Chapter Thirty-Five

85 12 29
                                    

Aly POV

Pagkatapos akong maihatid ni Kiane sa apartment ko ay agad na rin itong umuwi. Hindi ko na rin siya inaya pa sa loob dahil mag-aalas dose na ng gabi. Agad akong napahiga sa kama sa sobrang pagod. Hindi ko alam na sa sobrang dami nang nangyari sa akin ay may mas ilalala pa pala ito.

Napatingin ako sa cellphone nang maalala ang messages na nakuha ko. Karamihan rito ay ang galing sa mga babaeng hindi ko kilala at karamihan sa kanila ay galit na galit sa akin.

Hindi ko na gusto pang umiyak kaya naman naisipan ko na lamang na itabi ito sa loob ng cabinet ko. Habang nag-aayos ng gamit ay naalala ko muli ang red note ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nahahanap kung nasaan ito.

'Blythe...sorry'

Napabuntong hininga ako saka dumiretso sa banyo. Ngayong nakabalik na ako ay hindi ko pa rin alam ang iisipin. Maaaring paggising ko ay narito pa rin ako. Maaari rin namang bumalik ulit ako sa mundong iyon.

Isa pa sa inaalala ko ay ang mga nagawan ko ng kasalanan. Alam kong wala silang alam kaya naman hindi ko rin sila masisisi kung bakit ganoon na lamang ang pagkagalit nila sa akin.Hindi rin nagtagal ay natapos na ako sa pagligo at dumiretso na sa kama upang matulog.

*****

Kinabukasan ay alas-otso na ako nagising ngunit pakiramdam ko ay ito pa rin ang ang pinakamahabang oras ng tulog ko. Ilang minuto lamang ako nag-ayos ng sarili at dumiretso na agad sa school. Tanghali na at hindi na rin ako nakapasok sa unang klase ko kaya naman kailangan kong magmadali at nang makapasok na sa susunod na klase.

Habang naglalakad sa hallway ay ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid. Alam kong kinamumuhian at kinaiinisan nila ako. Alam ko rin kung ano na ang tingin nila sa akin.

Palabas na sana ako ng cafeteria nang makita ko si Veena na nakamasid sa direksyon ko. Hindi ko alam ngunit sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay alam kong galit pa rin ito sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay lumakad mag-isa ang paa ko palapit sa kanya.

Habang palapit nang palapit ay mas lalo akong kinakabahan sa ginagawa ko. Gusto kong huminto sa paglalakad ngunit para bang may sariling utak ang mga paa ko habang palapit sa kaniya. Nakita ko kung paano kumunot ng noo nito dahil sa pagtataka.

Maging ang ilang tao sa paligid ay napapatingin na rin sa akin. Kaunti na lang at nasa harapan na nila ako.Wala nang atrasan 'to, Aly! Agad akong yumuko nang mapunta na ako sa harap nila. Napasinghap ang mga nakakita at alam kong maging si Veena ay nagtataka na rin sa ginagawa ko.

This is not me! It's not my thing apologizing to someone especially to Veena!! It's... it's so not me! But...but I know who's at fault here. I really know it.

That's why... That's why I want to say sorry.

Hindi ko kailangan pairalin ang pride ko dahil ang totoo ay nagkamali ako.

Ka-kahit alam kong hindi iyon sinadya, kahit na hindi ako ang gumawa noon, alam kong hindi pa rin magbabago ang pagkasira ng relasyon ng dalawang tao.

"Sorry..." buong lakas na saad ko habang nakayuko sa harap ni Veena.

I don't care if they will laugh at me. I don't care if they won't forgive me. I...I just want to say sorry, that's all... Bago ako nakatulog kagabi ay napag isipan ko na ang tungkol dito. Naisip ko na paano na lamang kung ako ang nasa posisyon nila?

Hindi ba't masakit rin iyon sa part ng mga babae?

Maya-maya ay isang malamig na tubig ang umagos mula sa ulo ko. Hindi ko magawang lumingon sa harap ko at tanging pagpikit lamang ang nagawa ko. Tiniis ko ang lamig na dulot ng pagtulo niyon hanggang sa umabot sa tungki ng ilong ko.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now