Chapter Fifty-Two

60 9 0
                                    


Aly's POV

Napangiti ako kay Kiane matapos ako nitong ihatid galing sa park. Hindi ko nga alam pero nung pauwi kami ay nauna na pala sina Kei at Ross. Mabuti na rin iyon kasi medyo nahihiya ako kay Kei. Hindi sa sobrang naghihiya ako sa kanya pero kasi napakalaking kahihiyan na nakita niya yung tattoo sa bandang leeg ko.

Actually hindi ko rin inakala na malalaman niya agad ang ibig nitong sabihin dahil masyadong cursive ang pagkakasulat. Damn! Hindi naman kasi ako yung nagpa-tattoo ng Kei sa leeg ko eh.

Anyways, mabilis na lang akong naglakad papunta sa kwarto ko. Mabuti na lamang at wala si Kuya Lean at hindi ako mapapagalitan. Alas-otso na rin kasi ng gabi kaya naman lagpas na ako sa curfew niya...paiba iba pa naman curfew time yun, minsan 10, minsan naman 8, mas malala naman kung alas sais. Hindi na rin nagtagal ay nagbihis na ako ng pambahay sabay higa sa kama. Masyado akong napagod ngayong araw kaya naman ipagpapaliban ko muna ang panood ng series.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa lakas ng sigawan sa tabi ko. Napakunot noo agad ako dahil pakiramdam ko ay may kakaiba sa paligid. Dahan dahan kong iminulat ang paningin at doon ko unti unting napagtanto kung nasaan ako.

"Good morning mommy!!" sigaw agad nk Fenella saka mabilis na yumakap sa akin. Kasalukuyan pa rin akong nakahiga habang nakadapa sa kama. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagkakadagan niya sa akin kaya naman pilit akong ngumiti rito at tumayo.

Hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay napansin ko kaagad ang lalaking nakangisi habang nakatingin sa akin.

"WAHHH!!" malakas na sigaw ko rito saka malakas na naihampas ang unan sa likuran ko.

"Aray naman Darling!" anas nito saka marahas na kinuha ang unan na tumama sa uluhan niya.

Hirap na hirap itong bumangon sa pagkakahiga saka dahan dahang tumayo palapit sa pinto.

Ano meron dun?

"Daddy! Sabi kong ayusin mo paglalakad mo eh!!!" reklamo ni Keith matapos makita si Fenella na naglalakad sa tabi ni Kei habang ginagaya ang paraan ng paglalakad nito. Para kasi siyang matanda na may arthritis. Nakahawak pa sa balakang ang loko.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo? Para kang timang maglakad! Ayusin mo nga!!" malakas na sigaw ko rito.

Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin at nagpalabas ng hindi kaakit-akit na mukha.

"Concern ka na rin sa akin, Darling?" nakangising saad nito na kaunti na lang ay sasabihin kong nagpapa-cute. Psh!

"Tanga! Hindi. Ginagaya kasi ni Fen oh! Bad influence ka sa mga anak mo noh!" pambabara ko rito.

"Psh! Anak mo rin naman yan eh," mahinang saad nito saka pinilit na maglakad ng normal.

Palihim naman akong namula. Geez. Anak mo rin naman yan, my ass!

Nandito na naman ako sa mundo ng panaginip, bwisit.

Nagtungo agad ako sa kusina para kumuha ng pagkain ko. Nagugutom na ako kaya kailangan ko nang magkarga. Naabutan ko roon ang dalawang bugwit na naga-agawan ng tinapay habang nagluluto naman si Kei. Psh...ano bang meron sa taong 'to at nakahawak pa rin sa balakang niya?

Napatikhim ako upang iparamdam sa kanila ang presensya ko. Sabay sabay naman silang napalingon maliban kay Kei na seryoso pa ring nagluluto.

"Ehem!"

"Mommy!"

"Mom,"

Napangiti na lamang ako nang lumapit sa akin si Fen at mabilis na yumakap sa akin.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now