WTBSC 8

23 2 0
                                    


Maria Bella

"Naiwan ka na ba?" Napawi ang ngiti ko sa sinabi nyang 'yon.

"Naiwan saan Sir? Sa gala po ba? Naku di naman po ako Sir mahilig gumal-"

"Nevermind." Pinutol na nya ang sasabihin ko.

"Bakit Sir? Naiwan ka na ba?" Seryoso nang tanong ko sa kanya. Hindi parin nya ako nililingon kaya hindi ko malaman kung anong ekspresyon nya.

"Oo. Isang beses." Simpleng sagot nya pero ramdam ko na may nagtatago sa likod ng boses nyang 'yon.

"Sa paanong paraan?" Tanong ko sa kanya habang ang isip ko ay binabalikan na ang panahon kung paano nga ba ako iniwan ni Cohen.

"Sa pinaka masakit na paraan." Sagot nya sa akin at ramdam ko na sa boses nya na bumibigat ang pakiramdam nya at humihina na ang boses nya.

"Kung ganon ay bakit hindi mo sya pinigilan?" Yan rin ang tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba hindi ko sya napigilan na iwan at ipagpalit ako?

"Dahil imposible."

"Walang imposible kapag gusto mo. Palaging may paraan." Sabi ko sa kanya ng may ngiti kahit na di nya 'yon nakikita. Gusto kong maramdaman nya na positibo lang.

"Yan ang akala mo. But it's not easy as like that. You don't understand." Sabi nito sa akin at ngayon at humarap na sya gamit ang seryoso nyang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya.

"Bakit? May dahilan ba sya para iwan ka?" Seryoso nang sabi ko sa kanya dahil naiisip ko si Cohen.

"Nothing."

"Kung ganoon ay bakit ka nya iniwan?"

"Because we ran out of time." Sigaw nya sa akin at napapitlag naman ako sa lakas ng boses nya. Nakita ko naman na napahawak sya sa ulo nya at naffrustrate na ibinalik ang tingin nya sa view mula dito sa opisina nya.

"Go back to your work Bella. Don't talk to me I'm tired." Sabi lang nito sa akin na nakapagpabalik sa pwesto ko.

Tinanaw ko sya mula sa kinauupuan ko dito sa table ko at di ko alam kung ano ba ang malalim na iniisip nya. At sa tingin ko kung ano man yon ay siguradong mabigat.

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa ginagawa ko hanggang sa di ko na namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan sa dingding ng opisina ay nakita kong mag-aalas onse y media na ng tanghali.

"Ah Sir Damon papadalhan ko na po ba kayo ng lunch dito?" Pag interupt ko sa kanya dahil nakasandal lang sya sa swivel chair nya habang nakapikit. Alam kong gising pa sya dahil nakita kong gumagalaw ang daliri nya na tumatama sa hand rest ng upuan nya.

"Just fucking eat Bella don't mind me. Get out I want peace." Sabi lang nito sa akin kaya nahihiya akong lumabas ng opisina nya.

Pagsakay ko ng elevator ay agad kong tinawagan si Addison para yayain naglunch sa cafeteria. Sinagot naman nya agad 'yon pagkatapos ng ilang ring.

[Oh Bella? Maglalunch ka na?]

"Oo sana. Ok lang ba na sumabay ako sayo?"

[Oo naman. Nandito na ako sa cafeteria pumunta ka na lang dito kasama ko ang ibang katrabaho ko ipapakilala kita sa kanila.]

"Ahh sige pupunta na ako dyan." Sabi ko kay Addison at ibinaba na ang tawag saka ako nagderetso sa cafeteria kung nasaan sila. Agad namang kumaway si Addison nang makita ako kaya di na ako nahirapan na hanapin sila. Itinuro ko lang ang counter para sabihin na oorder ako at tumango lang sya sa akin.

"Isang F1 lang po at ice tea." Sabi ko sa babaeng nasa counter. Kinuha naman nya agad ang order ko at iniabot 'yon sa akin.

"148 pesos iha." Sabi nito sa akin at medyo nagulat ako sa presyo ng binili ko. Napaka mahal naman nito. Isang kanin lang at isang platito ng ulam at isang ice tea 148 pesos na agad? Sa probinsya namin 25 pesos lang ang order ng ulam at 10 pesos lang kanin tapos 15 pesos lang ang ice tea.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now