Chapter Seven

225 37 148
                                    

ALY's POV

Pagkatapos ng nakakahiyang eksena na iyon kanina, ay walang katapusang pagmumura sa sarili ang ginawa ko dahil sa katangahan ko.

"Darling, okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.

Hindi naman ako sumagot at ganun din siya. Maya-maya ay nagpaalam siyang aalis muna saglit at may bibilhin kaya naman laking pasasalamat ko dito dahil kahit papaano ay nawala ang masamang espiritu sa harapan ko.Nakatulog na rin ang dalawang pusit at hindi naman na ako nag-abala pa na bisitahin ang mga iyon. Nagikot-ikot ako sa kwarto at pilit pa ring ginigising ang sarili.

"Hindi pwedeng ma-stock ako dito! Ano nang gagawin ko ngayon?" kinakabahan na tanong ko sa sarili habang paikot ikot at kagat kagat ang kuko.

Halos umiyak na ako dahil sa frustrations na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinumpa ako tulad ng mga nakikita ko sa pelikula o sadyang nananaginip ako. O baka naman ay nabaliw na talaga ako ng tuluyan?!

My God! 17 years living on Earth, bakit ngayon pa ako nabaliw? Mas ayos pa sana kung nabaliw ako sa exams eh! Pero ito? Sinong tanga ang maniniwala na nagising ako na may asawa at anak na? Ang mas malala pa ay hindi lang isa, kundi dalawa!!

Hindi 'to pwede! Kailangan kong makaalis dito! Pero paano?

Sinubukan ko nang tumakbo kanina para sana bumalik sa sarili kong bahay pero maski isang gusali sa gitna ng siyudad ay wala akong makilala. Kung hindi pa ako hinabol ni Kei ay tuluyan na akong naligaw kanina. Maging ang cellphone ko ay iba na rin at wala rin sa contacts ko ang number nina Sophie.

Napaupo ako sa kama habang pilit na nag-iisip. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pagod marahil ay dulot na rin nang kakaiyak ko kanina sa banyo, idagdag pa ang katakot-takot na habulan namin kanina ni Kei nang magpumilit akong tumakas.

*****

Flashback:

Lakad takbo ang ginawa ko habang pilit na tinitingnan ang paligid. Hindi ko pa rin makuhang makapaniwala sa mga nakikita. Maski isang store ay walang pamilyar sa akin. Maging ang building kung saan ako nagising ay hindi rin pamilyar sa akin. Sinubukan kong gumamit ng public telephone at tinawagan si Sophie pero walang sumasagot nito.

Agad akong napalingon sa likuran ko nang makita si Kei na sumisigaw palapit sa akin. Dahil sa taranta ay napatakbo ako at kahit na ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid ngunit nagpatuloy lamang ako para makalayo sa kanya.

Nang tumakbo ako ay nakita ko ang inis at kunot na kunot na noo nito.

"Darling!! Teka lang naman!" sigaw nito habang pilit akong hinahabol. Sa huli ay naabutan ako nito habang nagpapahinga sa isang parke.

Naramdaman ko na lamang noon ang isang braso na pumulupot sa baywang ko at namalayan ko na lamang ang sarili na nakalutang sa ere habang buhat buhat ako nito na parang isang sako ng bigas. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid. Ang ilan ay nakakunot ang noo marahil ay nagtataka habang iba naman ay pasimpleng natatawa.

Dahil sa hiya ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha habang pilit na sinusuntok ang likuran nito. Sa huli ay wala na nga akong nagawa pa at hinayaan na lamang akog dalhin habang dahan-dahang inilapag sa sofa pagdating sa bahay nito.

****

Dahil sa dami ng mga katanungan sa utak ko ay hindi ko na niya namalayang nakatulog na ako habang nakahiga sa kama ng asawa.Nagising na lamang ako sa malakas na tugtog sa cellphone ko.

W-wait?

Napabalikwas ako sa higaan at dali-daling tumayo. Tiningnan ko kaagad ang kabuuan ko sa salamin.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now