Chapter Fourteen

155 30 91
                                    

Akala ko ay babalik na sa pagtulog si Kei ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito natutulog. Tumingin ako sa direksyon niya ngunit nakatingin lang din ito sa akin.

Ano na naman problema ng lalaking to?! Napakunot-noo ako dahil sa inis at bumalik na lamang sa kama.

"Darling, susuntukin mo ba dapat ako kanina?" nakangusong saad nito.

Napalingon ako sa kanya.

Like duh? Hindi ba halata?!! Malamang?! Sinong hindi magugulat dun!! Huh?!!

"Malamang?!!"mataray na saad ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganito siya ganito kumilos. Acting lang ba ito o talagang may ganitong side lang talaga si Kei na hindi ko alam? Dun kaya sa isa kong buhay ay ganito rin siya? Ang swerte pala ni Veena kung ganon.

Ay bastos ka! Ano pinag iisip mo Aly!!

Nai-alog ko ang ulo ko para mawala ang ideyang ito nang biglang magsalita si Kei.

"Alam mo, naninibago na ako sa'yo. Di ka naman nanununtok eh,"

Seryoso bang nagsasalita na siya? Ano to? Throwback Memories? Natawa ako sa iniisip ko.

Pero, pwede ko rin kayang sabihin sa kanya na hindi ako ang asawa niya?

"Umm...Keifer," tawag ko rito kaya lumingon siya agad sa akin.

"Hmm?"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi ako ang asawa mo?" tanong ko rito.

Napakunot ang noo nito hanggang sa maya maya ay tumawa ng malakas.

"Hahahaha, nagpapatawa ka ba darling? Malamang hindi!!"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Seryoso nga kasi!! Hindi nga ako si Aly na asawa mo!! Okay, ganito kasi yun, high school student pa lang po ako sa Larson High at walang kahit isang nobyo. At lalong lalo na at wala akong asawa. Nagising na lang ako bigla na nandito na tapos nasa CR ka!" sumbat ko rito

Pinipilit ko na ipaintindi sa kaniya ang nangyayari ngunit wala itong ibang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.

"Hahahahah puyat ka ata eh! Matagal na tayong graduate Darling! Ano ka ba? Dalawa na nga anak natin eh! Atsaka wala ka talagang nobyo kahit isa kasi ako yung unang nobyo mo!" paalala nito.

"Una?"

"Oo, wait wag mong sabihing nakalimutan mo?"

"Huh? Anong sinasabi mo? Eh wala naman akong gusto sa'yo at saka hello?? Never akong magkakagusto sayo. Duh?" mataray kong sagot sa kanya.

Sandaling natahimik si Kei. Umupo ito nang maayos saka humarap sa direksyon ko.

"Haist! Naninibago na talaga ako sa'yo darling. Ano ba ito, nagka-amnesia ka bigla?"nang aasar na saad nito.

"Hindi nga ako nagka-amnesia lalong lalo na at hindi ako nagmamaang maangan! Seryoso ako! Hindi talaga ako si Aly Vasper na tinutukoy mo! Kaya wag kang manibago kasi ganito talaga ako!!" sigaw ko rito.

"Haaay! sige na nga, kunwari naniniwala ako sa'yo.Mukhang di mo na talaga naalala. Alam mo bakit ako naninibago? Eh kasi, hindi ka naman nanununtok. Isa pa, napakahinhin mo kaya?" aniya sabay ngiti.

Agad na nagpanting ang tainga ko sa narinig saka gulat na napatingin sa kaniya.

Mahinhin?Ako? Ako ay mahinhin?

The hell!! Hindi noh!! Hindi ako mahinhin! Suntukin ko siya eh!

Naihagis ko sa kanya ang unan na hawak ko .

"The hell!! Hoy Keifer!! Hindi ako mahinhin okay?! Di ako pabebe!!"inis na angil ko rito habang pilit na iniiwasan ang bawat hampas ko.

"Hahahaha...totoo kaya? Daming nagkakagusto sayo dati kasi ang hinhin mo. Dalagang Pilipina ang datingan wahahaha," natatawang saad nito.

