WTBSC 23

21 1 0
                                    

Maria Bella

Sa haba ng sinabi ni Sir Ravanni ay hindi ko na halos maibuka pa ang bibig ko para masabi ang mga salitang nasa isip ko. Gusto kong maniwala sa mga salita nya sa sobrang bulaklak ng mga ginamit nyang salita pero hindi ko nalilimutan na dito rin ako nadala ng huling taong nanakit at patuloy na nananakit at nangugulo sa akin ngayon.

"Ayoko po na masamain nyo ang sasabihin ko Sir Ravanni pero, hindi ko po kayang suklian ang nararamdaman nyo para sa akin. Ayoko po na paasahin kayo sa bagay na walang kasiguraduhan at mas lalo po na ayokong samantalahin ang nararamdaman nyo sa akin dahil nangangaylangan ako ng tulong." Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso akong nakakatig sa mga mata nya. Si Sir Ravanni ang lalaking kayang magustuhan ng lahat pero iba ako hindi dahil sa masyado syang sobra para sa akin pero dahil hindi talaga ako nababagay sa kanya.

"Why so honest Bella?" Maikling sabi nya saka sya umiwas ng tingin sa akin at naupo doon sa maliit na upuan sa may veranda at ipinatong ang kape nya sa lamesa.

"Gusto ko lang po na magpakatotoo dahil ayoko po na paasahin ko kayo. Hindi ko po kayo gust-"

"Stop right there! Huwag mo nang ituloy." Sabi nya sa akin kaya naputol ang sasabihin ko.

"Ayokong isipin na ikaw ang unang babae na nag-reject sa akin. And I don't rush things about us Bella. Just let me okay? And if I did my everything but still you don't love me in the end well, I think it's time for me to give up. But let's not just talk about that. Hindi naman kita titigilan hangga't hindi ka nahuhulog sa akin." Seryosong sabi nya sa akin saka sya biglang ngumiti sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nya dahil pagkatapos kong sabihin lahat sa kanya nakukuha nya pang ngumiti at pasayahin ako. Mukhang sya ang tipo ng tao na hindi madaling pasukuin. Kapag gusto nya ay gusto nya at gagawan nya 'yon ng paraan. Gusto ko nang isipin na swerte ako dahil may katulad ni Sir Ravanni sa buhay ko kahit na alam ko kung hanggang saan lang ako. Sa lahat nang nangyari alam ko na kung saan at paano ilugar ang sarili ko. Salamat kay Cohen at sa pamilya nya.

"You're smiling. Kinikilig ka ba?" Panunukso sa akin ni Sir Ravanni pero mabilis lang ako na umiling sa kanya.

"You look so hot and gorgeous on my white t-shirt and now you are smiling because of my words so tell me. How can't I avoid myself not to fall in love with you?" Sabi nya sa akin kaya mas lalo akong natawa. Masyado talaga syang magaling mambola. Di na ako magtataka kung bakit madaming babae ang nahuhumaling sa kanya.

"Masyado po kayong bolero. Kaya po siguro napakadami nyong babae." Hindi ko na napigilan na sabihin 'yon pero sa imbes na maasar sya ay tinawanan pa nya ako.

"Bakit napunta sa akin ang usapan? But yes, I admit madami akong babae pero let me clear it to you again. Alam ko kung sino ang seseryosin at kapag nagseryoso ako seryoso talaga ako. Walang laro laro at walang bola bola. Fried chicken lang." Sabi nya kaya napatawa na talaga ako sa kanya.

"Friend chicken? Saan po 'yon galing?" Tumatawa parin na sabi ko sa kanya. Komedyante rin pala 'tong si Sir Ravanni eh.

"Nothing naalala ko lang sa bola bola namin sa probinsy-... Wait, di ba taga probinsya ka? Batangas right? Gusto mo bang umuwi muna sa inyo? Total isang linggo ka naman di papasok sa opisina?" Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya at agad 'kong naalala sina Nanay at ang mga kapatid ko. Sobrang miss na miss ko na sila. Pero, hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako kay Sir Ravanni na isang linggo ako di papasok sa opisina. Hindi ba at sobrang tagal naman yata noon?

"Why are you sad? Hindi mo ba gusto ang idea ko?"

"Pasensya na po kayo, namimiss ko lang po sina Nanay at ang mga kapatid ko."

"If that so, we can go there now? I will bring my own car." Napatingin ako sa kanya dahil doon seryoso ba sya? Pero hindi parin talaga ako makapag-bunyi dahil iniisip ko talaga si Sir Damon.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon