WTBSC 45

25 0 0
                                    

Maria Bella

Pinagmasdan ko ang telepono ko na galing kay Damon. Nang mabuhay ang screen noon ay bumungad sa akin ang unang litrato namin. Kahit na hindi ganon kaayos ang pose nya ay napakgwapo parin nya. Ito ang unang araw na nagtrabaho ako sa kanya.

Nawala lang 'yon sa screen nang biglang lumabas ang pangalan ni Damon sa screen. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko bang pinatay ang tawag nya. Ganon din si Ravanni at hindi ko na mabilang ang text na nai-send nya sa akin. Pinatay ko lang ulit ang tawag nang bigla 'yong tumunog ulit saka ko naihalamos ang parehas kong kamay sa mukha ko at doon ibinuhos ang lahat nang nararamdaman ko. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at wala akong matakbuhan ngayon. Gusto kong ilabas lahat nang nararamdaman ko pero paano? Gusto kong sabihin kung gaano kabigat ang nasa dibdib ko pero kanino? Gulong gulo ang isip ko.

"Hija?" Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko bago ako lumingon sa pinanggalingan mg boses na 'yon. Ang Mama ni Cohen. Naupo sya sa tabi ko at saka nya ako inabutan ng panyo. Tinanggap ko naman na 'yon dahil mukhang basang basa na ang mukha ko dahil kanina pa akong umiiyak. Bigla na lang akong napabuntong hininga sa kawalan.

"Gusto kong humingi ng tawad sa lahat nang nagawa namin sa inyo ng pamilya mo lalo na sayo. Alam kong sumobra kami, lalo na ako sa ginawa ko sayo noon dahil sa anak ko. At gusto kong malaman mo na nagsisisi na kami ng asawa ko sa lahat nang nangyari."

"Wala na po 'yon. Naiintindihan ko na po kayo. Ako po ang dapat na humingi ng tawad dahil hindi ko inisip kung hanggang saan lang talaga ako. Hindi ko po inisip na may pangalan akong pwedeng masira dahil sa pagmamahal ko noon kay Cohen."

"I thought that time that your love for Cohen was so young and naive. Inisip namin na isa lang 'yong puppy love since masyado pa kayong bata at unang pag-ibig nyo ang isa't isa. But I guess I'm wrong. At hindi mo kaylangan na humingi ng tawad dahil kami ang nag-umpisa ng lahat. Sa totoo nga ay kami ang may malaking utang na loob sa pamilya nyo dahil kung wala kayo, walang magiging pwesto sa politika ang asawa ko." Pilit akong ngumiti sa kanya dahil ayoko nang balikan pa ang lahat nang nangyari. Mas lalo lamang dumadami ang iniisip ko at ayoko nang dagdagan pa ang mga gumugulo sa isip ko. Nagulat na lang ako nang bigla nyang ilagay sa likod ng tenga ko ang takas na buhok sa mukha ko at hinawakan nya ang pisngi ko. Hindi ko mailarawan kung ano ang nakikita ko ngayon sa mga mata ng Mama ni Cohen. Nakangiti ang mga labi nya pero kita ko kung gaano kalamlam ang mga titig nya.

"Nagkamali ako nong sinabi kong hindi ka karapatdapat sa anak ko dahil ngayong nakikita kitang ganito sa kabila ng lahat, mas masasabi kong higit ka sa akin at ako ang hindi dapat maging ina para kay Cohen dahil wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na may babae paring sing buti mo para sa anak ko. Hindi na ako magtataka pa kung bakit perpekto ka para sa paningin ni Cohen. Totoo nga ang sinabi nya na wala na syang ibang mahahanap na kagaya mo. Nakikita ko na ngayon kung bakit mahal na mahal ka ng anak ko." Mahinang sabi nya sa akin kaya mapait akong ngumiti sa kanya saka ko hinawakan ang kamay nya.

"Wala na pong mas hihigit pa para kay Cohen kung hindi kayo bilang ina nya. Ang pagmamahal nyo po para kay Cohen bilang mama nya ay hinding hindi kayang tumabasan ng kahit na ano. O ng kahit na sino. Kahit po ako." Dahil hindi ako perpekto at ang pagmamahal ko para kay Cohen ay hindi na katulad noon. Dahil 'yong pagmamahal na lumulunod sa akin ngayon ay para na sa iba at hindi na para kay Cohen.

"Maraming salamat talaga Bella. Hindi mo alam kung gaano mo napagaan ang kalooban ko. Binawasan mo ang pag-aalala ko para kay Cohen. You gave us hope Bella." Sincere na sabi nya sa akin kaya bahagya na lang akong ngumiti sa kanya. Masaya ako dahil ganon na ang nararamdaman nya ngayon.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz