Chapter Twenty

145 24 93
                                    

Years ago from the present...

"Kei, anak! Halika na nga dito!" malakas na sigaw ng isang babae.

May hawak ito na isang basket na punong puno ng chocolates galing sa lolo at lola niya. Galing silang probinsya dahil dinalaw nila ang labi ng kanyang ama at upang bisitahin na rin ang kanyang lolo at lola.

Hindi pa pinapanganak noon si Keifer ay namatay na ang ama nito dahil sa sakit sa puso. Sa edad na 25 ay naging biyuda na agad ang kanyang ina, ngunit hindi pa man siya nakakatuntong sa edad na lima ay may bago na itong asawa.

Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ina dahil patuloy pa rin nitong pinaparamdam ang pagmamahal sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay palagi pa rin siyang mag-isa, hanggang sa may nakilala siya na isang bata.

Magha hating gabi na noon at parehong wala sa bahay nila ang kanyang ina at asawa nito. Nagkaroon kasi sila ng panandaliang trabaho at kailangan iyong unahin. Habang ang mga kapatid naman niya ay pawang mga tulog na rin.

Naisipan ni Keifer na lumabas ng bahay at manood sa mga bituin na nasa langit. Madilim na at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw at tunog ng kung anong hayop ang naririnig sa paligid.

Maya-maya ay nagulat na lamang siya nang may magtawag sa kanya.

"Pst! pst!"

Hindi siya lumingon dahil wala naman siyang pakialam. Nagulat na lamang siya nang bigla itong tumalon galing sa pader at nakangiting lumapit sa kanya.

"Hi!" bati nito

Hindi niya alam ang gagawin dahil bigla na lamang may pumasok sa loob ng kanilang bakuran.

"Te-teka? Sino ka? Bakit ka pumasok dito! Bawal yan!" kinakabahan na sigaw niya rito.

"Huh?" takang tanong ng batang babae habang nakatagilid ang mukha.

"Ba-bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito!!!" mariing saad ni Keifer.

Ngunit kahit ano ang sabihin niya ay hindi man lang natakot ang bata. Bagkus ay naupo ito sa lupa ay tumingala sa langit.

"Papaalam na lang ako kay Tita Mei,"saad nito saka ngumiti.

Nagulat si Keifer sa sinabi ng bata.

"Pa-paano mo nakilala si mama?"

"Huh? Syempre pinakilala siya sa akin ni Jim," masayang saad niya.

Nagtaka ang bata. Bakit pati ang kapatid niya ay kilala ng batang ito. Baguhan lang sila sa lugar na ito kaya paanong nakakausap niya si Jimmy kung palagi rin naman itong nasa loob ng kwarto?

"Pumupuslit kasi ako sa loob ng kwarto niya, hihi," natatawang saad nito saka nagtakip ng mukha dahil sa hiya.

Nangunot ang noo ng batang lalaki.

"Eh??"

Tatanungin niya pa sana ang batang babae nang bigla silang makarinig ng malakas na sigaw.

"Ikaw bata ka! Bumalik ka nga rito!" malakas na sigaw ng isang babae.

Sabay silang napalingon rito. Habang nagtataka si Kei rito ay siya namang ikinatakot ng batang babae.

"Te-teka ateeee!!!" nagmamakaawa na sagot ng batang babae ngunit huli na ang lahat dahil nakalapit na ito sa kanya sabay kurot sa kanyang tagiliran.

"Aruyyyy!!! Ate!!!" malakas na sigaw ng bata.

"Ikaw talaga!!! Naku Veena! May gagawin pa ako diba? Bakit ba ang kulit mo!!!" sigaw pa nito saka hinila ang batang babae habang kurot-kurot ito.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now