Chapter Fifty-Nine

58 8 0
                                    

Keifer's POV

I didn't notice na nakatulog pala ako kagabi sa sofa nina Aly. I was too tired and exhausted, nakisabay pa ang malakas na ulan kaya mas napasarap ang tulog ko. It was 3 in the morning nang magising ako dahil sa ingay mula sa kusina.Akala ko noong una ay may pusa but then I saw Lean preparing something for breakfast.

"Oh, gising ka na pala. I thought you left already..." bati nito habang naglalakad ako papasok sa kusina.

Tsk. I felt something strange when looking at him. I wonder what it is.

"Anyways, do you want to drink coffee? I can make one,"

Nakayuko akong lumapit rito.

"No thanks..."

"Umm..."

"By the way, pwede ko na bang makuha ang damit ko last night?" tanong ko rito.

"Oh...I left it sa dryer kagabi. Kunin mo na lang sa taas," sagot nito saka tumalikod upang ipagpatuloy ang ginagawa. Hinubad ko ang damit na suot suot ko saka naglalakad pataas. I never thought na magsusuot ako ng damit mula kay Lean. It's not that I hold a grudge towards him but it feels awkward for me in some way.

Hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palayo hanggang sa makarating sa dryer area nila. Tulad ng sala ay hindi rin kalakihan ang area na ito. Sakto lang talaga para sa dalawang tao ang kabuuang laki ng apartment. Mabilis na rin akong nagpunta sa banyo at naligo saka ibinalik ang suot na damit ko kagabi. Mabuti na lang at tuyo na rin ang damit kaya hindi na ako magtitiis pa sa lamig.

Nang matapos na akong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina. I still have 3 hours bago ako pumasok kaya naman kailangan ko munang umuwi.

"You're leaving?" tanong ni Lean nang makitang palabas na ako ng pinto.

"Yeah," mahinang sagot ko rito saka binuksan ang pinto.

Di naman na ito nagsalita pa kaya dumiretso na ako palabas. Psh! Di ko kayang mag-stay pa roon lalo pa't naroon rin si Lean.

****

Pag-uwi ko sa dorm namin ay agad na bumungad sa akin si Kiane habang nagbabasa ng libro.Ang aga naman niyang nagising?

"Aga mo magising ah," saad ko dito.

"Aga mo umuwi ah," mabilis na komento naman nito.

Natigilan kaming pareho dahil sa sabay naming pagsasalita.

Psh!

"Hahaha...saan ka naman galing at napakaaga mo umuwi?" sarkastikong tanong ni Kiane.

"Tsk!"

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpunta na sa katabing upuan. Naghanda rin ako ng sariling kape saka kumuha ng tinapay.

"Hoy!! Keifer, saan ka nakitulog?" curious na tanong ni Kiane.

"Wala...ikaw bakit ang aga mo magising?" balik na tanong ko.

"Ehhh?? Ano 'to balik tanong?" nakabusangot na tanong ni Kiane.

Sa aming apat ay siya ang mas malapit sa akin kaya alam niya rin kung iniiwasan ko ang tanong niya. Napatungo na lang ako nang maalala kung bakit ngayon lang ako nakauwi. Hindi ko naman kasi masabi sa kanya na kina Aly ako natulog dahil paniguradong iba ang maiisip niya. Lalaki rin ako at alam kong may gusto siya rito. Natural lamang na makaramdam siya ng selos kung malalaman niya.

"Nga pala, galing dito si Ate Mari kagabi," biglang saad ni Kiane.

Napatingin agad ako rito. Bakit naman pupunta yun dito?

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now