WTBSC 42

17 1 0
                                    

Maria Bella

Naglakad ako papasok ng sementeryong 'yon at pilit na hinanap si Damon. Sa laki ng sementeryong 'to ay hindi ko alam kung saan ko sisimulan na hanapin sya. Napatingin na lang ako sa langit nang bigla kong maramdaman ang biglang pagpatak ng ambon. Hinanap ko agad ang payong sa bag ko at laking pasalamat ko na nadala ko 'yon. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ko sa lugar na 'yon kahit na palakas ng palakas ang ulan. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang hanapin ang sagot sa tanong ko dahil nandito na rin naman ako.

At mabuti na lang at hindi ako nawalan ng pag-asa dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Kahit na nakatalikod sya ay kilalang kilala ko ang tindig nya. Kahit na nasa malayo ako ay nakikilala ko parin sya. Nakatayo sya sa may harap ng isang puntod at hindi ko alam kung sino ba ang tinitingnan nya doon. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya dahil mukhang hindi nya nararamdaman ang ulan. Basang basa na sya at mukhang wala syang pakialam kung magkasakit man sya dahil sa ulan. Pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya ay nakita ko kung paano nya hinawakan ang may pagitan ng ilong nya kasabay ng pagtaas baba ng balikat nya.

Umiiyak sya. Pero bakit?

Parang wala ako sa sarili na napatingin sa puntod na kanina pa nya tinitingnan at halos kilabutan ako nang makita ko kung sino ang nakalibing doon.

Angel B. Cruz
February 13 1989 - February 13 2021

"Sya pala." Parang wala sa sariling nasabi ko at mahigpit kong hinawakan ang payong ko. Baka sakaling makakakuha ako ng lakas mula doon dahil sa panghihina dahil nalaman ko na ang lahat. Simula pa lang pala ako lang ang nag-isip na may nararamdaman sya para sa akin. Nasasaktan ako ngayon dahil oo kahit alam kong hindi rin kami pwede ay umasa ako na kahit papaano ay pinahalagahan nya ako. Pero hindi pala.

"She's the reason why you hate the things I am so inlove with. She's the reason of your pain. Your heartbreak and she's the reason why you can't love someone else. Sya pala." Hindi ko na maitago ang hinanakit ko sa mga salitang 'yon. Hindi ko matanggap na ginamit nya lang ako.

"B-Bella. Let me explai-"

"Hindi na kaylangan dahil malinaw na ang lahat sa akin ngayon. Minahal mo ako dahil kamukha ko sya. Minahal mo ako dahil nakikita mo sya sa akin. At minahal mo ako dahil sa pag-aakala mo na magiging ako sya. Hindi ba?" Sabi ko sa kanya at saka ko sya tiningnan sa pinakamasakit na paraan na alam ko. Paano nya nagawang paglaruan ako ng ganito?

"Bella please hayaan mo akong magpaliwana-"

"Ay oo mali. Hindi mo nga pala ako minahal."

"Nagkakamali k-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil pinigil na sya ng palad ko. Muntik ko nang makalimutan ang sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya tapos ganito lang pala?

"Niloko mo lang ako! Ano ba ang kasalanan ko sa inyong mga lalaki at palagi nyo na lang akong niloloko?! Alam mo ang ginawa nya sa akin pero sa ganong paraan mo parin ako sinaktan!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko sa kanya. Galit na galit ako dahil pakiramdam ko, sa pangalawang pagkakataon ay naloko nanaman ako.

"Nagkakamali ka! Please Bella hayaan mo akong ipaliwanag sayo ang lahat." Sabi nito sa akin pero umurong lang ako palayo sa kanya.

"Simula pa lang Damon, hindi ako nagkamali. Sinisisi ko ang sarili ko na naniwala ako sa lahat nang kasinungalingan mo! Sinsisi ko ang sarili ko na nahulog ako sa kagaya mo! At pinagsisisihan ko rin na nakikilala kita at dumating ka sa buhay ko!" Umiiyak na sabi ko sa kanya dahil sobra na ang bigat ng nararamdaman ko. All this time hindi pala ako ang nakikita nya. Masakit na sa akin ang parte na hindi pa sya tapos magmahal ng iba at naguguluhan sya sa akin pero mas masakit pala malaman na nilapitan nya lang ako dahil naaalala nya sa akin ang babaeng minamahal nya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now