WTBSC 18

18 1 0
                                    


Maria Bella

"Bella come back here, you need to rest." Tawag sa akin ni Sir Ravanni kaya wala na akong nagawa kundi bumalik doon sa kama dahil medyo nahihilo ako.

"Sir Ravanni bakit po ba ganon kayo ni Sir Damon sa isa't isa? Palagi na lang po kayong nag-aaway tuwing nagkikita kayo." Hindi ko na napigilan na itanong 'yon sa kanya dahil napapaisip ako kung ano ba talaga ang pinagmulan ng inis nila sa isa't isa. Kinuha lang ulit ni Sir Ravanni ang hawak nyang pagkain kanina at binigyan nanaman nya ako ng isang subo. Kinuha ko na lang sa kanya ang kutsara at ako na mismo ang kumain.

"You shouldn't know Bella. Hindi na 'yon mahalaga pa."

"Pero gusto ko po malaman. Alam nyo po ba na mabait din naman si Sir Damon? Sa totoo lang po ay hindi nya ako hinahayaan na mapagod sa trabaho ko. Magaan nga lang po ang trabaho ko sa kanya bilang secretary."

"But he gave you an over time to the point that you forgot to eat? At kahit hindi mo sabihin, I know that he said something bad to you. Nilait ka rin ba nya katulad ng ibang babae na napapalapit sa kanya? He is really good at that."

"Kasalanan ko rin naman po kung bakit nya nasabi ang lahat nang nasabi nya tungkol sa akin."

"So may sinabi nga sya sayo? Tsk. You know what Bella? Hindi mo naman kaylangan magtiis kay Damon. I am here to make the things easy for you." Napabuntong hininga na lang ako doon sa sinabi nya. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanya na hindi ko kayang tanggapin ang offer nya dahil sa utang na loob ko kay Sir Damon?

"Nagpapasalamat po ako dahil napakabait nyo sa akin. Kahit hindi nyo ako ganon kakilala ay tinutulungan nyo ako pero hindi na talaga magbabago ang desisyon ko Sir Ravanni. Alam kong napakabuti nyong tao at gusto kong humingi sa inyo ng tawad kung nahusgahan kita noon. Nagkamali ako alam ko. At siguro po Sir Ravanni, maging pormal na lang po tayo sa isa't isa. Ako bilang empleyado at kayo po bilang business partner ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko." Mahabang sabi ko sa kanya pero sinagot nya lang ako ng isang iling. Ipinatong ko sa may side table ang pagkain na hawak ko kaya inabutan nya ako ng tubig.

"Are you numb or you're just playing dumb?" Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at halos masamid ako dahil sa tanong na 'yon ni Sir Ravanni.

"A-Ano ponv ibig nyong sabihi-"

"I like you Bella." Naubusan ako ng sasabihin sa kanya dahil sa salitang narinig ko sa kanya. Totoo ba ito? Pero paano nangyari? Halo isang buwan pa lang kaming magkakilala tapos sasabihin nya sa akin na gusto nya ako? Pero baka naman i a ang gusto nyang sabihin sa akin.

"G-Gusto nyo po ako? Gusto po na ano? Gustong maging empleyado? Sinabi ko na po sa inyo n-"

"I like you as a woman Bella. Romantically. I don't how but I just felt it. I know that this is so early but I just want to say what I am feeling." Wala na akong ibang masabi sa kanya dahil hindi maabsorb ng utak ko lahat nang pinagsasasabi nya sa akin ngayon. Hindi ko parin maintindihan.

"Alam nyo Sir Ravanni mas mabuti pa po na kumain na rin kayo dahil gutom lang yan." Sabi ko sa kanya at kukuhanin ko na sana ang isa pang pagkain na nandoon pero pinigilan nya lang ang kamay ko at hinawakan 'yon. Naguguluhan ako.

"Alam kong naguguluhan ka pero ako ang tao na hindi marunong magsayang ng panahon. If I like the person, I say it right away. Hindi ako naniniwala sa perfect timing dahil mas naniniwala  ako na good things happen in an unexpected situations. Like this." Seryosong sabi nya sa akin kaya binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"H-Hindi po pwede Sir Ravanni." Deretsong sagot ko sa kanya.

"Why? Is it because of the guy that harassed you?" Tanong nya sa akin at hindi ako nakasagot dahil doon. Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Cohen. Ang itsura nya kanina at kung paano nya ako tingnan. Bakit may nakikita akong sakit sa mga mata nya samantalang wala syang kagatol gatol na sinaktan ako?

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن