Chapter Sixty-Nine

50 4 0
                                    

"You mean it all?" tanong ni Sophie sa babaeng kaharap niya ngayon.

Kaswal naman na napatango si Aly na kaharap niya ngayon saka dahan-dahang hinigop ang milktea na hawak sa kanang kamay. Habang napayuko naman si Sophie habang nakakuyom ang mga kamao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig. Matagal na siyang nagdududa sa kaibigan simula nang mag-iba ito ng ugali ngunit pinipilit niya lamang na hindi pansin ang mga senyales na iyon.

"You still won't believe me?" tanong nito kay Sophie saka ibinaba ang hawak na cup.

Hindi naman magawang makasagot ng kausap dahil totoong hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kaharap. Pagkatapos kasi kanina nang nangyari sa rooftop ay minabuti ng dalawa na pumunta sa isang malapit na milk tea shop para makapag-usap rin ng maayos. Ngunit base sa naging reaksyon ni Sophie ay talaga namang hindi rin siya masisisi ng kaharap.

"Then... if you're not Aly Vasper I know, then who are you? Where is Aly?And why are you here?" sunod sunod na tanong sa kanya ni Sophie.

Napangiti naman si Aly saka bahagyang lumapit sa kausap.

" I told you, she's in my world. In my second life," nakangising sagot sa kaniya nito.

"And I'm supposed to believe that?" nakataas ang kilay na tanong ni Sophie sa kaniya.

"Yeah? What is there for you to do anyway?" pambabara naman sa kanya nito dahilan para mas lalo siyang mapakuyom ng kamao.

"But why? Why should she go there? Paano nangyayari ang pagpapalit niyo ng buhay?" tanong ulit ni Sophie.

Sa pagkakataong ito ay mukhang mas naging interesado si Aly sa itinanong ng dalaga.

"Good question. As you know, the first time she got there was when she got drunk with his cousin, Leander. Unlike me, she still have consciousness after niyang makabalik dito sa mundo niyo. Noong una siyang makipagpalit sa akin ay ramdam ko ang kaba at takot niya. Mas lalo pa iyong lumala nang makabalik na siya dito at maraming weirdong bagay ang nangyari sa kanya. She even told you na may kakaiba siyang panaginip right? Because she still have the consciousness even if nakabalik na siya dito," mahabang litanya ni Aly.

"So?"

"And so, unlike me. I will totally forget what happened in this world. Kahit na makabalik na ako sa mundo ko ngayon ay paniguradong hindi ko maaalala na nag-usap tayo ngayon. It's like a temporary memory loss. And if I unconsciously become aware and suddenly remember everything about this world, it will trigger us to switch our worlds," sagot nito saka nakangiting sumandal sa upuan.

"You mean, even you or the original Aly has no control in this switching places scheme?" balik na tanong muli ni Sophie sa kaniya.

"Yes, and it's been a while noong una akong nakapunta dito and to be honest, I'm so confused at that time, that's why I tried to escape," seryosong sagot ni Aly na ikinatahimik ni Sophie.

"I tried to find my two kids, Fenella and Keith. And also tried to chat with all men on the phone to look for my husband," nakayukong sagot nito.

"You mean... you're the one who texted all that guys? Don't you know na nasa relationship ang mga iyon? You even dare to call them darling!!" malakas at inis na inis na sigaw sa kanya ni Sophie.

Makikita sa mukha ni Sophie ang inis dahil alam niya kung gaano nag-suffer ang kaibigan dahil sa pagkakamaling iyon.

"It's not my fault. I'm just looking for my husband. I forget his name at first so I just randomly chat with those guys and call them darling to see who will reply with a familiar answer for that," sagot nito habang nakayuko na tila ba nahihiya.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now