"Excuse me? Hindi ako dalagang Pilipina okay?" saad ko rito.

Ewan ko! Ayoko nang term na dalagang Pilipina. Napakahinhin at saka feeling ko masyadong pabebe. Isa pa, sobrang layo ng Aly na kilala niya sa karakter ko!

"Hahahaha...nakalimot ka na nga ata. Baka pati nung naging tayo nakalimutan mo rin?"

Nanlaki ang mata ko. Naging kami?Arghhh!! Malamang Aly?! Mag-asawa na nga kayo di ba? Pero di ko pa rin tanggap!! Lalo na nang magsalita uli ito.

"Hahahaha...seryoso! alam mo ba sa ating dalawa, ikaw ang unang umamin?Hahahaha natatawa talaga ako nung mga panahong iyon hahahaha," natatawang saad nito.

W-what?!!The hell?!!!! Seryoso?

Ako?Ako ang unang umamin??!!!

SARAP MAGMURA!!! ANG LAKAS NG APOG NG LALAKING ITO!!!

"Hahahaha...bakit? Di ka makapaniwala noh? Ako rin eh...hahahaha sa totoo lang di kita napapansin dati tas bigla ka na lang naging sunod sunuran sa akin nun. Mga second quarter ata yun nung fourth year highschool tayo. Tapos sinabi ko sa akin kung may nobya na ako hahaha dun pa lang alam ko na na may pagtingin ka sa akin eh ..hihihi,"natatawang saad nito habang inaalala ang mga bwisit niyang ala ala "kuno".

Halos hindi ako makapagsalita. Nakakabwisit na yung part na ako ang unang nagtapat pero dun sa pagsunod sunod ko sa kanya, argh!! Patayin niyo na lang ako please!

"Kaya naninibago rin ako sa'yo eh kasi ang alam ko love na love mo ko. Pero bakit inaaway mo ko ngayon?" nagpapaawa na saad nito.

Binato ko sa kanya ang hawak kong unan dahil sa inis. Argh!! Sino bang nagsabi na love ko siya? EWWW!!! NAKAKASUKA!!!

"BWISIT KA KEIFER!! LAKAS MO GUMAWA NG KWENTO!! HINDING HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO OKAY?! AT ISA PA! NEVER AKONG NAGHABOL SAYO!! SO PLEASE! GIVE ME BREAK! WAG KA NGA MAGBIRO!" sigaw ko rito habang buong lakas na pinalo sa kanya ang unan ko.

"Aray!! Aray naman Darling eh! Wag...aray! Aray! masakit!" reklamo nito.

"NAPAKALAKAS NG APOG MO BRO!! KAPAL NG MUKHA" Di ko na alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga iniisip ko kasi ang sarap na lang magmura sa kanya. Isama mo pa ang bawat palo ko na paniguradong tamang tama sa kanya.

"Aray!!!"

Wala na itong ibang nagawa kundi ang umiwas lang sa bawat palo ko. Hanggang sa napagod na lang ako sa paghampas kaya itinigil ko na.Nang mapansin kong inalis na niya ang harang sa ulo niya ay agad kong hinampas uli sa kanya ang unan.

"LAST NA TO!! HAHAHAHA,"

"Aray!"

Hindi ko mapigilang tumawa. Kahit naiinis ako ay natatawa ako sa ekspresyon niya. The hell Aly!! Baliw ka na ata eh!

Pagkatapos ng huling palo ko ay nagtalukbong na agad ako ng kumot sa katawan. Ayoko na siya kausapin. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya.

NAKAKAIRITA!!!

Maya maya ay napansin kong tumawa ito ng bahagya hanggang sa maramdaman kong humiga na rin ito pabalik sa sofa. Nasa kabilang direksyon ako nakaharap kaya hindi ko alam ang ginagawa niya pero feeling ko ay nakatingin ito sa akin

ARGH!! FEELING MO TALAGA ALY!!

Hindi na rin ako nagpalipas pa ng ilang oras at pumikit na ako hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako.

Will I Wake Up?On viuen les histories. Descobreix ara