WTBSC 6

22 2 0
                                    

Maria Bella

"Addison!" Tawag ko sa kanya saka ako kumaway nang makita ko na lumabas na sya ng building. Kanina ko pa sya hinihinta.

"Oh? Bakit ang aga mo yata ngayon?"

"Maaga kasi akong pinauwi ni Sir Damon."

"Bakit naman kaya? Maaga ako ngayon pero mas maaga ka pa sa akin."

"Mas maganda 'yon para makauwi na agad tayo."

"Uuwi na agad tayo? Gumala muna tayo maaga pa naman." Yaya nya sa akin pero naisip ko na baka makagastos ako nito.

"Wala akong pera Addison. Siguro sa susunod na lang."

"Napakakuripot mo talagang babae ka. Wag ka mag-alala ililibre kita ngayon pero sa susunod ako naman ililibre mo huh?" Natatawang sabi nya sa akin at wala na akong nagawa dahil hinila na nya ako doon at sumakay na kami ng jeep.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang sakay kami ng jeep.

"Basta ako ang bahala sayo." Sabi nya sa akin at hinayaan ko na lang sya. Pagbaba namin ng jeep ay nagbayad agad kami ni Addison at pumasok kami sa isang.... bar?

"Ito ba 'yong bar?" Tanong ko sa kanya at inilibot ko agad ang panigin ko sa buong lugar. Wala pang masyadong tao pero malakas na ang music at may ilan nang nag-iinuman.

"Oo pero wag ka mag-alala mura lang dito. Hindi naman high end bar 'to pero safe naman." Sabi nya sa akin at dumeretso kami sa counter. May sinabi si Addison na alak pero bago 'yon sa pandinig ko.

"Oh, tikman mo 'yan masarap 'yan." Nakangiti nyang sabi sa akin saka nya inilagay sa harap ko ang isang baso ng alak na kulay asul.

"Hindi ako umiinom juice na lang ako."

"Juice? Seryoso ka ba dyan Bella?" Natatawang tanong nya sa akin kaya napatingin ulit ako sa paligid at medyo nahiya sa kanya. Napahawak ako sa blazer na suot ko ngayon dahil sa hindi ako komportable.

"Hindi ako umiinom eh."

"Ilang taon ka na ba? Hindi ka na menor de edad ah? Subukan mo yan masarap 'yan." Sabi nya sa akin at nakita ko nga na nilagok nya ang nasa baso nya at deretso 'yon. Hindi nya ibinaba ang baso nya hangga't hindi 'yon ubos. Napipilitan naman akong tinikman ang alak na binigay nya sa akin dahil sayang naman kung hindi ko titikman dahil binayaran nya 'to. Pero unang lapat pa lang noon sa dila ko ay hindi ko na nagustuhan.

"Ang pait!" Sabi ko sa kanya pero iiling iling lang syang tumingin sa akin.

"Sa una lang 'yan. Sige na, subukan mo pa magugustuhan mo rin ang lasa." Sabi nya sa akin at iniabot ulit sa akin ang baso na ibinalik ko sa counter. Pikit mata ko naman na nilagok 'yon unti unti.

"Hindi ko akalain na may babae pa palang katulad mo Bella."

"Huh?"

"I mean, napaka inosente mo. Wala kang experience kahit sa alak at mukhang pati na rin sa bagay na 'yon. Yung mga probinsyanang nakikilala ko ay hindi mo katulad. Kadalasan sa kanila ay mas malala pa sa amin dito sa mga taga Maynila. Masyado silang uhaw sa mga bagay na nandito."

"Pero hindi naman ako nagpunta dito para sa ganitong nga bagay. Nagpunta ako dito para makapagtrabaho." Sabi ko sa kanya saka ako muling tumingin sa paligid. Mukang walang mga problema ang mga tao dito. Nag-iinuman at nagtatawanan. May mga katabi pa silang babae na kulang na lang ay hubadan nila. Sila 'yong mga tao na wlaang iniisip at kayang maglustay ng pera na mukhang hindi naman nila pinaghihirapan dahil galing 'yon sa mga magulang nila. Ang babata pa nila.

"Minsan kaylangan mo rin isipin ang sarili mo Bella. Hindi masama na alalahanin mo ang iba pero minsan, kaylangan mo rin bigyan ng pansin ang sarili mo."

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now