Chapter Eighty

40 7 0
                                    

Aly POV

Napatingin na lamang ako kina Sophie na masama na ngayong nag-uusap. Kakatapos lang namin kumain kanina at mukhang balak naman nilang magtungo ngayon sa beach kahit na gabing gabi na.

"Engot ka ba? Gabing gabi eh maliligo ka!?" inis na sambit ni Dylan kay Sophie.

"Eh ikaw ang engot! Wala namang pilitan eh, si Aly lang naman inaaya ko noh! Tapos nung nalaman niyo, gusto niyo na rin sumama," sagot naman nito sa binata at nagpatuloy pa ang kanilang bangayan. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad palapit sa beach. Malamig na ang simoy ng hangin at sa totoo lang ay parang aatras ang kaluluwa ko kung sakaling lalangoy talaga kami.

"Hey Aly!" biglang tawag sa akin ng kung sino mula sa aking likuran.

Agad kong nakita si Kiane na naka sando at shorts lang habang tumatakbo palapit sa akin. Isa pa ito. Hindi ba siya nalalamigan?

Napangiti na lamang ako nang tumabi na ito sa akin.

"Uhmm...by the way, I'm sorry about earlier. I didn't mean to welcome you like that, I'm...just excited," pag-amin nito habang nakatingin sa buhanginan at nakalagay ang isang kamay sa batok.

Napangiti naman ako dito dahil kahit papaano at hindi ko talaga maiwasan na matawa dito.

"Hahaha, it's okay. It doesn't really matter," sambit ko dito saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Nauna na ang iba kaya naman dalawa na lang kaming nahuhuli. Mabagal lang ang lakad naming dalawa at ramdam ko ang pagsipa rin ni Kiane sa mga buhangin katulad ng ginagawa ko. .

"So...what do you think? Is it worth it na sumama kayo?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Hmm...yep nakaka-miss rin ang ganitong outing after stressful days. It's been a while na nag-vacation kami sa villa ni Lolo sa France kaya kahit dito lang ay masaya ako na makapag bakasyon ulit ako," nakangiting sagot ko dito.

"Thank you..."

Napalingon ako dito.

"I didn't expect na sasama talaga kayo, to be honest. Besides pagod rin kayo sa exam... I'm just happy that we're here together," nakangiting sambit nito saka napahinto sa paglalakad at napatingin sa kalangitan.

Nagulat na lamang ako nang biglang gumalaw ang balikat niya na para bang nagpipigil ng iyak.

"Hmm .."

Agad akong napangiti dito.

"Then why are you crying?" tukso ko dito habang malawak ang ngiti. Pareho kaming nakahinto sa paglalakad kaya naman kita ko agad reaksyon nito.

Mukhang nagulat ito at nakalimutan magpunas ng luha nang tumingin sa akin. Dahil dito ay nakita ko ng mas malinaw ang luha na pilit na tumatakas sa kanyang mga mata.

"Huh? I'm not! I'm not crying!" sambit nito kasabay ng pagpunas nito sa luha.

Mas lalong humagalpak ang tawa ko nang makita ang desperado at nagmamadaling pagpunas nito ng luha.

"Hahahahah are you serious? You're literally crying!!! OMG!! hahahaha You're really crying!!" tuwang tuwa na saad ko dito.

" No I'm not!" deny pa dito habang pilit akong inaabot dahil sa lakas ng boses ko. Ngunit bago pa ako nito maabot ay nakatakbo na agad ako.

"Keep it quiet Aly!" sigaw nito sa akin.

"No, I won't! Look! You're really crying!" tawang tawa na asar ko dito.

"Shut it," tawag pa nito sa akin. Ngunit patuloy lamang ako sa pagtakbo habang hinahabol ako ni Kiane. Halos hindi ko mapagtanto kung gaano ako natatawa sa sitwasyon ni Kiane ngayon. Para siyang bata na inagawan ng lollipop habang hinahabol ako at pilit na pinapatahimik.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now