WTBSC 11

23 1 0
                                    


Maria Bella

"We're here." Rinig kong sabi ni Sir Ravanni nang tumigil ang sasakyan nya sa tapat ng tinuluyan ko.

"Thank you sa paghatid Sir Ravanni."

"Always welcome. But, do you have any plans to find a safer place to stay? Hindi ka bagay dito Bella. I mean masyadong delikado dahil gabi ka pa naman umuuwi." Sabi nya sa akin habang tumitingin sa palagid.

"Pareho kayo ng sinabi ni Sir Damon pero sasagutin lang kita nang kung paano ko sinagot si Sir Damon. Hindi ako pwedeng umalis dito dahil nakapag bayad na ako ng renta at sayang naman kung lilipat agad ako."

"I can give you a condo if you want. This place is so dangerous for a woman like you Bella. Mukha pa namang kayang kaya kang buhatin na lang sa liit mo na 'yan." Sinamaan ko naman sya ng tingin. Napakayabang talaga nya akala ko mabait na sya. Kundi lang nya ako nilibre ng dinner. Matangkad naman ako talagang mas matangkad lang sya sa akin.

"Hindi ko kaylangan 'yon Sir. Isa pa ay komportable naman ako dito dahil nandito si Addison."

"Basta pagkatapos ng bayad ng bed space mo dyan kaylangan mong lumipat. Kung iinisip mo ang kaybigan mo ay isama mo sya." Sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"Maraming salamat Sir Ravanni pero wala talaga akong balak na tanggapin ang alok mo. Kaylangan ko nang pumasok sa loob. Maraming salamat ulit sa dinner Sir Ravanni." Sabi ko sa kanya at bubuksan na sana ang pinto ng kotse nya nang bigla nya akong pigilan. Tiningnan ko naman sya ng nagtataka.

"Bakit po Sir Ravanni?"

"Sigurado ka bang wala kang kakambal?" Lalo akong nagtaka dahil sa tanong nya sa akin.

"Wala po Sir. Ako ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Akala ko po ba ay pinaimbestigahan nyo na ako?" Natatawang biro ko sa kanya pero mukhang hindi sya natawa dahil seryoso lang syang nakatingin sa mukha ko. Parang may malalim syang iniisip habang nakatingin sa akin.

"Bakit po S-Sir Ravanni?"

"A-Ah w-wala. Sige na pumasok ka na. Hihintayin kitang makapasok sa loob ng bahay bago ako umalis." Sabi lang sa akin saka nya tinanggal ang seat belt sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpaalam ulit at nagpasalamat. Bumaba na ako ng kotse nya at dumeretso sa pinto. Hindi pa nga sya umaalis at nakatingin sya sa akin. Mayabang sya pero mukha namang may ilang percent sya ng kabaitan. Napatawa ako dahil doon sa naiisip ko. Pero nabura ang ngiti sa mukha ko nang di ko mabuksan ang pinto. Napatingin naman ako sa relo ko at napatapik na lang ako sa noo ko. Hindi ko napansin ang oras at naabutan ako ng curfew.

"What's wrong Bella?" Rinig kong tanong ni Sir Ravanni sa akin at nakita ko naman na bumaba na sya ng kotse nya saka sya dumeretso sa akin.

"Hindi ka makapasok?"

"Inabutan po ako ng curfew." Napapabuntong hininga na sabi ko sa kanya saka ako naupo doon sa may pinto. Nakakapagod gusto pa naman na sanang mahiga sa kama ko.

"That's fine. Let's go, sa condo ko ka na lang muna mag-stay tonight." Napatingin ako sa kanya at nagugulat na napatayo sa pwesto ko.

"Sa c-condo mo?" Parang di makapaniwala na ganong ko sa kanya. Napakabait naman nya yata sa akin? Hindi nya ako kilala pero patutulugin nya ako sa bahay nya ngayon? Paano kung nakawan ko sya?

"Ano nanamang iniisip mo? Wala akong gagawing masama sayo. I am just offering you a free accommodation."

"Sorry Sir Ravanni pero thank you na lang. Mag-uumaga na rin naman maaga magising ang may ari nito kaya di mo na kaylangan na patuluyin ako sa inyo." Sabi ko s akanya saka ako naupo doon sa tapat ulig ng pinto pero halos mapasigaw ako nang bigla akong umangat dahil binuhat na nya ako at isinakay doon sa kotse nya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now