Chapter Seventy-Three

42 6 0
                                    


Napatulala na lamang si Aly habang nakatingin sa kanyang mga papel.

"Hey!! That's mine!" inis na sigaw ni Sophie saka malakas na binato ng unan si Dylan na ngayon ay nakaupo sa kama ni Aly.

"No! This is mine! Kumuha ka nga ng sayo!" parang bata na sagot sa kaniya ni Dylan saka niyakap ang hawak na unan.

"Arghh! Hindi ka naman welcome sa bahay ng best friend ko eh, tsaka favorite na unan ko yan kapag dito ako natutulog sa kanila!" malakas na sagot sa kaniya ni Sophie saka muling hinabol si Dylan. At sa huli nga ay wala nang ibang nagawa pa ang dalawa kundi ang mag habulan habang nag-aagawan sa isang unan.

Para namang zombie si Aly na nakatanghod sa harap ng kanyang mga papel habang nakangiti namang nakatingin sa kaniya si Kiane.

"Wanna take a break?" tanong sa kaniya nito.

Napa buntong hininga pa muna ang dalaga saka tumango at tuluyang ibinaba ang ballpen sa mesa. Laglag balikat siyang naglakad palabas ng kwarto saka nagtungo sa kusina. Habang si Kiane naman ay dahan dahan ring ibinaba ang hawak na notebook at inilagay ang dalawang kamay sa likuran upang gawing sangkalan niya sa pagtingala sa kisame.

Dahan dahan niyang inikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ni Aly. Pagkatapos nilang mapagkasunduan na tulungan si Aly sa kaniyang special tests ay nagtungo na nga rin sila dito sa bahay ng dalaga. At maging sina Dylan at Sophie ay sumama rin kahit na wala namang dulot ang mga ito sa kanila.

"Hey Kiane! Anong oras ka ba matatapos dito? Pupunta pa tayo kina Keifer diba?" biglang tanong ni Dylan sa kaniya.

Napalingon naman siya dito saka napatingin sa kaniyang relo.

"Hmmm, maybe after sagutan ni Aly ang mga ito," nakangiting sagot niya.

"Huh?? At anong oras naman kaya?! Eh iisang paper nga lang inabot pa siya ng ilang oras eh," sagot sa kaniya ni Dylan nang bigla itong matumba nang hampasin siya ni Sophie ng pagka lakas lakas.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang umalis! Idadamay mo pa si Kiane eh alam mong tinutulungan niya si Aly, shoo shoo! Layas na!" pang-aasar naman sa kanya ni Sophie habang hinahampas hampas siya ng unan.

"Aray! P*ta naman oh! Sabi ng tama na eh!" sigaw nito pabalik sa dalaga saka mabilis na ginantihan ng hampas sa braso.

Napailing na lang naman si Kiane matapos makitang nag-away muli ang dalawa. Maya maya ay bumalik naman na si Aly habang may dalang isang tray na may laman na burger at drinks.

"Hey guys, kain muna tayo. Nagpa-order lang ako kanina at saktong paglabas ko ay dumating na rin siya," sambit nito saka muling bumalik sa dating pwesto.

"Woahh! Ayun oh sakto! Gutom na ako!" masayang bigkas ni Dylan saka tumakbo palapit dito. Nahagip pa siya ng huling bato sa kaniya ni Sophie ngunit ipinagsawalang bahala niya lamang ito dahil nasa pagkain na ang atensyon niya.

"Tsk! Kaya siya nagmumukhang baboy eh," mahinang sambit ni Sophie saka tiningnan ang medyo chubby na katawan ni Dy.

Lumapit na lang rin si Sophie sa mga ito at nagsimulang kumain habang si Aly naman ay nagpatuloy sa pagsasagot habang hawak hawak sa kaliwang kamay ang burger niya. Wala sa sariling napangiti si Kiane at para bang may sariling utak ang kanyang katawan at mabilis na tinawid ang pagitan nila ng dalaga.

Nasa kanang bahagi nila sina Sophie at Dylan na nag aaway na agad na natigilan matapos makita si Kiane na hinalikan ang noo ni Aly. Sabay sabay na na tahimik ang lahat at maging si Aly ay napahinto sa pagsusulat habang nanatiling nakatingin sa kanyang papel.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now