Chapter Seventy-Four

41 7 0
                                    

Veena POV

"Veena, let's go na. Madilim na oh!" aya sa akin ni Reign habang nakatingin sa kanyang telepono. Hindi ko naman inalis ang tingin ko at patuloy pa rin sa ginagawa. Pakunwari kasi akong nagtungo sa isang park nang makita ko sina Kei kasama ang mga kaibigan niya.

Ngunit hindi ko inaasahan na makikita rin si Aly at ang kaibigan nito doon. Patuloy lamang ako sa paghigop ng milk tea habang nakatingin sa kanila. Maya maya pa ay naglakad na ang mga ito at nag hiwa-hiwalay.

Napangiti na lamang ako nang makitang si Dylan ang kasama ni Kei at hindi si Aly. Hindi ko ba alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito. Matagal ko nang gustong makipagbalikan kay Kei. I wanted to say sorry by saying harsh things to him, but I felt something was stopping me.

Pakiramdam ko ay instinct ko o hindi naman kaya ay ang sariling katawan ko ang pumipigil sa akin na lumapit muli sa kaniya. Parang isang babala. Tama. Ayoko man aminin ngunit wala pang isang araw matapos naming maghiwalay ay wala na akong tigil sa pagsunod sa kaniya.

Ngunit nitong mga nakaraang araw ay palagi ko siyang nakikita na kasama si Aly. Kung minsan ay napaka-close nila at naiinis talaga ako sa tuwing clingy si Aly sa kanya. Alam kong ayaw niya rin iyon dahil patuloy niyang inilalayo si Aly sa kanya, gayunpaman ay mapilit pa rin si Aly dito.

May mga pagkakataon naman na hindi magkasundo ang dalawa dahilan para mas lalo akong magduda dito. Para bang noong araw na nakita ko si Aly. Para bang may ibang katauhan ito na hindi ko kilala. Dahil dito ay minabuti ko munang tingnan ang mga nangyayari mula sa malayo. Mula sa misteryosong pagbabago ni ALy at kung ano ang plano nito.

Ngunit patagal ng patagal ay mas lalo lamang akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko na magkasama ang dalawa. May isang pagkakataon pa nga na nakita ko sila na nagtungo sa cafe kung saan kami palaging nag pupunta ni Kei noon. Napa kuyom na lamang ako nang makita ang dalawa na lumabas mula dito habang malawak ang pagkakangiti.

"Veena, are you insane? Kailan ka ba mag titigil sa pagiging martyr mo? You can already see it, right? Kahit si Kei ay unti unti ka nang ankakalaimtan dahil sa babaeng iyon. I don't want you to suffer even more so please, stop it," pakiusap sa akin ni Reign.

Kitang kita ko kung paano niya ako tingnan. Para bang awang awa na ito sa akin at ayaw ng masaktan pa. Gayunpaman ay hindi ko ito pinansin at patuloy pa rin sa pagsunod sa dalawa. Hanggang sa isang araw, habang naglalakad ako ay nakita ko sina Sophie at Kiane na magkasunod na umakyat sa isang rooftop. Mapapansin sa kilos ng dalawa na para bang nag-iingat ang mga ito na may makakita sa kanila. Dahil dito ay hindi ko napigilan ang sarili at napasunod sa mga ito.

"Psh! Ano bang ginagawa ng mga ito dito?" tanong ko sa sarili habang nakatingin kay Sophie na pinagkakasya ang sarili sa pagitan ng dalawang tanke ng tubig. Lalabas na sana ako dahil pakiramdam ko ay wala namang silbi ang pagsunod ko sa mga ito hanggang sa biglang bumukas ang pinto at inilabas nito sina Aly at Kei.

Napahinto ako sa kinatatayuan at tiningnan ang dalawa. Sa huling pagkakataon ay mas lalong lumakas ang kutob ko tungkol sa ibang katauhan ni Aly. At hindi nga ako nagkamali nang marinig ang usapan ng mga ito.

"Hindi siya si Aly? At galing siya sa ikalawang buhay nito? A-anong kalokohan to?!" hindi makapaniwala na tanong ko sa sarili habang nakaharap sa direksyon kung saan nanggaling ang dalawa kanina.

Matapos kasing lumabas nina Sophie at Kiane ay nagkanya-kanya na ang mga ito at umalis na rin sa lugar na ito. Habang ako naman ay hindi makapaniwala at nanatiling nakatayo sa gilid ng pader.

Habang dahan-dahang dumadaos-os ang sarili sa gilid ng pader ay bigla ko na lamang narinig ang isang tinig mula sa aking likuran.

"I told you, right? That's why I don't want you to go back with Keifer anymore,"

Will I Wake Up?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz