Chapter Fifteen

167 30 107
                                    

ALY POV

"Pero saan ka galing?" tanong uli nito sa akin.

"Seryoso day! Nananaginip yan! Hahaha," echoserang sabat naman nung isa.

Hindi ko alam kung sino ang mga nagsasalita kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nung una ay puros liwanag lang ang nakikita ko kaya naman ipinikit pikit ko pa ang mga mata ko.

Teka? Wag mong sabihing namatay ako?

Lumingon ako sa paligid at mukha agad ni Sophie ang tumambad sa akin.

"Ano bes! Gising ka na?"

Sophie?...

"Sabi sa'yo iwan na natin yan eh! Tingnan mo male-late tayo dahil sa kanya!" reklamo naman ng isa.

Sino naman ito?

Inilibot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

Wait!

Napabalikwas ako sa kama sa sobrang saya.

Teka, nakabalik na ko? High schooler na ulit ako?

"YAY!!!! NAKABALIK NA KO BES!!!!HAHAHAHA"

Nagsisisigaw ako habang inaalog ang katawan ni Sophie.Nakataas naman ang kilay nito na ipinagwalang bahala ko.

Bahala siya dyan! Basta nakauwi na ako.Akala ko ay doon na ako habang buhay, hindi ko talaga yun makakaya!

*****

Kasalukuyang naglalakad na kaming tatlo papasok sa school. Halos hindi matanggal ang ngiti ko sa mukha dahil sa sobrang saya na sa wakas ay nakabalik na ako sa lupa! Ay este, sa buhay ko! Hahaha!!

Habang ang dalawa naman ay naglalakad kasunod ko ngunit pareho silang di maka-move on sa inaasta ko.

Tinanong ko sila kanina kung meron bang kakaibang nangyari sa akin nung nakaraan pero sabi ni Sophie ay hindi niya daw alam. Hindi naman daw siya pumasok nung nakaraang araw at kahapon. Akala niya nga rin ay hindi ako pumasok dahil wala ako.

Nasa gate na kami nang bigla akong napahinto.Paano nga pala kapag nakasalubong ko si Keifer? Deadma lang ba ako? O, kakausapin ko siya?

"Aly, ayos ka lang?" tanong ni Sophie habang nakahawak sa balikat ko. Nakalapit na pala sila sa akin.

Tumango lang ako rito bilang sagot. Hindi ko na lamang siya papansinin tutal nakabalik naman na ako sa mundo ko. Sana lang ay hindi na ako bumalik dun sa bangungot na iyon. Kainis!

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom. Hinintay ko munang dumating galing sa cafeteria sina Sophie para bumili ng agahan dahil wala pa kaming almusal.

Habang naghihintay ay napansin kong nagtatakbuhan na ang mga kaklase ko.

"Andyan na si Maam!!!" sigaw ni Loci, yung paknot na classmate ko.

Sunod sunod na nagpasukan ang mga classmate ko sa room. Naiwan naman ako sa pintuan dahil wala pa naman akong nakikita. Baka nagkamali lang sila.

Lumingon pa ako sa kabilang pinto at nagpasukan rin ang iba doon. Tumalikod na ako at akmang papasok na sana nang marinig ko na ang malakas na sigaw ng prof namin.

"Ms. Vasper! Anong tinatayo-tayo mo riyan?" mataray na tanong nito.

Hindi agad ako nakalingon rito dahil sa mukha ng mga classmate ko na akala mo ay hindi na aabutan ng bukas dahil sa takot. Nagsalita pa ito ngunit hindi ko masyadong naintindihan at tanging mga classmates ko lang ang tinitingnan ko.

Bakit ba sila natatakot? Si maam Liza lang naman iyan di ba? Pre cal namin ngayon eh.

Hanggang sa maramdaman ko ang dalawang kamay nito na humawak sa magkabilang balikat ko at sapilitang pinaharap sa kanya.

"I said!! Ms. Vasper!! GET OUT OF MY CLASS, NOW!!!" malakas na sigaw nito.

Ay shemay! Bakit si maam Ava ito?!

Hindi ako nakasagot sa kanya at dali dali na lamang lumabas.

Pag tinamaan ka nga naman ng malas, sunod sunod amp!

