WTBSC 43

25 1 0
                                    

Damon

"Damon what's this mess all about? Anong narinig ko kay Rosian huh?" Salubong naman sa akin ni Mommy nang makaalis si Easton. Hindi ko lang sya ulit pinansin at aalis na sana nang pigilan nya ako.

"Tell me what it is Damon. I am so worried about you. Ano bang nangyayari?"

"I just want to be alone for now Mommy. Please." Sagot ko lang sa kanya at tinanggal ko ang pagkakahawak nya at hindi na pinansin ang tawag nya sa akin at patakbo akong pumasok ng bahay at dumeretso sa kwarto ko.

Malakas kong isinara 'yon saka ako napasandal sa pinto at nang makakita ako ng ihahagis ay walang pagdadalawang isip kong kinuha 'yon at inihagis sa pader. I am so f*ck up. I don't know what I am going to fo right now. I get my phone to call Bella but her missed calls welcome me. I tried to call her but I can't contact her anymore.

Mabilis akong dumeretso sa banyo at saka nagbihis saka ako mabilis na umalis ng bahay. I straight to the office hoping that I will find Bella there. Pero si Adisson lang ang nakita ko.

"Where's Bella? Is she here?" Tanong ko kay Adisson dahil sya ang bumungad sa akin sa loob ng opisina ko. Hindi nya ako sinagot at iniabot nya lang sa akin ang isang papel.

"What's this? I said where's Bella?!"

"Umalis na sya Sir. Excuse me." Sabi nya sa akin at halata sa kanya na galit sya sa akin. Nagkita na ba sila ni Bella? Binuksan ko na lang ang papel at mabilis kong ginusamot 'yon nang makita kong resignation letter 'yon ni Bella. Mabilis kong hinabol si Adisson at swerte kong naabutan ko sya sa elevator.

"Tell me where she is."

"Hindi ko po alam kung nasaan sya at kung alam ko man ay hindi ko rin po sasabihin sa inyo. Pasensya na po kayo." Seryosong sabi nito sa akin saka nya tinaggal ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Please Adisson! I really need to talk to her."

"Hindi nyo na po sya makakausap. Nakita kong sinundo na sya ni Ravanni at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Pero mas maganda po kung hindi nyo na sya susundan. Hayaan nyo na lang sya Sir Damon."

"No!" Malakas na sigaw ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa elevator nang bumukas iyon sa ground floor at nagderetso sa parking lot.

"Please sana nagkakamali lang ako." Bulong ko sa sarili ko habang nagddrive papunta sa condominium na pagmamay-ari ni Onido. Ilang beses kong nakita si Bella na na dinadala nya dito kaya dito lang sya pwedeng dalhin ni Ravanni. And don't he ever lay his hands to Bella dahil babaliin ko ang kamay nya.

I park my car automatically when I reach the parking lot at patakbong pumasok doon. Nagtanong ako sa front desk kung saan ang condo ni Ravanni pero ilang beses nya lang akong tinatanggihan.

"I'm sorry Sir I can't give you what you want. If you like, I will try to call at his condo to say that your here."

"No! Just give me his f*cking condo unit number!"

"I'm sorry Sir but we can't do that. Kung hindi pa po kayo aalis ay tatawag na po ako ng security."

"Hindi mo ba ako nakikilala? I'm Damon Bryle Callego! Pwede kitang tanggalin dito sa trabaho mo kapag hindi mo ibinigay ang gusto ko!" Galit ko nang sigaw sa kanya saka ko hinampas ang desk nila dahil sa frustration.

"I'm sorry Sir but we can't giv-"

"Bullshit!" Sigaw ko saka ako nag-dial ng numero sa telepono ko at malalim na bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.

"Hello? Mr.Onido? Yeah I am here at your condominium in South. Yes. I just want to visit your son because I have something to negotiate with him but I don't know where is unit here.... Thank you Mr.Onido. Thank you." Mabilis kong ibinaba ang tawag at nagpunta sa sinabi sa akin ni Mr.Onido. Paulit ulit kong pinindot ang door bell non at wala akong balak na tigilan 'yon hanggang hindi 'yon bumubukas.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now