Chapter Sixty-Five

41 6 0
                                    


Keifer's POV

"Maraming salamat po," sambit ni Aly kina Jin nang paalis na kami sa cafe.

"Ahehe, you're welcome. Kahit anumang oras pwedeng pwede ka bumalik dito Ms. Aly!" nahihiyang sambit naman ni Kin, kapatid ni Jin na animo'y hiyang hiya kay Aly.

Nakalagay pa talaga ang kamay sa likod ng batok nito habang di makalingon sa dalaga.

"Ay, hehe salamat rin po," ulit na sambit ni Aly sa kanila.

"Sige, ingat kayo, pre, sa uulitin..." sambit naman ni Jin saka tumango sa akin.

"Sige, salamat rin," sambit ko dito saka nauna nang lumabas ng pinto. Hinintay ko pa ng ilang saglit si Aly dahil mukhang ayaw pa siya paalisin ng mga gunggong. Tsk!

Maya-maya ay lumabas na rin si Aly habang malawak ang ngiti.

"Akala ko tatagal ka pa dun eh," saad ko dito.

"Huh? Hindi...ang dami kasi nitong pinadala nila eh," sambit nito saka itinaas ang dalawang paper bag.

Napakunot naman ang noo ko.

"Ano naman yan?" tanong ko dito at akma na sanang titingnan ang nasa loob ng bag ngunit bigla naman niya itong inilayo kaya hindi ko nakita.

"Secret! Sabi ni Kin ay 'di mo daw pwede makita...isa pa, sa akin nila binigay ito," parang bata na sambit nito saka nauna nang naglakad.

Huh? Anong trip ng mga yun? Pati ba naman yun ayaw ipakita? Psh! Bahala nga sila.

Napairap na lamang ako saka sumunod sa kaniyang paglalakad. Tahimik lamang kami habang malawak pa rin ang ngiti ni Aly. Sa totoo lang at hindi ko alam kung magagawa namin ang pinaplano namin. Isa pa, ay hindi ako sigurado kung makikipagtulungan ba sa akin si Aly version 2.0

At kung magagawa ko nga na makakuha ng impormasyon sa kaniya tungkol sa red note ni Aly ay hindi rin ako makakasiguro na totoo ang sasabihin niya.

"Keifer!!!" malakas na sigaw sa akin ni Aly habang kumakaway kaway ang kamay at pinapalapit ako.

"Halika dali!"

Dahan-dahan naman akong lumapit dito. Bumibili pala ito ng street food kaya naman napatingin pa ako sa tindero na kakaiba ang tingin sa dibdib ni Aly. Malawak itong nakangiti habang nakatingin kay Aly na abala naman sa pagtusok ng mga fishball at kikiam.

"Here, kuha ka oh," sambit ni Aly saka inabot sa akin ang isang panusok. Napatingin naman ako ng sandali sa dibdib nito at nakita ang cleavage niya. Walang duda kung bakit nakangisi si kuya.

"Tabi, ako na kukuha," sambit ko sa kaniya saka pinatabi. Kinuha ko rin ang dalawang paper bag na inilapag niya sa sahig at pinadala sa kaniya.

"Dalhin mo yan," saad ko saka idinikit sa dibdib niya ang dalawang bag.

"Huh?"

Hindi ko na pinansin ang sunod nitong sinabi at namili na ako ng tutusukin. Napansin ko pa si Kuyang Tindero na bahagyang napangiwi nang ako na ang nasa kaniyang harapan.

"Ito...ayaw ko niyan, masyadong malambot yung kikiam oh!" sambit ni Aly habang inginunguso ang gusto niyang kikiam. Hawak hawak niya kasi ang dalawang bag kaya naman hindi na niya ito maituro gamit ang daliri.

"Ito!! Wag nga yan! Ito, medyo lobo na siya tsaka brown," sambit pa nito.

Psh! Pare-pareho lang naman na kikiam yan bakit kailangan pa mamili. Sa huli ay wala na akong ibanv nagawa kundi sundin ang bawat itinuturo nito. Hindi na rin nagtagal ay natapos na kami sa pamimili at naisipan na huminto muna sa harap ng isang parke.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now