WTBSC 7

22 2 0
                                    

Maria Bella

Kahit wala si Sir Damon ay maaga parin akong pumasok ng opisina para matapos ko lahat ng gagawin at ipinag-uutos nya. Syempre gusto ko rin naman makabawi sa kanya dahil napaka bait nya sa akin bilang boss ko kahit na sobrang sakit talaga ng ulo ko ngayon dahil sa nainom ko kagabi kasama si Addison.

"Ano? Masakit pa ba ulo mo? Konti lang naman nainom mo kagabi ah?"

"Hindi ko alam baka dahil hindi lang ako sanay, pasensya ka na sa akin wag ka na mag-alala." Sabi ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa elevator.

"Sigurado ka ba? Tawagan mo na lang ako kapag kaylangan mo ako huh? Total may telepono ka na naman." Sabi nya sa akin at tumango na lamang ako. Naunang lumabas ng elevator si Addison dahil sa pinaka taas pa na floor ang punta ko dahil doon ang opisina ni Sir Damon.

"Hindi na sya nahiya. Ang lakas ng loob nya para akitin si Sir Callego."

"Yeah, she must be a slut or a prostitute from her province kaya ganon na lang sya kabeterana."

"No wonder kaya ganyan na sya manamit ngayon nakakasipsip na kay Sir."

Rinig kong pag-uusap ng dalawang kasabay ko sa elevator. Halatang ipinaparinig pa nila sa akin ang pinag-uusapan nila pero tiningnan ko lang sila. Sinuklian naman nila 'yon ng mapanghusgang titig mula ulo hanggang paa. Bigla akong nahiya sa tingin nila. Pakiramdam ko ay nanliiit ako sa sarili ko.

Ramdam ko pa ang paninitig ng ibang kasama ko sa elevator hanggang sa makalabas silang lahat sa kanikanilang floor at kami na lang ng elevator attendant and natira sa loob ng elevator.

"Wag mo na lang sila pansinin iha, ganyan talaga ang mga 'yan. Akala mo napakatataas para magsalita ng ganoon. Di hamak namang mas desente ka kesa sa kanila." Nakangiting sabi nito sa akin kaya napangiti na rin ako. Napatingin tuloy ako sa repleksyon ko sa salamin ng elevator. Nakasuot ako ngayon ng simpleng ligth pink skirt na hanggang ilalim ng tuhod ko at naka puting long sleeves ako at puting sandals. Desente naman nga ako sa paningin ko pero bakit pinag-iisipan nila ako ng ganon?

Iiling iling na lang akong lumabas ng elevator ng nasa tamang floor na ako. Nginitian ko pa ang elevator attendant bago magsara ang elevator saka ako dumeretso papuntang opisina ni Sir Damon.

Pagpasok ko doon ay dumeretso agad ako sa table ko at inilabas lahat ng gamit ko. Isa isa kong tinawagan ang mga makakameeting sana ni Sir Damon ngayon.

"Hello? This is Bella, Mr.Damon Callego's secretary.... Yeah, he can't make it today. He is not available right now because of personal matters... of course, we will just re-sched the meeting. Thank you." Sabi ko bago ko ibaba ang kabilang linya at tinawagan ulit ang iba pang meeting na kailangan kanselahin para sa araw na ito. Hindi naman pala ganon kahirap maging secretary.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga emails para kay Sir Damon ng may marinig akong pumasok ng opisina. Naagaw naman ang pansin ko ng isang lalaki na matangkad at naka suot ng simpleng polo na nakatupi hanggang sa siko nya at black slacks habang may dalang bag sa balikat nya. Sigurado ako na hindi sya dito nagtatrabaho. Tumayo ako sa kinauupuan ko at magalang na lumapit sa kanya.

"May I know you Sir? Mr.Callego is not here at the moment. May I know your concern? Do you have any appointments that regards to Mr.Callego?" Magalang at formal na tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"B-Bakit po?"

"It's just a few days since we met each other and now you already forget me?" Natatawang sabi nya sa akin saka sya naupo doon sa couch. Pinagmasdan ko naman ang ngisi nya at naalala ko na kung sino sya dahil sa nakakainis na ngising 'yon.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now