WTBSC 54

26 0 2
                                    

Maria Bella

"A-Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong kay Damon dahil bigla na lang syang nag-punta sa may driver seat. Ngumiti sya sa akin pero alam kong pilit lang 'yon.

"I'll give what you want." Sabi lang nito sa akin saka nya pinaandar ang kotse at mabilis na pinatakbo 'yon. Abot abot ang kaba sa dibdib ko hindi dahil sa bilis ng takbo ng pagmamaneho nya pero dahil sa susunod na mga mangyayari. Buong oras ay nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam pero hindi na maalis ang paningin ko sa kanya. Nalipat lang ang atensyon ko nang biglang tumigil ang sasakyan. Bumaba sya at pinag-buksan nya ako ng pinto. Lumabas ako ng kotse at doon ko lang napagtanto na nasa harap na kami ng simbahan.

"D-Damon."

"I'm letting you go Bella. Sana maging masaya ka sa kanya. At kung hindi? I'm just here. I will be forever patiently waiting for you to comeback." Sabi nya sa akin at saka nya iniangat ang kamay nya at bahagyang inayos ang belo ko hanggang sa napunta na ang mga kamay nya sa kamay ko at tiningnan ang palasingsingan ko. Alam kong sobra syang nasasaktan ngayon pero wala akong magawa.

"I'll give you my best wishes Bella." Sabi nito sa akin saka nya iniangat ang kamay ko at pikit matang hinalikan nya 'yon.

"Sana ako na lang ang lalaking naghihintay sayo sa loob ng simbahan." Bulong pa nito habang mahigpit pa rin nyang hawak ang kamay ko.

"Hinihintay na nya ako. U-Umalis ka na."

"Aalis na ako pero hihintayin kita. Kahit walang kasiguraduhan hihintayin kita dahil mahal na mahal kita." Bulong nya saka nya dahan dahang binitawan ang kamay ko at umurong palayo sa akin.

"I will wait you 'till forever Bella. I'm sorry if I can't stop myself from loving you."

"Don't wait me because this is a goodbye." Sabi ko lang sa kanya saka ako tumalikod sa kanya at patakbong nag-deretso sa may pinto ng simbahan.

Sumalubing naman sa akin ang mga nag-aalalang staffs at inayos agad nila ako. Muli akong lumingon kay Damon at nakatayo parun sya doon sa may gilid ng kotse at nakatanaw sa akin.

Bakit ba kaylangan nya pang pahirapan ng ganito ang sarili nya?

"Get ready Ms.Bella, we will open the door now." Sabi ng isang babae kaya napapikit lang akong humarap sa may pintuan at hunugot ng malalim na hininga. At sa isang iglap pqgbukas ng mata ko ay sumalubong na sa akin ang malamyos na tugtog sa loob ng simbahan kasabay ng pagkislap ng napakadaming kamera sa kung saan saan.

Hindi ko alam kung saan ako titingin at kung paano ko ipapakita ang ngiti ko sa lahat nang tao na nasa akin lang ang atensyon. Pero nawala lahat nang kaba sa isip ko nang makita ko si Cohen sa harap ko na masayang nakangiti sa akin. He is ready to shed his tears of joy.

Hindi ko maiwasan isipin ang nararamdaman ngayon ng lalaking nasa labas ng simbahan para sa akin.

"Saan ka ba nanggaling anak? Nag-alala kami sayo." Tanong sa akin ni Nanay na nasa gilid ko na pala dahil sya ang maghahatid sa akin sa altar. Hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil baka mabasag lang ang boses ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko kahit na nakangiti ngayon ang mga labi. Parang natutuyo ang lalamunan ko at anumang oras ay bigla na lang akong manghihina.

"Congratulations hija. Masayang masaya kami dahil sa wakas ay matutuloy na ang pinapangarap ng anak namin." Salubong sa akin ni Tita nang makarating kami sa kanila. Nakipagbeso ako sa kanila habang nakangiti.

"Oh Cohen, ikaw na bahala dito sa anak ko? Huwag mo syang sasaktan huh? Alagaan mo sya ng mabuti."

"Of course po Mama. Bella?"

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now