WTBSC 19

21 1 0
                                    

Maria Bella

Ilang araw na rin ang lumipas at hindi ko na nararamdaman ang presensya ni Cohen. Siguro ay bumalik na sya ng probinsya. Mabuti na 'yon dahil hindi ko alam kung paano sya haharapin ulit sakaling magkita pa ulit kami. Samantalang si Sir Ravanni naman ay patuloy parin ang pangungulit sa akin. Pero para sa akin, itinuturing ko syang isang mabuting kaibigan at alam ko sa sarili ko na hanggang doon laman 'yon. At si Sir Damon? Simula nong nangyri sa ospital ay hindi parin nya ako pinapansin. Parang hangin lang ako sa loob ng opisina nya. Ni hindi nya ako pinapansin o inuutusan ng kahit na ano. Binabati ko sya pero para lang akong hangin at wala syang nakita o narinig man lang. Pakiramdam ko tuloy ay galit parin talaga sa akin si Sir Damon.

"Hoy Bella! Lutang ka nanaman. Ano bang iniisip mo?" Nawala lahat nang iniisip ko nang bigla akong tapikin ni Addison. Nandito nga pala ako ngayon sa cafeteria at naglalunch kasama sila.

"Pansin lang namin na kanina ka pang tulala. Nilalaro mo lang ang pagkain mo." Sabi naman sa akin ni Russell. Napabuntong hininga ako doon dahil sa kanya.

"Madami lang akong naging problema nitong mga nakaraang araw." Sagot ko sa kanila saka ako sumubo ng pagkain. Kaylangan ko nang kumain ng ayos dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari noong nakaraang araw.

"Hmnnn! Ikaw ba naman ang balikan ng gago mong ex at bulabugin ka na para bang walang nangyari." Pagpaparinig agad ni Addison kaya napatingin ako sa kanya at umiling na lang.

"Naku kung ako sayo Bella? Sasampalin ko 'yon ng paulit ulit para matauhan sa ginawa nya dahil napakawalang hiya pala nyan!" Sabi agad ni Analee at sa itsura pa lang nya ay parang naranasan na nga nya ang napapag-usapan.

"Oh Analee chill ka lang dyan. Si Bella pinag-uusapan dito baka mahawahan mo sya ng kabiteran." Sagot agad sa kanya ni Remy.

"Hayaan nyo na sya wala na rin naman sa akin ang nangyari." Sagot ko sa kanila para matahimik  na sila.

"Hayaan? Nagpapatawa ka ba Bella? Kung ako sayo huwag mo na syang babalikan huh? Yung mga ganong lalaki na bumabalik lang naku for sure sasaktan ka lang nya ulit. Dahil kung nakaya ka nyang saktan nong una pa lang, hindi malabong magawa nya ulit 'yon sayo!" Sabi ni Analee. Tama sya. Maaring ganon nga ang mangyari kung sakaling hahayaan ko nanaman ang sarili ko na mahulog kay Cohen. Dahil aaminin ko na, mahal ko parin talaga sya ang kaso lang hindi na 'yon sapat para maging dahilan at balikan ko pa sya.

"Oh ayan, sinasabi ko sayo Analee manahimik ka na eh. Tingnan mo tuloy si Bella malungkot na sya dahil dyan sa kakadada mo!" Sabi naman ni Jacques kaya inirapan sya ni Analee.

"Natatamaan ang babaero!" Sabi agad ni Analee dito.

"Huwag na kayo mag-alala. Okay lang ako. Paano? Una na ako sa inyo huh? Madami pa kasi akong trabaho na kelangan tapusin." Pagpapaalam ko sa kanila at saka ako tumayo na sa kinauupuan ko.

"Hindi ka pa tapos kumain Bella." Pigil sa akin ni Addison pero umiling lang ako sa kanya.

"Dadalhin ko na lang 'tong sandwich sa opisina." Sabi ko sa kanya saka ako umalis na. Nagsisisihan pa sila kung bakit ako umalis pero hindi ko na sila pinansin. Dumeretso na lang ako sa opisina ni Sir Damon. Nakita ko sya na nandoon parin sa table nya at nakaharap sa laptop nya. Kunot na kunot ang noo nya at nakahawak sya sa labi nya at pinaglalaruan 'yon. Sa halos mahigit isang buwan kong pagtatrabaho sa kanya alam ko na ang gawain nyang 'to. Palagi syang ganito kapag malalim ang iniisip nya.

"Sir Damon kumain na po ba kayo?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanya dahil mukhang sa itsura nya ay sisigawan nya ako anumang oras.

"Just don't fucking talk to me Bella." Sagot nya lang sa akin habang hindi parin ako tinatapunan ng tingin. Pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya at ipinatong ko sa table nya ang dala kong sandwich. Kumain naman ako kahit papaano pero si Sir Damon ay alam kong hindi pa kumakain dahil hindi pa sya nagpapatawag at bumababa simula kanina. Isa pa ay mukhang maaga syang pumasok dahil mas nauna pa sya sa akin kahit na maaga na nga ako pumasok kanina.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora