WTBSC 16

16 2 0
                                    

Maria Bella

"Okay lang ka lang ba talaga Bella? Kanina ka pang tulala?" Tanong sa akin ni Addison habang naglalakad kami palabas ng kanto dahil matatagalan kung maghihintay pa kami ng tricycle papuntang kanto. Mabuti na lamang at hindi ako nakatakong kaya madali sa akin ang maglakad at isa pa ay mas pinili ko na lamang na magjeans ngayon.

"Hoy! Bella! Nasa earth ka pa ba?"

"H-Huh? Sorry may iniisip lang ako."

"Mukha ngang malalim ang iniisip mo. Ano ba kasi 'yon at mukhang masyado mong problemahin?"

"Huwag mo na lang akong intindihan. Baka puyat lang 'to dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi." Alibay ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay at parang hindi sya naniniwala sa akin.

"Hi miss ganda." Napatigil kami ni Addison sa paglalakad nang biglang may humarang sa aming lalaki. Napahawak agad ako kay Addison dahil natakot ako bigla sa itsura ng lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at mas matangkad pa sa amin. Mahaba rin nya ang buhok nya at mukhang lasing.

"Hoy Mang Henry agang aga nyo nanaman maglasing tapos pagtitripan nyo kami. May trabaho pa po kami kaya huwag po ngayon okay?" Naiinis na sabi ni Addison pero hinawi lang sya ng lalaki. Naglakad pa papalapit sa amin ang tatlo pa nyang kainuman kaya lalo akong kinilabutan sa mga tingin nila.

"Ikaw Addison masyado ka talagang papansin! Hindi ikaw ang tipo namin kundi itong si miss flawless." Sabi nong lalaking tinawag ni Addison na Mang Henry.

"Ano bang pangalan mo Miss Flawless? Pwede bang misis ko na lang ang itawag ko sayo? Hahahaha." Sabi naman noong isa saka ito hahakbang sana papalapit sa akin ng humarang si Addison sa harap ko.

"Ano ba? Ipapadampot ko kayo sa barangay tanod!"

"Umalis ka nga dyan! Masyado kang epal kay miss flawless eh!" Sabi naman nong isang lalaki saka nito malakas na hinawi si Addison kaya napasalampak ito sa sahig. Lalapitan ko na sana sya nang bigla akong hawakan noong isang lalaki sa braso ko. Pinagtigisahan nila ang braso ko kaya lalong gumapang ang kaba sa dibdib ko.

"P-Pakiusap huwag n-nyo po akong sasaktan."

"Hindi ka naman namin sasaktan kung hindi mo kami pahihirapan masyado. Hahahaha."

"Oo nga naman miss ganda. Kami ang bahala sayo." Sabi naman nong isa at pilit na nila akong hinila pero nagpumilit parin si Addison at pilit na hinihila ang mga lalaking nakahawak sa akin pero sinampal lang sya ng isa sa kanila kaya napalayo sya sa akin.

"P-Pakiusap pakawalan nyo na ako! W-Wala po akong pera." Halos maiyak na sabi ko na sa kanila habang pilit na kumakawala sa hawak nila.

"Mabilis lang 'to mis-"

"Let her go!" Halos mapapikit ako sa bilis ng nangyari dahil nabitawan na ako ng isang lalaki na may hawak sa kanan kong braso. Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa katabi ko at halos manlaki ang mata ko nang makita kung sino 'yon.

"Ayos ka totoy huh? Gusto mo talagang masaktan." Sabi noong lalaki saka ito sumugod at pinagsusuntok sya pero agad itong nakaiwas.

"Tatawag na ako ng tanod dito ka lang." Sabi sa akin ni Addison saka ito mabilis na tumakbo palayo para humingi ng tulong. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sya na pinagsususuntok ang apat na lalaki. May dugo na ang mukha nya at madumi na rin ang suot nyang white long sleeves.

"T-Tumigil na kayo!" Sigaw ko sa kanila saka ko hinila 'yong isang lalaki pero naitulak lang ako nito at napaupo ako sa semento.

"Bella!" Malakas na tawag nya sa akin saka nito sinuntok ang nasa harap nya hanggang sa narinig na lang namin ang sunod sunod na pito ng mga barangay tanod kaya nagsitakbuhan na ang mga tambay.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now