WTBSC 9

20 2 0
                                    


Maria Bella

Pagkatapos ng pagwawalk out na 'yon ni sir Damon ay hindi na sya bumalik pa. Siguro ay nainis talaga sya sa akin dahil sa nangyari kanina at sa tingin ko nga ay mali ang nagawa ko. Dapat akong humingi ng sorry sa kanya. Malapit na rin matapos ang shift ko at siguro ay bukas na lang ako hihingi ng paumanhin sa kanya dahil sa nangyari. Napapabuntong hininga ko na lamang na pinatay ang laptop ko at kinuha lahat ng gamit ko sa lamesa.

"Where do you thing you're going?" Halos mapatalon ako sa boses na 'yon. Si Sir Damon pala at mukhang galit pa sya. Lumapit naman ako sa kanya.

"Sir pasensya ka na kanina. Alam kong naging mali ang asal ko at promise po wala talagang malisya 'yong sinasabi ko kay Sir Ravanni."

"Did you give your number to him?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano ba ang tinutukoy nya?

"Ah 'yon ba Sir? Mukhang gusto ni Sir Ravanni na humingi ng lucky numbers para sa STL."

"What? Tsk. Stupid." Bulong lang nito sa akin saka sya nagderetso sa table nya at naupo doon sa swivel chair nya. Ang sungit naman nya ngayon.

"Magpapaalam na po ako Sir. Uuwi na po ako."

"And who told you that I will let you go home this early?"

"Tapos na po ang shift ko Sir."

"You will have an over time for your punishment Ms.Bella so go back to your table and do your work." Seryosong sabi nito sa akin saka nya binuksan ang laptop nya at di na ako tinapunan pa ng tingin. Wala naman na akong nagawa kundi bumalik sa table ko. Siguro ay maganda na rin 'to para mabawasan ang trabaho ko para bukas. Bubuksan ko pa lang sana ang laptop ko nang gumawa ng ingay ang phone ko. Tumatawag si Addison kaya sinagot ko agad 'yon.

[Hindi ka pa ba uuwi?] Tanong sa akin ni Addison sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ako sa kanya.

"Kaylangan kong mag-over time ngayon eh." Sagot ko sa kanya kaya rinig na rinig ko ang ungot nya. Natawa na lang ako dahil doon.

[Anong oras ka makakauwi? May curfew sa boarding house remember?]

"Okay lang ako wag mo ako alalahanin. Baka naman mamaya maya ay umuwi na rin ako pagkatapos ng ginagawa ko."

[Sige ikaw bahala. Ingat ka na lang pag-uwi mamaya huh? Magtaxi ka na para safe.] Sabi ni Addison at sumang-ayon na lang ako sa kanya saka kami nagpaalam sa isa't isa. Ibinaba ko ang phone ko at nagfucos ulit sa gagawin ko sa laptop. Lalo akong nastress noong nakita kong may ilang email nanaman si Sir Ravanni pero hindi ko na ito tinangka pang buksan dahil baka mapansin nanaman ito ni Sir Damon. Nagrereflect pa naman sa laptop nya ang mga emails katulad nito.

"And who's that? You gave your number to him huh? So kelan ang date nyo?" Rinig kong sabi ni Sir Damon kaya nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Ano pong ibig nyong sabihin Sir?" Tanong ko sa kanya pero hindi na sya umimik pa at nakakunot lang ang noo nya na nakatingin doon sa computer nya. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at hindi ko na lang sya pinansin para maaga akong makauwi.

"Where's Bella? Oh,hi there!" Napatingin ako bigla doon sa pintuan. At kung pwede lang na magtago dito sa lamesa ko ay ginawa ko na. Ano nanamang ginagawa nya dito?

"Why are you here Mr.Onido?" Dinig kong sabi ni Sir Damon.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito." Sagot naman ni Sir Ravanni saka ito derederetsong naglakad papalapit sa akin.

"Let's go?" Sabi nya kaya naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"And who told you that you have the rights to get anyone here without my permission?"

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now