Chapter Twenty-Five

104 19 57
                                    

"Darling! Gising na...darling~"

Nakaramdam ako ng medyo nakakakiliti sa leeg ko kaya naman pilit ko itong tinatapik ngunit kahit anong gawin ko ay wala naman akong mahawakan. Lamok na naman siguro to!

Tamad pa akong nagmulat ng mga mata ko kaya hinayaan ko lamang ito.Hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi dahil sa sobrang nakakakiliti na.

*Plak!*

Hinampas ko ng buong pwersa ang nangingiliti sa akin at naglanding ito sa bandang dibdib ko. Ngunit agad akong napadilat ng may maramdaman akong kamay sa dibdib ko.

Unti unting nanlaki ang mga mata ko.

"AHHHHH!!!"

Gusto kong gumalaw pero hindi ko kaya. Para bang may nakahawak sa mga paa ko. Unti unti kong nakita ang taong nasa harap ko.

"AHHHH!!"

Nakaupo ito sa tabi ng kama habang nakahawak naman ang kamay sa dibdib ko.

Pinagpapalo ko siya ng unan na malapit sa akin nang mapansing mukhang mas natutuwa pa ito sa nangyayari.

"AHHHH!!! HAYOP KA!! HAYOP KA KEIFER!!!!"

Todo-iwas naman ito ngunit tsine-tyempo ko talaga na medyo ibinababa niya ang kamay saka ko inaambahan ng mas malakas na palo.

"HAYOP KA!! BWISIT! BWISIT KA!!" nagsisigaw na saad ko dito. Nakaupo na ako sa kama habang siya ay nakaluhod sa sahig kaya mas malakas ko siyang napapalo ng unan.

"Te-teka!! Ouyy!! Darling! Ginigising ka lang eh! A-aray!!T-teka!!"

Malakas na hampas na sana ang ibibigay ko sa kanya nang mahawakan niya ang kamay ko. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Nakita ko kung gaano ito kaseryoso ngunit makalipas ang ilang segundo ay sumilay ang mapanglokong ngiti nito.

Arghh! Sabi ko nga hindi! Damn! Ang galing niya manloko! Hahampasin ko na sana ulit siya nang bigla niya akong itinulak pabalik sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin o dahil sa posisyon namin?

Nakababa ang dalawa kong paa sa sahig habang nakahiga. Siya naman ay nasa ibabaw ko at sa mismong pagitan ng mga hita ko ang paa niya. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko sa bandang ulunan ko.

"O-oyy?!! Anong ginagawa mo!! Hoy Keifer!!!" tawag ko dito ngunit diretso lamang itong nakatingin sa akin.

Maya maya ay halos hindi na ako makahinga nang mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Pinilit kong itagilid ang mukha ko kaya naman sa bandang leeg ko naramdamang dumapo ang mukha nito.

Nakahinga ako ng kaunti nang magtagumpay akong ilihis ang ulo ko. Medyo napangiti ako dahil doon ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.Nakaramdam ako ng kakaiba sa bandang leeg ko hanggang sa hindi ko na napigilang matawa.

"Ahihihihi aahihiiihih" kinikilig na tawa ko.

Huli na nang marealize ko kung bakit ako natawa.

"Edi tumawa ka na rin... hahahaha...tara na sa baba. Inaantay na tayo ng mga anak natin," nakangiting saad nito saka umalis sa ibabaw ko at naglakad palayo.

Naiwan naman akong tulala sa kisame at inalala ang katangahan ko.

ARGHH!! DAHIL LANG SA KILITI? ALY NAMAN!!

Hindi ko alam na madumi pala maglaro itong si Keifer. Kainis! Talagang ang leeg ko ang tinarget niya at dahil sa expose na expose ito ay inihipan niya ito na nagdulot ng kiliti sa akin.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang kiliting dulot nito sa leeg ko.

Arghh!! Aly! Anong iniisip mo! Bwisit!

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now