Chapter Sixty-One

94 8 0
                                    

Nagising na lamang si Aly mula sa mahimbing na tulog matapos marinig ang malakas ang sigaw sa kanya ni Sophie.

"Alyy!! Ano na?!" malakas na sigaw sa kakiya ng kaibigan.

Napaangat agad siya ng ulo matapos marinig iyon.

"Anong?!" sa isip isip ni Aly saka dahan-dahang inikot ang paningin sa paligid.

Nasa classroom pa rin sila at dahil wala silang professor ngayon ay malaya rin ang iba na makipag kwentuhan sa katabi. Dahan-dahang napatingin si Aly sa katabi at nakita si Sophie. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa kaniyang baywang habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya.

"Sophie..." tawag niya dito.

"Oh, mabuti naman at gising ka na?" tanong nito sa kanya.

Napayuko si Aly.

Aly POV

Napayuko na lamang ako habang sumasabay kina Sophie sa paglalakad. Kakalabas pa lamang namin sa classroom dahil inaya ako ng mga ito na bumili sa cafeteria. Sa totoo lang ay nagulat pa nga ako noong una ngunit hindi rin nagtagal ay nakabawi rin naman.

Oo nga pala at nakabalik na ako sa mundong ito kanina lamang nang magising ako. At sakto namang nakatulog ako sa klase kanina kaya akala ko ay nakabalik na naman ako sa ibang mundo.

Napatingin ako kay Sophie na abala sa pamimili ng pagkain niya. Sa totoo lang ay may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay may nangyari na naman noong wala ako. Maliban sa kakaibang tingin ng mga taong nadadaanan namin ay para bang may nagbago sa pakikitungo sa akin ni Sophie.

Kahit na magkasama kami ay hindi kami ganoon mag-usap, kasama namin ang isa niyang kaibigan na siyang laging kausap niya.

Napayuko tuloy ako dahil dito. Pagdating namin sa cafeteria ay umupo agad ako sa isang seat habang ang dalawa naman ay nagpunta agad sa counter para um-order ng pagkain. Ngunit nagulat na lamang ako nang biglang may umupo sa katapat na upuan.

Agad akong napataas ng tingin at nakita si Kei na nakaupo sa harapan ko.

"Kei..." tawag ko dito.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang ekspresyon na makikita sa mukha nito. Nakasandal ito sa upuan at para bang anumang oras ay babagsak na ang upuan sa sobrang pag sandal niya. Nakalagay din ang isang kamay niya sa ibabang ng table habang ang isa naman ang nasa mga hita niya.

Bahagya itong nakaharap sa gilid habang nakatingin rin sa kabilang direksyon. Dahan-dahan itong napaharap sa akin at doon ko lamang nakita ang nakakunot noong mukha nito.

"Did Kiane walk with you last night?" tanong nito sa akin na agad na ikinagulat ko.

Si Kiane? Napakunot ang noo ko saka napayuko.

"I don't know," sambit ko dito.

Hindi na ako nag-abala pa na magpaliwanag sa kanya dahil nasabi ko na rin naman na sa kanya ang tungkol sa sitwasyon ko.

"I see, so the Aly yesterday... it's not you, right?" tanong nito sa akin na dahan-dahan kong tinanguan.

"I see..." sambit nito.

Pagkatapos niyon ay muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa dumating na muli sina Sophie. Malayo pa man ang dalawa ay tumayo na agad si Kei at tumalikod sa akin.

"I'll talk to you later...and we'll walk home together," sambit nito saka nagpatuloy sa paglalakad palayo.

Natigilan naman ako at hindi alam kung paano kikilos sa harapan nito. Napayuko na lamang ako habang nakangiti. Sa hindi malamang dahilan ay natuwa ako sa sinabi nito.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now