Chapter Forty-Four

60 10 14
                                    

Aly's POV

Abala kami ni Kuya nang biglang tumunog ang bell sa harap ng pinto. Napatingin pa ito sa akin. Te-teka...wag mong sabihing si Kei iyon?? Nasabi ko naman na kay kuya ang tungkol dito pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan kung sakaling pupunta nga siya!

Pinandilatan naman ako ng mata ni Kuya na akala mo eh nakagawa ako ng mabigat na kasalanan.

Hindi ko naman siya pinapapunta eh!!Dahan-dahang naglakad si Kuya malapit sa pinto ngunit nang nasa harap na ito ay saglit pa itong napahinto. Nag-inhale exhale pa si kuya at bahagya iniangat ang dibdib bago binuksan ang pinto.

Wait...balak niya bang takutin si Kei??

Hindi ko maiwasang matawa sa postura ni Kuya lalo na ng makaharap na niya ito. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman kitang kita ko rin si Kei sa labas. Nakatingin ito kay kuya hanggang sa mapansin kong bahagya itong napalunok.

Te-teka... nag-iintimidate ba siya kay kuya? Napahawak ako sa bibig upang pigilan ang sarili na mapatawa. Natatakot rin pala ang shokoy na yun?! HAHAHA

Maya maya ay nagulat na lamang ako nang bigla itong humarap sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagliit ng kanya.

Napatakbo ako ng wala sa oras paakyat sa kwarto ko. Nakakahiya!!! Nagtago muna ako sa taas habang hinihintay si...teka...bakit ba ako tumakbo?

Arghhh!!!

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago muling nagmartsa pababa. Sa pagkakataong ito ay wala na sila at paniguradong nasa kusina ito. Hindi ko alam kay kuya ngunit hindi ito tumatanggap ng bisita sa sala. Palagi niya kasi itong idinidiretso papunta sa kusina.

Mas maraming pagkain, mas maganda; yan ang motto niya.

Napatingin ako sa kanila habang tahimik siyang binibigyan ng pagkain ni Kuya.

Jeezzz...infairness nakaka-intimidate nga si kuya sa suot niya.

Maya maya ay lumabas ng kusina si Kuya at mabilis akong hinila papunta sa sala.

"Kuya," tawag ko dito.

"Boyfriend mo ba yun??" tanong agad nito.

"Huh? Hindi ah!" mabilis na saad ko.

Pinanliitan pa ako nito ng mata na animo'y hindi naniniwala sa sinabi ko.

Tsk!

"Ano bang meron kuya at bakit ka ganon?" tanong ko patukoy sa awra nito na nakaka-intimidate.

"Wala lang...hahaha trip kong asarin eh...hahaha," natatawang saad nito.

Hindi ko mapigilang matawa sa kalokohan ni kuya. Kahit kailan talaga. Sabay na lamang kaming natawa sa kalokohan niya. Maya-maya ay bumalik na kami sa kusina bago pa maghinala ang shokoy na yun.Umupo si Kuya Lean sa katapat na upuan ni Kei habang abala naman ang shokoy sa pagkain na cookies sa harap niya. Gutom ba talaga siya??

Napansin kong pinipilit lamang niyang hindi ma-intimidate sa awra ni kuya kaya naman hindi ko maiwasang hindi matawa sa tuwing nagugulat ito kapag nagsasalita si kuya.

"Aly," tawag sa akin ni kuya.

"Po?"

"Balak mo ba talagang makinig sa usapan ng lalaki?" walang lingon lingon na tanong ni kuya.

Eh? Saka ko lamang naisip na ako lang pala ang babae rito. Jeez. Napatingin ako kay Kei at saktong nakatingin rin ito sa akin.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa tinging iyon. Para kasing napakalamlam ng mga mata niya at parang mata ng isang lalaking nalalasing. Shit! Bakit ang hot ng dating!

Arghh!! Nagmartsa na lamang ako palabas ng kusina at nagtungo sa sariling kwarto at doon nagsisisigaw.

Arghh!!Why am I feeling this way? I can't deny that I see the older version of Keifer on him. The way he looked at me, parehong pareho iyon sa tingin na nakikita ko sa kaniya sa ibang mundo.

This feeling is so strange for me, yet...it makes me thrilled somehow.

Itinakip ko pa ang unan sa mukha ko at doon nagsisisigaw.

Para akong tanga!

****

Kei's POV

Napatingin ako kay Lean nang tuluyan nang makaakyat si Aly sa kwarto niya. Katulad ko ay nakatingin lang rin ito sa akin.

"Nililigawan mo ba pinsan ko?" tanong nito. Nakaupo pa rin ito ng diretso sa kaniyang upuan habang naka-straight body pa. Hindi ko tuloy alam kung anong pinaplano ng lalaking ito.

Hmmm, so pinsan lang pala siya...

"Hindi," diretsong sagot ko dito dahilan para bahagya itong mapaismid.

"Bakit ka nandito"

"Dahil sa kanya," simpleng utas ko.

"Anong gagawin niyo?"

"Wala ka na doon"

Nanliit ang mga mata nito. Alam kong nawawalan na ako ng respeto sa kanya at alam kong inis na inis na rin siya dahil doon. But I don't care. Muli akong humigop ng iniinom ko.

"Hmm...I see, private?" tanong nito.

"Yeah,"

"Well, wala akong magagawa kung private iyon. But still, I don't trust you. You're a Peterson after all," seryosong saad nito.

Napakunot ang noo ko. What does he mean? Ano naman kinalaman ng apelyido ko sa pagtitiwala?

"I know you, Keifer Peterson, cousin of Sky Peterson,"

Agad na nag-igting ang mga panga ko nang marinig ang pangalan ng gagong iyon. Tsk! Ano na naman ito?! So he knew me from the start?And just pretended as if he doesn't know me? Iyon rin ba ang dahilan kung bakit niya pinaalis si Aly?

"Don't worry, kaibigan naman ako ni Sky eh," biglang saad nito habang pasimpleng inaalis ang tensyon sa pagitan namin.

"Hahaha...nasaan na pala ang brat na yun? Bigla na lang kasing nawala eh," natatawang saad nito.

Yeah, Sky Peterson is my cousin. Actually, everyone loves him especially girls. Sikat na sikat siya sa campus and others says na sila ang living heartrob na sa novels lang nag-eexist. I think Leander is one of them. May tatlo pa silang kasama na sikat noon sa campus up until they graduate.

Simula nang mawala na ang batch nila ay kung sino-sino na lang ang pinagkakaguluhan ng campus para lang may pumalit sa pwesto ng mga yun. Hanggang sa nagkagusto sa akin ang isang campus queen wannabe.

That is when we walk with fame. Marami na rin ang naka-notice sa amin and we're actually cool about it. Hanggang sa marinig ko na lang ang iba't ibang comparison sa pagitan namin ni Sky. Mula noon ay nakaramdam na ako ng galit sa tuwing naririnig ang pangalang iyon.

Agad akong napatayo.

"Kei-"

Napaharap ako sa kung saan galing ang tinig at nakita roon si Aly na takang nakatingin sa akin. Tsk!

Before they can say a word ay umalis na agad ako.

Tsk! I still want to talk to her but I can't stand talking to a guy like Lean. They know nothing but to compare people.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now