WTBSC 49

20 1 0
                                    

Maria Bella

"And this time, it's for damn real." Unti unting lumuwag ang pagkakayakap ko kay Damon bago ako tuluyang nakawala sa yakap nya. Tinitigan ko sya ng deretso sa mga mata at pinilit basahin ang nasa isip nya. Kung tumutugma na ba ang lumalabas sa bibig nya sa ipinapakita ng mga mata nya.

"Mahal kita." Ulit nya na halos maging bulong na lang sa akin ngayon. Hindi ko mabawi ang titig ko sa kanya dahil sa sinabi nyang 'yon saka ako mapait na ngumiti sa kanya. At kahit na masaya ako sa narinig ko ay hindi ko parin mapigilan ang mga mata ko na lumuha. May malaking parte sa akin ang mas nasasaktan ngayong naririnig ko sa kanya ang lahat nang ito.

"Mahal kita. Mahal mo rin ba ako? Please sabihin mong oo." Pakiusap nito sa akin kaya nilagyan ko na ng distansya ang pagitan namin. Pero tulad ng palagi nyang ginagawa ay hindi nya ako hinayaan na mapalayo sa kanya. Mabilis nya akong nahawakan sa braso ko at hinila ulit palapit sa kanya.

"May magbabago pa ba kung sabihin ko mang oo?"

"W-What do you mean?"

"Kahit na mahal mo na ako at mahal kita hindi na magkakaroon ng tayo. Kahit kaylan.....Hindi na." Sabi ko kay Damon habang pilit parin na ngumingiti sa kanya. Pilit na pinagmumukhang malakas ang sarili ko habang tinitiis ko ang sakit na nakikita ko ngayon sa mukha nya.

"Why? Are you already choosing him? Hindi ba at sinamahan mo lang sya magpa-gamot dito? I will wait for you." Sabi nito sa akin pero sinagot ko lang sya ng sunod sunod na pag-iling.

"Magpapakasal na ako sa kanya." Seryosong sabi ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Why? Do you love him more than you love me?"

Kung alam mo lang Damon, ikaw ang mundo ko.

"Answer me Bella! Mas mahal mo ba sya kaya papakasalan mo sya? O baka naman pinilit ka lang nila?" Naguguluhang sabi nito sa akin habang tumataas na ang boses nya dahil sa frustration. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ng ganito kaya blanko ang isip ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.

"Hindi nila ako pinilit dahil ginusto ko ito."

"Ginusto? So you are really just manipulated and force by them! Galingan mo namang mag-sinungaling Bella!"

"Nagsasabi ako ng totoo. Hindi nila ako pinil-"

"Oh shut up Bella! I didn't come here and pretend to be a f*cking janitor just to hear you say all of this shits! Na may mahal ka nang iba kesa sa akin!" Sigaw nito sa akin pero tumungo na lang ako sa kanya. Kahit na anong gawin o sabihin ko ay sarado na ang isip nya para pakinggan at paniwalaan pa ang mga dahilan ko. At hindi ko sya masisisi dahil naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang lahat nang ito.

"Is this because of the debts of your family from them? Tell me Bella kaya ko namang tulungan ka. Kahit doblehin o triplihin ko pa ang utang nyo sa gagong 'yon ay babayaran ko huwag ka lang mapunta sa kanya." Pagsusumamo nya sa akin habang hindi parin binibitawan ang magkabilang braso ko. Wala akong magawa sa kanya kundi ang umiling na lang dahil naubusan na ako ng pwedeng sabihin sa kanya.

"Then why Bella? I don't believe on your reason. Alam ko at nararamdaman ko kung gaano mo ako kamahal pero bakit ganito?" Sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya na sana lang ay hindi ko na lang ginawa. Dahil nakita ko lang kung paano maglabas ng luha ang mga mata nya. Ito ang pinaka masakit na nakita ko sa lahat.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now