Nag martsa na ako palabas ngunit bago pa man ako makalabas ay nakita ko ang dalawang tao na naging dahilan kung bakit ako pinapalabas. Inginuso pa niya ang kabilang pinto.

Ahh!! So ako lang pala yung di tumakbo? Mga shuta kayo! Napahamak ako dahil sa inyo tapos yun pala, Ako lang? Ako lang may parusa?

Hindi ko na pinakinggan ang ibang binubulong ni Sophie at dumiretso na ako. Kung alam ko lang na si ma'am Ava yun edi tumakbo na rin sana ako.

Ayt! Oo nga pala! Thursday na ngayon!! ARGHHH!!! Aly!! BoBo ka talaga!!Two days pala ang nawala sa akin dito. Kaya akala ko Tuesday pa lang!

Nasipa ko pa ang basurahan sa sobrang inis.

Argh!! Bwisit! Bwisit!

Nagkatapon tapon ang basura sa sahig dahil sa lakas ng pagsipa ko. Buti na lang at hindi tuluyang nasira ang trash bin.Pinunpon ko kaagad ang mga nagkalat na basura at dali dali na itinayo.

Nang maayos ko na ito ay tumayo na ako at inayos ang sarili. Hawak hawak ko pa ang plastic bottle na nasa basurahan kanina nang biglang mapansin ko ang lalaki na nasa harap ko.

Mukhang magtatapon ito ng basura dahil nakaharap ito banda sa akin at may hawak na plastik bag na ihuhulog sana sa basurahan. Nagulat kaming dalawa at parehong nanlaki ang mata. Humihigop ito ng juice na hawak ng isa kamay habang ang kabila naman ay nagtatapon ng basura.

"Alam mo, naninibago na ako sa'yo. Di ka naman nanununtok eh"

"Atsaka wala ka talagang nobyo kahit isa kasi ako yung unang nobyo mo!"

"Eh kasi, hindi ka naman nanununtok. Isa pa, napakahinhin mo kaya?"

"Di ka makapaniwala noh? Ako rin eh...hahaha. Bigla ka na lang naging sunod sunuran sa akin nun. Tapos sinabi mo sa akin kung may nobya na ako hahaha, dun pa lang alam ko na na may pagtingin ka sa akin eh,"

Bumalik uli sa akin ang mga sinabi niya kahapon. Shit ka Aly! Hindi yan yung kasama mo kahapon! Bwisit!

Pero habang nakatingin ako rito ay nakikita kong parehas na parehas ito sa taong kausap ko kahapon. Medyo matured lang ng unti ang itsura niya kaysa ngayon.

Nagtaas ang kilay nito na ikinabigla ko. Para kasing sinasabi niya na..."Anong tinitingin tingin mo dyan huh?"

Dahil sa inis ay naihagis ko sa mukha niya ang boteng hawak ko.

Argh!!! Taragis naman oh!

*****

Kei's POV

What the hell is wrong with that human?! Damn!

Galing sa basurahan tapos sa akin niya itatapon? Mukha ba akong basurahan?

I watched her walking towards the AVR room. I don't know why since may meeting sa loob ng room na iyon. Actually, I'm starting to get irritated sa kanya. The last time I saw her, it was yesterday and she just called me in a weird name. I can't remember it and hindi niya kasama nun si Sophie.

Then last night , she just pulled some prank on me and sinabi na tawag ako sa office but puro prof pala sa ibang schools ang nandoon.I can't take my revenge on her since para siyang ewan kahapon. Then ngayon naman ay tinapunan ako bigla ng bottle sa mukha?

Seriously?

Dahil sa inis ay naglakad na ako pabalik. I need to go and get Veena. I'm sure naghihintay na iyon.

I walked towards her nang makarating na ako sa parking lot. I saw her smiling while hugging her shoulders. She even walks towards me para mapalapit hanggang sa sabay na kaming pumasok sa kotse ko.

While I was driving, I can't take my eyes on the road since I felt like someone is looking at me. At nang tumingin ako sa direksyon niya ay nahuli ko siyang tinitingnan ako. Unlike any other girl, she didn't looked away, she just looked into my eyes and sweetly smiled at me.

Damn! Why so cute! argh!

I smiled silently to hide my blushing cheeks. Damn! I'm so gay

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now