WTBSC 20

27 1 0
                                    

Maria Bella

"She's mine and when I said mine no one can have it except me. I never, ever let anyone take away it from me without my permission. So Bella being mine, I am saying to you that you should let her go before my fist lands to your fucking irritating face." Seryosong sabi ni Sir Damon saka ako muling hinila papalapit sa kanya. Napapunta ang tingin ko sa kanya at sumalubong sa akin ang nag-iigting nyang panga dahil sa inis.

"Ang lakas ng loob mo na sabihin sa akin mga salitang 'yan. Bella is mine. Ako ang nauna sa kanya at wala kang karapatan na angkinin sya."

"I don't fucking care but one thing is for sure here. She don't want you anymore." Seryoso parin ni Sir Damon saka nya ako tuluyang hinila palayo kay Cohen. Pinagmasdan ko si Cohen at kitang kita sa kanya ang disappointment at sakit dahil sa nangyayari. Wala na akong iba pang kayang gawin para sa kanya. Hindi ko na kaya. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Sir Damon pero ni hindi nya man lang ito niluwagan para makalayo ako sa kanya.

"I won't let anyone have her except me. And if she just knew everything, I know she will comeback for me. Loosing is not on my vocabulary."

"Well kung wala noon, ngayon magkakameron na. Get out of my office now!" Galit na sigaw ni Sir Damon kay Cohen.

"Pakiusap Cohen, umalis ka na. Bumalik ka na rin ng probinsya at huwag mo na akong guluhin pa." Pikit matang sabi ko sa kanya dahil ayoko na talagang makita sya dahil alam ko, sa oras na magtagal ang mata ko sa kanya ay lalambot nanaman ako.

"Hindi ako babalik ng probinsya hangga't hindi kita kasama Bella. Remember that. Babawiin kita at hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Because I know, this will gonna be the last time at kapag hindi ko pa ginawa ang lahat ay baka maubusan na ako ng oras." Seryosong sabi sa akin ni Cohen kaya napatingin ako sa kanya dahil doon. Hindi ko sya maintindihan at nagsisimula na akong maguluhan sa lahat nang sinasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Don't listen to him Bella. Get out of my office now and don't you dare come back again and mess with Bella again." Galit na sabi ni Sir Damon pero hindi ko sya pinansin dahil deretso lang ang tingin ko kay Cohen. Ganon din sya sa akin. Deretso lang mga mata nya sa akin. Mukhang madami syang gustong sabihin pero natatakot ako na oakinggan pa 'yon. Ngayon pa nga lang na nakikita ko sya ay naguguluhan na ako paano pa kaya kung marinig ko ang explanation nya? Alam ko kung gaano ako karupok pagdating sa kanya.

"I will wait for Bella. I will never ever waste any moment to find any ways to win you back. Ikaw lang ang kaylangan ko Bella. Ikaw lang." Sabi nito sa akin at bago sya tumalikod ay nakita ko ang pagpatay ng luha sa mata nya. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko para sundan sya pero naramdaman ko ang brasong nakahawak parin sa bewang ko. Mas mahigpit 'yon ngayon kesa kanina.

"Don't follow him." Bulong nya sa akin pero nagpumilit lang ako na kumalas sa pagkakahawak nya at hinarap ko sya.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko kay Sir Damon at mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Hindi ko na maintindihan ang galit ko. Kaylangan ko na bang umalis ngayon dahil baka maibunton ko pa sa kanya ang lahat nang nararamdaman ko? Hindi ito tama.

"I'm s-sorry." Sabi nya lang sa akin saka sya napahakbang papalayo sa akin pero nakatingin parin sya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Kita ko sa mukha nya ang lagkagulat nang makita nya ang luha sa mata ko. Lalapit sana sya sa akin at akma nyang pupunasan ang pisngi ko ng umiwas na agad ako sa kanya.

"Noong huling beses na pinunasan ang luha ko ng lalaki ay nasaktan ako ng sobra."

"Sya ba ang nanakit sayo?" Tanong nya sa akin at napaiwas lang ako ng tingin sa kanya saka ako pilit na ngumiti at huminga ng malalim para pigilan ang nararamdaman ko.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now