Chapter Sixty-Six

37 6 0
                                    

Aly's POV

Ilang araw na ang nakakaraan at wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin ako nagigising sa kabilang mundo at wala rin naman akong alam na paraan kung paano sapilitang pumunta doon.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko.

"Sure ka ba na walang ibang paraan para makipag palit ka sa kaniya?" tanong sa akin ni Kei.

Nanatili itong nakasandal sa tangke at dahil bahagyang madilim sa parte kung saan siya nakatayo ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito.

"Psh, kung alam ko lang ay di na sana natin kakailanganin na maghintay ng tatlong araw sa wala," sagot ko dito saka inis na sinipsip ang chocolate drink ko.

Napalingon ako sa direksyon ni Keifer nang mapansin ang kaunting paggalaw nito. Nakasandal pa rin siya sa pader habang naka-cross arm pa.

"Hindi tayo magkakaroon ng anumang sagot kung mananatili ka sa ganito. Ni hindi mo naman kayang basahin at alamin ang nilalaman ng red note kaya wala ring silbi kung ikaw ang mananatili dito," sagot nito.

Napasimagot ako dahil dito. Para na rin niyang sinabi na wala akong kwenta. Hmp!

Napaiwas na lang ako ng tingin saka muling pinagmasdan ang kalangitan. Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala ang nangyari sa kabilang mundo.

"Kei," tawag ko dito.

"Hm?"

"Do you like rooftops? Just like this one?" tanong ko dito habang nakamasid sa itaas. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader habang si Kei naman ay nakatayo.

"Not much, why?" balik na tanong nito.

"He likes it, I mean the other you. And it seems like you and I have some special treatment to rooftop," sagot ko dito nang maalala ang gabing iyon. Noong pagkatapos naming magkaroon ng family date kasama ang mga bata.

Natahimik naman si Kei dahil dito.

"You look so matured there and yet a childish one. Sa totoo lang mas prefer ko ugali mo dun...and it's very different to who you are right now," dagdag ko pa habang bumabalik sa ala-ala ko ang mga panahon na nandun ako sa kabilang mundo.

"So what?"

"If this is true... that this is my third life...and probably yours too, I wonder what makes you change right now?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Bihira lang kami mag-usap ng mahinahon ni Keifer kaya naman hindi ko maiwasang sabihin sa kaniya ang tungkol doon.

"Psh, I'm not him... Don't compare me to someone I don't know. You're like the others," inis na sambit nito saka umalis sa pagkakasandal sa pader.

Nagulat na lamang ako nang bigla na itong maglakad papunta sa pinto palabas ng rooftop.

Doon ko lamang napagtanto nanapasobra ako sa mga sinasabi ko. I know how much he disliked comparing him to someone and knowing that I might have offended him, I was left guilty.

*****

"Aly!! Mauuna na ako!" paalam sa akin ni Sophie saka nauna nang naglakad palabas.

Napabuntong hininga naman ako saka inayos ang gamit sa loob ng bag. I almost forgot na bukod sa asawa ay isa rin pala akong estudyante. This past few days ay bagsak ang lahat ng records ko sa lahat ng subject especially kay Ms. Ava. Umabot pa ako sa guidance dahil dito.

But fortunately, binigyan na lang ako ng consideration ng mga teachers at nagbigay na lang ng special test questionnaires na sasagutan ko. Hindi naman sa nagrereklamo pero masyadong marami ang mga ito lalo na kay Ms. Ava na mas makapal pa ata sa libro namin.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now