Chapter Twelve

197 31 104
                                    

Aly's POV

Napailing ako saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Napatingin ako sa mga cabinet at maging ang shoe rack niya. Hindi ko inakala na may taste rin pala si Kei pagdating sa mga gamit nito. Hindi naman ganun ka bongga ang mga gamit niya ngunit mapapansing talagang pinag-isipan ang mga ito. Napatingin ako sa iba pang gamit nito.

Hmmm... so far ay puro itim lang ang nakikita kong suit niya. Halos wala akong makita na ibang kulay maliban dito. Favorite niya? Napahawak ako sa baba ko habang nagpapatuloy sa pagtingin sa loob ng wardrobe nito.

Ilang saglit pa akong nagpatuloy sa paglingon-lingon nang mapansin ang isang box sa dulo ng closet namin. Dahan-dahan akong naglakad palapit rito at binuksan ito. Maraming alikabok ang nasa ibabaw nito kaya naman napapikit pa ako habang nililinis iyon. Maya-maya ay natapos ko nang punasan ito kaya maingat kong inalis ang tali nito. Bumungad sa akin ang isang malaking libro. Bahagya pa akong napakunot ng noo sa dami ng gamit na nasa loob nito.

Una kong kinuha ang isang picture frame. Nakita ko rito ang isang bata ito kasama ang buong pamilya, ngunit mapapansin sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Nagpatuloy pa ako sa pagtingin sa mga litrato hanggang sa makita ang litrato ng dalawang bata.

Habang tinitingnan ang mga ito ay agad na pumasok sa isip ko si Kei at si at Mari. Kamukhang-kamukha nila ang mga ito. Akma na sana akong bubuklat ulit nang marinig ang doorbell mula sa labas kaya mabilis akong napatayo at inayos ang box sa gilid.

Marahil ay mamaya ko ulit babalikan ang mga ito at baka sakaling makakita ako ng dahilan at sagot sa mga katanungan ko ngayon. Pagkalabas ko ay naaabutan ko ang isang lalaking rider sa harap ng pinto.

"Mrs. Peterson?" tanong nito sa akin.

What?!

Napataas ang kilay ko rito ngunit mukhang hindi naman niya ito napansin nang tumingin ulit ito sa hawak na papel.

"May order po kasing parcel ang asawa niyo. Don't worry po, paid naman na po ito ng husband niyo," saad nito saka muling ibinalik ang tingin sa akin habang nakangiti.

Inabot nito sa akin ang isang parcel. Hindi naman ito kabigatan ngunit hindi rin ito magaan. Napangiwi ang mukha ko nang iabot nito ang receipt at pinapipirmahan ito sa akin. Agad kong nakita ang nakasulat sa resibo.

"Mrs. Aly Peterson," pagbasa ko sa nakasulat rito.

Ilang saglit pa akong nanatiling nakatingin sa papel.

Shit, I didn't see this one coming. Bakit ngayon pa! Hindi ko pa nga natatanggap na may asawa na ako ay makikisabay pa itong si kuya. Narinig ko na lang ang boses ng lalaki sa harapan ko.

"Mrs. Peterson?" patanong na saad nito habang kunot noong nakatingin sa akin.

"Ah, yeah. Sorry..." nahihiyang sambit ko rito saka pinirmahan ang papel na hawak.

Hindi naman na ito nagtagal pa at umalis na rin matapos matanggap ang pirma ko. Lukot ang mukha kong pumasok sa loob ng bahay saka inilapag ang parcel sa sahig. Mababasa sa harap ng parcel ang pangalang "Mr. and Mrs. Peterson". Agad akong napangiwi rito.

Tsss

Kailangan kong makausap si Keifer tungkol rito mamaya. Bukod pa doon ay marami rin akong gustong itanong sa kanya.Sandali akong napatulala sa parcel. Ilang minuto pa nang makaramdam ako ng pagkainip kaya napatayo ako.

"Yosh! I know what to do now," saad ko saka ganadong nagtungo pabalik sa kwarto. Dahil marami ring kalat sa loob ng kwarto ay naisipan kong mag-ayos ayos ng mga kalat. Ganoon rin sa kwarto ng dalawang bata na halos hindi mawalan ng laruan sa paligid.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now