Chapter Seventy-Nine

31 8 0
                                    

Aly's POV

"Heyy guys!! Andito na ang dalawang sabit!" malakas na sigaw ni Dylan nang makarating na kami sa lugar. Agad naman siyang nilapitan nu Sophie at malakas na tinuktukan ang ulo.

"Fuck you! Kayo kaya nag-imbita sa amin dito, sumama lang kami kasi kawawa naman kayo," saad ni Sophie habang taas noong naglakad pauna.

"Psh! Hindi naman kasi ikaw ang inimbita eh ..si Aly lang yun eh," nakasimangot na sagot ni Dy na hindi na pinakinggan ng isa.

Napailing na lamang ako sa mga ito saka sumunod sa kanilang paglalakad. Malaki ang villa na ito habang ang nasa likod naman nito ang ang malawak na beach. I think isang private place talaga ang lugar na ito na exclusive lamang sa mga kapamilya nila.

Just look at those expensive materials that were used in this villa. Maging ang mga pillar ay talagang hindi nagpahuli sa disenyo. Ang mga upuan at mesa na nakakalat sa labas ay talagang mamahalin rin.

As far as I remember ay may gantong villa rin si Lolo sa France pero matagal na rin kasi noong huling punta ko doon kaya hindi ko alam kung alin na ang mas magandang sa dalawang ito.

Napatingin na lamang ako sa harap nang makita na kumpleto na pala silang lahat at kami na lang ang wala. Nakasuot ng polo ang karamihan sa mga lalaki at tanging si Dylan lamang ang naka-jacket. Nakashorts rin ang mga ito na animo'y nasa Hawaii ang design.

Nahagip agad ng paningin ko si Keifer na nakaupo sa isang upuan habang katabi si Veena. Nakaakbay pa ito sa nobya habang abala sa pakikipag usap. Mukhang hindi pa nito napapansin na nakarating na kami, gayunpaman ay hindi na ako bumati pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang table.

Maya maya ay biglang dumating si Kiane na nagmamadali pa sa pagtakbo.

"Oh! There you are," bungad bati nito sa amin habang hingal pa sa pagtakbo.

Ngunit sa halip na siya ang magulat sa biglaang pagdating namin ay mukhang mas nagulat pa kami dahil wala itong suot na pang-itaas. Kitang kita ang napakagandang ukit ng katawan nito. Nakashorts rin ito katulad nina Ross at Keifer ngunit ganun na lamang ang gulat ko dahil masyadong nakababa ang shorts nito at kaunti na lang ay baka lumabas na ang tinatago niya.

Isa pa ay basa ang shorts niya kaya naman bahagya itong bumabakat. Agad akong napatakip ng bibig habang nakaiwas ng tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita.

Fuck! He's so hot!

"Hey bro! Halata si Junjun oh," biglang sambit sa kaniya ni Dylan dahilan para mapatawa si Sophie.

"Pfft..." nagpipigil na tawa nito.

Habang si Kiane naman ay napatingin sa kaniyang shorts at saka lamang napagtanto ang ibig nitong sabihin. Ramdam ko ang pagpula ng mukha niya kahit na nakatingin ako sa kaniya mula sa malayo. Agad siyang napasigaw dahil sa hiya at mabilis na tumakbo palayo.

Para itong bata na nakahawak sa kanyang harapan habang nag tatakbo papasok.

"S-saglit lang, babalik ako!" malakas na sigaw nito paakyat sa hagdan.

Napapigil naman ng tawa si Sophie habang hagalpak ang tawa nina Ross at Dylan.

"HAHAHAHAHA g*go... pasikat yun hahaha liit naman," asar ni Dy dito habang tawang tawa.

"G*go marinig ka nun haha," tawang tawa na sagot sa kanya ni Ross.

Siniko naman ako ni Sophie na akala mo ay nagpipigil rin ng tawa. Napangiti na lamang ako dito saka napatalikod. Maski ako ay natatawa dito ngunit mas nananaig ang paghanga ko dito. Palagi kasing pormal ang dating sa akin ni Kiane at ngayon ko lang siya nakitang namula dahil sa hiya at mas lalong tumakbo dahil sa asar sa kaniya ng kaibigan

Will I Wake Up?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt