilala nila.

She experienced the same thing sa akin. Akala rin niya noon ay nananaginip siya hanggang sa malaman niya ang totoo. Marami pa akong tanong tungkol doon at yun ang balak kong tanungin mamaya sa mom ni Kei.

"Mom...mom," tawag sa akin ni Fen habang hinihila ang suot kong damit. Agad akong napalingon rito at nakita ang dumi sa mukha na kasalukuyang itinuturo nito.

"Hmm..." yumuko ako at pinunasan iyon.

Napangiti naman ang bata saka muling bumalik sa paglalaro. Napalingon ako kay Keith. Kasalukuyan pa rin itong nakaupo sa study table niya habang seryosong nagbabasa. Tsk! Genius ba talaga ang isang 'to?

Balak ko na sana itong tawagin upang kumain ngunit mukhang ayaw nito magpa-istorbo. Minabuti ko na lamang na iwanan siyang mag-isa. Bumaba ulit ako sa kusina at inihanda ang pagkain. Unang lumapit sa hapag si Fen habang excited na kumukuha ng hotdog.

"Mommy...dadating ulit si Lola today diba?" excited na tanong nito.

Agad akong napangiti rito at hinawakan ang ulo nito.

"Syempre naman kaya mamaya, maligo na kayo ni Kuya Keith mo after niyong kumain okay?" saad ko rito. Nakangiti namang tumango si Fen saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Napaaga ang uwi kahapon ni Tita Mei, ang mom ni Keifer kaya naman babalik na lang daw ulit siya today.

Habang naghihintay na matapos sa pagkain ang dalawa ay nagpunta muna ako sa kwarto at inayos ang mga kalat. After ko rito ay bumalik ulit ako sa kusina. Geez...nakakapagod pala maging mommy, dyusko. Ayaw ko ng maging nanay!

****

After an hour ay wala pa rin namang dumadating kaya naglibot-libot muna ako sa buong bahay. It's not my first time to go around, napag-tripan ko lang na gawin ito ngayon lalo pa't bored na ako sa taas.

Napatingin ako sa bintana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. I suddenly remember something.

Noong mga unang araw ko rito ay halos wala akong magawa dahil sa sobrang takot ko sa nangyayari. Maging ang mga bata na wala namang kinalaman sa sitwasyon ko ay nadadamay. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa kung bakit ako nandito ngunit mukhang unti-unti na ring nabubuo ang lahat ng pangayayari dahil sa magulang at kapatid ni Kei.

Sinabi sa akin ni ate Mari na naranasan niya rin ang naranasan ko. Nananaginip rin siya ng tulad sa akin at napupunta sa ibang mundo. Ayon sa kanya ay para akong nasa loob ako ng isang laro. Wala ako sa reyalidad at wala rin ako sa panaginip. Maaaring masabi na nasa future nga ako gayong hindi pa naman nangyayari sa mundo ko ang mga nangyayari sa mundong ito.

Pero hindi ito nangangahulugang, ang nangyayari sa mundong ito ay mangyayari talaga sa totoong buhay ko. Depende lamang daw iyon sa choice na pipiliin ko.

Flashback:

"Anong ibig mong sabihin ate?" tanong ko kay ate Mari.

Kasalukuyan kaming nasa labas at ihahatid ko na sana ito papasok sa kotse niya.

"Wag mo munang alamin sa ngayon, Aly. Hindi purket naranasan ko ay mararanasan mo rin. Maaaring iba ang mga pangyayari na magaganap sa iyo." makahulugang saad nito.

Mas lalong napakunot ang noo ko.

Sa halip na sumagot ulit ito ay napangiti na lamang si ate Mari saka pumasok sa kotse at pinaandar palayo.

****

Nanatili lamang akong nakatulala sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakapalit ang buhay namin ni Aly version 2.0 sa tunay na ako. Sa ngayon ay wala talaga akong alam kung ano iyon kaya naman sisikapin kong buuin ang puzzle na ito.

Narinig ko na lamang ang pagtunog ng bell mula sa ibaba, hudyat na narito na ang mommy ni Kei.

"Mommy!! Si Grandma!" malakas na sigaw ni Fen saka binuksan ang pinto.

Pinapasok naman niya agad ito at ipinaghanda ko naman siya ng makakain.

"Ayos ka lang hija?" tanong ni tita habang nakatingin sa akin.

Nakayuko lamang ako habang nakaupo sa harap niya. Habang abala ang dalawang bata sa paglalaro ng mga bagong laruan na dala ng Lola nila.

"Sa totoo lang po..." mahinang saad ko.

Dahan dahan kong iniangat ang paningin at diretsong tumingin sa kanya.

"Nais ko po sanang malaman ang lahat, Tita Mei..." saad ko rito.

Isang makahulugang ngiti lamang ang isinukli nito sa akin.

Habang nagkukwento ito ay hindi ko maiwasang magtaka at mabigla. Kung bakit lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay konektado sa kung ano ang nangyayari sa akin sa mundo ko.

"Naiintindihan mo ba ako, hija?" tanong ni tita Ann habang hinihigop ang kape nito.

Tulala lamang akong nakatingin sa sahig habang inaalala ang sinasabi niya. Ni hindi ko magawang sumagot rito kaya simpleng tango na lamang ang isinukli ko sa kanya.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now