WTBSC 35

24 0 0
                                    

Maria Bella

"Bitawan mo ako Sir Damon."

"Hindi kita bibitawan hangg't hindi mo inaamin ang nararamdaman mo."

"Hindi kita gusto at hindi kita mahal. Ano ba ang sa parteng 'yon ang hindi mo maintindihan?" Bulong ko sa kanya at pilit ko paring tinatanggal ang kamay nya na mahigpit na nakapulupot sa bewang ko. Muli kong tiningnan si Ravanni at nakita kong umalis na sya palayo. Gusto ko syang tawagin pero hindi ko magawa.

"Naguguluhan ak-"

"Alam ko kaya naiintindihan kita. Ang sakin lang ay hindi mo na kaylangan pang gawin ang lahat nang ito!" Sabi ko sa kanya at sa wakas ay nakatakas na ako sa pagkakahawak nya kaya hinarap ko sya. Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha ko dahil ayokong magmukhang kawawa sa harap nya.

"Bella I'm doing this because I want to. I am doing this para sayo! Dahil sa nararamdaman ko! Kaya ano bang sinasabi mo?"

"Kahit kaylan ay hindi na ako kayang linlangin pa. Alam mo ang pinagdaanan at kwento ko Sir Damon kaya umaasa ako na maiintindihan mo ako."

"Listen to me Bell-"

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ay okay lang. Ibig sabihin ay wala kang dapat na ipaliwanag."

"I need to explain because I love yo-"

"Pero hindi tayo Sir Damon!" Sigaw ko sa kanya dahil ayoko nang marinig pa ang iba pang sasabihin nya.

"Dahil Boss ko kayo at empleyado nyo ako."

"Bakit ba palagi mo na lang iginigiit ang bagay na 'yan?"

"Bakit? Hindi ba at 'yon ang totoo?"

"I won't let it end that way Bella kaya kalimutan mo nang Boss mo ako at empleyado kita." Pagpapaliwanag nya sa akin pilit at hahawakan na nya sana ako pero biglang humarang sa gitna namin si Aki.

"Hindi ako nagkamali. Pinaiyak mo lang ulit si Ate."

"Aki-"

"Alam kong ikaw ang Boss ni Ate pero wala kang karapatan na paiyakin sya at saktan ng ganito! Si Kuya Cohen at ikaw! Parepareho lang kayo." Galit na sabi ni Aki saka nya ako hinila palayo kay Damon. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil gusto ko na ring takasan si Damon. Rinig ko pa ang paulit ulit na pagtawag nya pero hindi ko na sya nilingon pa.

"Uuwi na tayo." Seryosong sabi ni Aki at sinimulan na nyang ligpitin ang mga dala naming pagkain na hindi namin halos nagagalaw pa. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang sa kanya sina Delaney at Kenzo.

"Bella let's talk." Pagpupumilit parin ni Damon at mulhang wala syang balak tumigil. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa kanya o sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa kanya ng ganito.

"Tigilan mo na si Ate!"

"Aki h-huwag mo syang sigawan. S-Sir Damon uuwi na po tayo. Pasensya na p-po kayo." Pormal na sabi ko sa kanya habang hindi sya tinitingnan at tinutulungan ko lang si Aki sa pagliligpit ng mga gamit namin. Hindi ko akalain na magiging ganito ang lakad na 'to.

"Sir?" Pag-uulit nito sa akin pero hindi ko na sya pinansin pa. Pagka-ayos namin ng mga gamit ay naglakad na agad kami palabas at todo pagpupumilit parin sa akin si Damon kahit na hindi ko na sya pinapansin pa. Mas gugustuhin kong manahimik na lang kesa sa kung ano nanaman ang lumabas sa bibig ko. Ang ayoko pa naman ay 'yong nakikipagtalo dahil palagi akong naiiyak. Bakit kasi napaka-iyakin ko kahit na sa simpleng bagay. Ano naman kung nakikita ko sa kanya na mahal parin nya 'yong babaeng tinutukoy nya kahit na sinabi nya sa akin mahal na nya ako? Hindi naman 'yon masakit di ba? Dahil hindi naman ako umaasa na magkakatuluyan kami. Na magiging kami kaya siguro tama lang na malaman ko ang mga dahilang nyang 'to para mas mapigilan ko ang nararamdaman kong 'to sa kanya kahit na sa masakit na paraan.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now