Chapter Fifty-Four

51 7 0
                                    

Kiefer's POV (PRESENT TIME)

Ano bang gagawin ko sa babaeng ito?!

Kasalukuyan kong buhat buhat ang basang katawan ni Aly habang naglalakad sa madilim na eskinitang ito. I don't even know why I'm doing this but damn! Ang sakit na ng ulo ko sa kanya!

Two days ago ay ayos pa naman siya bago kami mag hiwa-hiwalay sa park but then kinabukasan ay bigla na naman siyang naging weird. She keeps calling me darling and such things na may hinahanap daw siyang mga bata. I can't remember their names pero yung isa may medyo malapit sa name ko. Is it Keiro...no...Keiven?...no....umm..yeah! Keith!

Then yung isa ay di ko na maalala.

I asked her kung sino ba yung mga yun ngunit di naman siya nagsasalita. Hindi ko na alam kung nasiraan na ba siya ng bait or what pero maging si Kiane ay nawe-weirduhan na rin sa mga kilos niya. She didn't even care to listen to her bestfriend Sophie, though di naman sila nag-aaway.

Then kanina, I went to grocery to buy some snacks dahil naubusan kami but then I saw her. Para siyang bata na nakaupo sa labas ng grocery habang nakasahod ang mga palad sa ulan. Hindi ko pa sana ito lalapitan pero mukhang nahalata nung ale na kilala ko ito.

"Kilala mo ba, hijo? Kanina pa iyan nandyan. Tinatanong ko kung sino ba hinihintay niya eh 'di naman sumasagot," saad ng ale kaya medyo nakonsensya ako kahit hindi naman dapat.

Pinilit ko itong pauwiin na pero mapilit pa rin ay gusto pa ring hintayin yung dalawang bata raw kaya naman napilitan akong hilain para tumayo. Di pa man kami nakakalayo ay natumba na ito sa sahig dahil namamanhid na raw ang mga paa niya.

Wala na akong choice kundi buhatin na lamang ito kaya heto at basang basa na rin ako ng ulan.

Tsk! Nadulas na rin siya sa likuran ko kaya naman panay angat ako sa kanya.

"Aray! Ang sakit na ng dibdib ko kaka-anggat mo!" reklamo nito.

"Tsk! Wag ka nga magreklamo dyan! Ang bigat bigat mo kahit wala ka namang laman!"

"Hmm...ang harsh mo naman,"

Bahagya akong natigilan sa boses niyang iyon. Ngayon ko lang ata siya narinig nagsalita ng ganito kahinahon. Sinilip ko ng kaunti ang mukha nito na kasalukuyang nakasubsob sa leeg ko. Diretso lamang itong nakatingin sa harap kaya naman malaya ko itong napagmasdan.

Medyo nakanguso ang mga labi nito kaya naman agad akong napatingin sa kabilang direksyon.

The heck! Kailan pa natutong ngumuso itong si Aly?!

Geez... kinikilabutan ako.

***

Aly's POV

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising ngunit hindi pa rin ako nababalik sa totoong mundo ko. Nakakapit sa mga braso ko ang dalawang bata habang mahimbing na natutulog. Napagdesisyunan kasi nila kagabi na dito makitulog kaya naman napilitan rin si Kei na buhatin ang isang kutson upang idugtong sa kama.

Dahan dahan kong binuhat ang mga kamay ni Fenella upang ilipat sa kabilang pwesto habang iniingatan na hindi ito magising. Napalingon pa ako kay Kei na kasalukuyang nakanganga habang naghihilik. Napansin kong bahagyang nakababa ang kumot nito kaya naman naka-expose ang ibabang bahagi ng katawan nito.

Agad akong napatalikod nang makita ang sitwasyon nito at awkward na naglakad palapit upang iayos ang kumot nito. Pagkatapos nito ay dumiretso na ako sa kusina.

Haist. Kailan ba ako last time na nagluto? Hehehe, nakakamiss rin pala.

Napailing ako dahil sa iniisip. Hindi naman sa nami-miss ko talaga, siguro ay masaya lang ako dahil minsan lang ako makatapak sa kusina para magluto. Kinuha ko kaagad ang mga panluto at mga sangkap at nag-umpisa nang magprito ng itlog at bacon.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now