WTBSC 29

22 1 0
                                    

Maria Bella

"Bella halika dito." Salubong agad sa akin ni Nanay pagdating ko sa bahay alam kong tatanungin nya ako dahil siguradong nakita nya si Sir Damon.

"Sino 'yong isang lalaking dumating huh? Hinahanap ka nya kanina at mukhang taga Maynila."

"S-Sya po ang boss ko Nay." Seryosong sabi ko sa kanya at pilit na itinatago ang nararamdaman ko nang dahil sa nangyari kanina.

"Eh kung ganon, nasaan na sya? Sinundan ka nya sa bukid at hindi ko na sya napigilan. Nagkausap ba kayong dalawa? Si Ravanni nasaan sya?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Nanay.

"Paalis na rin po sya Nay at hindi sya magtatagal may dinala lang po sya na trabaho sa akin dahil isang linggo ako dito. At si Sir Ravanni po nandoon parin po sya sa bukid."

"Bakit mo sila iniwan doon? Hindi ko man lang napasalamatan ang boss mo pati na rin si Ravanni. Tingnan mo, andami nyang pinadalang groceries at kung ano ano pa dito sa bahay. Bigla na lang may dhmating kanina na mga lalaki at pinabibigay daw ito nong binatang kasama mo." Sabi sa akin ni Nanay kaya napasilip din ako sa kusina namin. Punong puno 'yon ng mga kung ano ano. Napapikit na lang ako dahil sa ginagawa ni Sir Ravanni. Ano bang iniisip nya? Siguradong baka kung ano na ang isipin sa akin ng mga kapit bahay namin.

"Naynay andito po si Uya Rani." Napatingin naman kami parehas ni Nanay kay Blaine at nakita namin na kasunod na nya si Sir Ravanni.

"Magandang tanghali po. Ah Bella, yong boss mo nasa labas pa." Seryosong sabi ni Sir Ravanni at deretso lang itong nakatingin sa akin. Halatang ayaw nya rin na nandito si Sir Damon. Kahit naman ako dahil palagi na lang silang nag-aaway.

"Nandyan pa pala sya Bella akala ko ba ay paalis na sya? Halika at papanhikin mo ang boss mo." Sabi sa akin ni Nanay at nauna pa sya sa akin na lumabas ng sala at pinuntahan si Sir Damon.

"Magandang tanghali iho, ikaw pala ang boss ni Bella. Halika tuloy ka pasensya ka na sa bahay namin." Sabi ni Nanay at kita namin na pinagbuksan pa nya si Sir Damon ng tarangkahan namin hanggang sa nagtama ang mga mata namin.

"Bella kumuha ka muna ng maiinom ng boss mo. At iho dito ka na rin magtanghalian at magluluto ako para sa inyo nitong si Ravanni."

"Pero Nay hindi na po sya magtataga-"

"Sige po marami pong salamat." Sabi ni Sir Damon at mabilis na umuo kay Nanay. Tumayo na lang ako para kumuha ng maiinom nya. Huwag nyang sabihin na hindi pa sya uuwi? Hindi naman sa ayaw ko na nandito sya pero ewan parang ganon na nga. Boss ko sya at dapat nasa opisina sya. Aaminin kong hindi na ako ganon kakomportable sa kanya simula nong nangyari noong gabing 'yon at lalo na dahil sa nangyari kanina.

"Bella matatapunan ka na." Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Sir Ravanni at nakita kong papuno na nga ang hawak kong maliit na babasaging pitsel.

"It looks like you're thinking so deep to the point na hindi mo namamalayan na mapupuno na 'yan." Sabi nya saka sya lumapit sa akin. Kinuha ko lang naman na ang juice at yelo sa ref saka ko 'yon tinimpla doon sa pitsel.

"I knew it. Hindi ka komportable na nandito sa Damon hindi ba?" Napabunting hininga ako sa kanya dahil mukhang nababasa nya ang iniisip ko. Ganon nya ba ako kakilala o baka halata lang talaga sa itsura ko ngayon kung anong iniisip at nararamdaman ko?

"Wala naman po akong magagawa dahil nandito na sya."

"Stop saying po and Sir at me Bella. Hindi mo naman ako boss hindi ba?" Sabi nya sa akin at umuo na lang ako sa kanya dahil ayoko nang makipagtalo pa.

"Ravanni."

"Better. Like what I said, huwag kang papaepekto kay Damon. Alam kong may sinabi sya sayo kanina na nakapagpagulo sayo pero sana huwag kang magpapadala sa kanya." Sabi nya sa akin at hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o may himig talaga ang boses nya ng pakikiusap.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora