Chapter Fifty-One

87 9 7
                                    

Aly's POV

As usual ay medyo tinanghali ako ng gising kanina. Hindi ko nga inaasahan na mauuna pang magigising si Kuya kaysa sa akin. After eating my breakfast ay nagtungo na ako sa kwarto upang magbihis. While facing the mirror in front of me, I noticed na medyo lumalaki na ang eyebags ko. Maybe it's because I barely sleep at the right time this past days.

Wala namang pagbabago kahit papaano dahil palagi naman akong napupuyat. After kong magbihis ay agad na rin akong nagpaalam kay Kuya na papasok. Honestly, hindi ko alam kung pumapasok pa ba si Kuya. Hindi ko na rin kasi siya nakikitang nag-aayos ng gamit niya eh.

Palapit pa lang ako sa gate ng bigla akong salubungin ni Sophie. Agad akong napahinto dahil may kasalanan nga pala ako sa kanya.

Diretso lamang itong nakatingin sa direksyon ko and I don't know kung ano bang iniisip niya. I can't sense any emotions in her eyes. Napayuko ako.

"Sophie, I- I'm sorry about yesterday. It's... it's just that I...I still can't talk about it. I'm not yet ready. I- I'm s-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang bigla nitong ibinato sa akin ang isang bag.

Auck!

Medyo napalakas ata ang pagbato niya ngunit mabuti na lamang at nasalo ko iyon. Gulat akong napatingin sa kanya ngunit nanatiling ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon.

"Sophie..." tawag ko dito.

"Unfair kung sila lang ang babato sa'yo...Ako din dapat!" inis na saad nito ngunit maya-maya pa ay unti unting kumurba ang ngiti sa mga labi nito.Ilang saglit pa ay nakita na lamang namin ang mga sarili na sabay at malakas na tumatawa.

"HAHAHAHHAHA..."

"Hoy! Padaan!"

Nagulat na lamang kami at agad na napahinto sa pagtawa nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Si Kuya Ron lang pala, isa siya sa mga maintenance crew dito sa school. Matanda lamang ito sa amin ng ilang taon ngunit halos lahat ng estudyante ay natatawa sa kanya. Bukod kasi sa napaka mainitin ng ulo nito ay napakarami rin niyang reklamo sa buhay.

"Mga pasaway na nilalang! Magtatawanan na nga lang , sa gitna pa ng daanan! Sa susunod nga tumabi tabi kayo...Kaya di umuunlad ang Pilipinas dahil sa inyo. Pisteng yawa kayo!" inis na saad nito.

Dahan-dahan kaming tumabi ni Sophie habang dumadaan si Kuya Ron at bumubulong bulong pa itong lumakad sa gitna namin.Nakalimutan naming nasa gitna pala kami ng daan at mukhang nag-init talaga ang ulo niya dahil napakalaking box ang buhat buhat niya. Mukhang hirap na hirap na rin ito at nakaharang pa kami sa daan.

"Mga mawalang magawa sa buhay...tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Mga baliw ba sila? Ah, nakulangan yun sa gatas ng ina. Haist, napakahirap talaga sa Pinas," bulong bulong na saad nito habang naglalakad palayo.

Nang makalampas na ito ay sabay kaming napatingin ni Sophie sa isa't isa. Para bang may kung anong koneksyon ang namagitan sa amin gamit ang mga mata at sabay na lamang kaming natawa ng palihim.

Sa totoo lang ay hindi kami tulad ng ibang magkakaibigan na kailangan ng iyakan at drama para lang magkaayos. Simpleng ganito lang ay nawawala na agad ang tampuhan at inis namin sa isa't isa.

Sabay kaming pumasok sa loob ng room at ramdam ko ang tingin ng bawat tao sa loob ng silid na ito. Alam kong hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa akin ngunit kahit ganoon pa man ay wala na akong pakialam. Gusto ko nang maayos ang lahat at kailangan kong balewalain ang mga ito upang mangyari ito.

Dahan-dahan akong umupo sa sariling upuan habang si Sophie naman ay nagtungo na rin sa sariling upuan. Ilang saglit na lamang kasi ay maaaring dumating na ang instructor namin kaya naman naging handa na ang lahat.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now