Chapter Thirty-Six

83 13 25
                                    

Aly's POV

Nanatili lamang akong nakatingin sa likod nito habang nanggagagalit ito sa akin. Ni hindi ko magawang humakbang palapit rito sa sobrang kaba at takot sa nararamdaman ko.

Maya maya ay dahan dahang kumalma ang pagkakakuyom nito saka humarap sa akin. Halos hindi ko malaman kung anong mukha ang ihaharap sa kaniya gayong hiyang hiya ako sa nagawa ko.

Hindi katulad kahapon ay wala nang mababakas na kahit ano sa mukha nito. Walang pandidiri, wala ng galit, wala ng inis. Sa halip ay isang malamig na titig ang makikita sa mga mata nito.

Napansin kong magsasalita na sana siya ngunit nang makitang nakatitig ako sa kaniya ay mas pinili nitong manahimik. Dahan-dahan itong napayuko saka tumalikod at nagpalakad palayo. Para naman akong naestatwa sa sitwasyon ko. Hindi ko na lamang namalayan na ilang minuto na pala akong nakatayo rito.

"Miss Vasper, anong tinatayo-tayo mo dyan?" mataray na sita sa akin ni Miss Ava na ikinabalik ko sa reyalidad.

Agad akong napaayos ng tayo saka nagtungo sa klase ngunit halos wala na akong naintindihan sa mga itinuturo ng prof namin

Ilang subject pa ang nagdaan at pilit ko pa ring sinasanay ang sarili sa mga matang nakatingin sa akin.

'Masanay ka na Aly...malandi ka kasi eh' saad ko sa sarili.

Huling klase ko na ngayon at kalahating oras na lamang ay uwian na.

Maya-maya pa ay isang malakas na palo sa mesa ang narinig ko kaya naman laking gulat ko nang mapansing lahat sila ay nakatingin na sa direksyon ko.

Ehh??

"Ms. Vasper, are you with us?" nag-aalalang tanong ng prof namin.

Hindi katulad ng mga nauna kong professor ay mas mabait naman si Sir Renz. Hindi siya mapanghusga katulad na lamang ng ginawa sa akin ng iba kong prof kanina. Napayuko ako dahil sa kahihiyan saka marahang tumango. Nagtawanan naman ang iba kong kaklase na agad na pinatahimik ni Sir.

Hindi rin nagtagal ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos ang klase kaya naman agad na na naglabasan ang ilan habang ako naman ay naiwang mag-isa sa loob ng kwartong iyon. Maya maya ay biglang lumapit sa direksyon ko si Sir Renz.

'Hindi pa pala siya nakakaalis?' tanong ko sa sarili.

"Aly...maaari ba kitang makausap?" tanong nito.

Agad na napakunot ang noo ngunit nang mapansin kong nakatingin siya ay agad ko rin itong inalis. Napakabastos naman kasi kung kukunutan ko siya ng noo. Marahan siyang naglakad palapit sa katapat kong upuan at doon naupo. Maya-maya ay may inilabas itong isang paperbag saka ibinigay sa akin.

Nagtataka pa akong napatingin sa kaniya bago ko ito tinanggap.

"Ano 'to?" mahinang tanong ko rito saka dahan dahang binuksan ang paperbag at tumambad sa akin ang matagal ko nang hinahanap.

"Si-sir...paanong? Paanong napunta ito sa 'yo?" takang tanong ko.

"Iyan rin ang gusto kong malaman. Sa totoo lang ay bigla mo na lang iyang inilagay sa ibabaw ng mesa ko last last week. Hindi ko magawang maibalik agad sa iyo dahil sa hectic sched ko," saad nito.

Napatingin ako sa hawak kong notebook. Wala sa sariling agad ko itong niyakap. Akala ko hindi ko na makikita pa ang notebook na ito.

Blythe, nakita na rin kita.

Hindi ko maiwasang mapaluha. Si Blythe, ang bunsong kapatid ko ngunit hindi pa man ito nakakatagal ng isang araw mula noong ilabas siya sa mundo ay agad rin itong pumanaw dahil sa mahina ng resistensya ng katawan nito. Mula noon ay hindi na ako nagkaroon pa ng kapatid dahil sa takot nina mama at papa na maulit ang nangyari kay Blythe. Ang red notebook na ito ay naglalaman ng lahat ng ala-ala ko sa kaniya, sa bawat segundo na nakasama ko siya. Maging noong una kong nahawakan ang kamay nito.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now