Chapter Seventeen

145 25 115
                                    

"KASI NGA ASAWA KO SIYA!!!"

Halos lahat ay napatingin sa direksyon namin. Tulala at hindi makapagsalita. Tila natutop ang kanilang mga dila. At sandaling ito, ako talaga ay nahihiya na.

Wait.

Did I say it loud and clear?

Argh! Aly! May oras ka pa talaga para tumula ah? Naibaon ko ang ulo ko sa mesa sa sobrang hiya. Paniguradong marami ngayong tanong ang iniisip ng mga kamag-aral ko pero hinayaan ko sila. Hanggang sa magsalita si Sophie.

"YOU MEAN WHAT??" malakas na sigaw nito.

Halos yumanig ang apat na sulok ng classroom namin.

"HINDI KASI YUN ANG IBIG KONG SABIHIN!!!" balik na sigaw ko rito ngunit hindi kalakasan.

Natahimik ang buong klase kaya naman hinila ko kaagad ang kamay nito at hinila palabas. Agad naman na nagsitabihan ang mga nasa pinto kaya mabilis rin kaming nakalabas. Dinala ko ito sa garden hindi kalayuan sa room namin.

"Uy! Uy Aly! Teka! Malapit na uwian oh! Saan mo ba ako dadalhin?" reklamo ni Sophie habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.

Nasa gitna na kami ng garden at punong puno ng mga bulaklak ang paligid nang maisipan kong bitawan ito. Marahas naman niyang hinila ang kamay pabalik.

"Okay, ano to?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

Matalim ko siyang tiningnan hanggang sa maagaw ko ang atensyon nito.

"Hindi nga kasi iyon ang ibig kong sabihin!"angil ko rito.

"Ha? Ahhhh-- gets! hahaha...kay Kei ba?"

"Oo, hindi yun ang ibig kong sabihin. Remember the last time na may sinabi ako sa'yo? Yung about sa biglang pagpunta ko sa buhay may-asawa tapos si Keifer ang kasama ko?"

"Oh~~you mean, yung pagde-daydream mo na kayo ni Kei? Naku! Mahirap yan Aly! Tigilan mo yan! Masasaktan ka lang sinasabi ko sayo!" saad nito saka ako inirapan.

Eh?

Napataas ang kaliwang kilay ko. The hell I care with that guy? Damn! He's making me feel crazy! I immediately grabbed her shoulders and let her face me. This time, I'm very serious!

****

Mag a-alas siyete na nang gabi bago kami makauwi ni Sophie. After naming mag usap kanina sa garden ay dumiretso muna kami sa isang kainan. Hindi rin kami nagtagal dahil sa curfew ng mama niya.

Nang makarating na ako sa unit ko ay dumiretso ako sa sink at naghilamos. Nandun pa rin kasi ang bakat ng dugo na natuyo na sa balat ko dahil sa nangyari kanina.

"Haist! Napaka-brat talaga niyang si Veena!" galit na sigaw ko habang nakaharap sa salamin.

Tiningnan ko ang bandang pisngi ko kung saan dumapo ang palad ni Veena kanina. Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang away kanina pero nagkataon na sabay nilang kinuha ni Sophie ang inaalok ni manong na goto kung saan kami kumain kanina.

Oo, maliit na bagay lang iyon. Kaya hindi ko nga din alam kung bakit siya nagalit. Pwede naman kumuha uli ng isa hindi ba?

Pinitik ko ang kamay ko sa sink at ipinagpag ang kamay. Pagkatapos ko maghilamos ay dumiretso na ako sa kusina at kumain nang biglang tumawag si Sophie.

"Yes?" tanong ko sa kabilang linya.

"Bhe! Pwede punta ka dito pleaseeee!!!" matinis na sigaw nito.

"Huh? Wait! Ano ba yun? Bakit?" sunod sunod na tanong ko rito pabalik.

"Nagkataon kasi na sabay aalis sina mama at papa. I'm not sure kung pati si kuya aalis but sa gf niya siya matutulog! Wala akong kasama dito! Punta ka!"

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now