WTBSC 34

21 0 0
                                    

Maria Bella

"Sabihin mo ang totoo Damon. Bakit? Ano ba talagang dahilan?" Lakas loob na tanong ko na sa kanya dahil napapaisip na rin ako sa lahat nang ikinikilos nya.

"It's nothing Bella come on don't listen to him." Sabi lang nito sa akin saka nya hinawakan ang kamay ko pero binawi ko lang 'yon sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko pa talaga kilala ang isang Damon Callego. Napakadami nyang sekreto.

"B-Bella."

"Kahit ako ay gusto kong malaman ang totoo kung bakit ganon na lang ang galit mo sa dagat. Pero alam ko na wala naman akong karapatan na pilitin ka. Ang sakin lang naman, kung ayaw mo ay sana hindi ka na lang bumalik pa at sinaktan si Ravanni." Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso lang ang tingin ko sa mga mata nya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ko at 'yon ay nasasaktan ako kahit na hindi ko alam kung para saan.

"Itinataboy mo na ako at ipinagtatanggol mo na sya ngayon. Bakit Bella? Nakapili ka na ba?" Tanong nya sa akin na lalong nakapag-painit ng ulo ko. Hindi ko na sya maintindihan. Paano nya nasasabi na may nararamdaman sya sa akin kung sa simpleng bagay ay nagkakaganito kami? Napakadami nyang hindi sinasabi sa akin at isa na 'to ngayon.

"Hindi ito tungkol doon! Wala akong sinomang pinipili sa inyong dalawa! Ang ayoko lang ay 'yong may nasasaktan!"

"Bella let's go and Damon it's better if you just go home." Singit sa amin ni Ravanni saka nya hinawakan ang braso ko para ilayo sa lugar na 'yon nang pigilan ako ni Damon.

"Hindi ko sya iiwan sayo."

"And why not? Obviously she is safer with me."

"I won't let you take advantage to her Ravanni."

"Sayo pa talaga naggaling 'yan?"

"Tumigil na kayo!" Sigaw ko sa kanila dahil nag-uumpisa nanaman sila. Parehas kong binawi ang kamay ko sa kanila at iniwan silang dalawa doon. Parehas silang magulo! Bakit ba masyadong napakalaki ng galit nila sa isa't isa? Ano bang meron?

"Ate! Ate!" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang sumalubong sa akin si Delaney. Dala na nya ang mga shells na sinasabi nya.

"May ibibigay na po ako kay Boss Damon at Kuya Ravanni!" Sabi nito sa akin pero tumango lang naman ako sa kanya.

"Okay ka lang po ba?"

"Oo naman."

"Eh bakit po nakasimangot ka? Nakangusong sabi nya sa akin kaya pilit akong ngumiti sa kanya.

"Nandoon sila pwede mo silang puntahan doon. Sige na." Sabi ko na lang sa kanya at saka naman sya nagtatakang sumunod na lang sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya saka ako nagderetso doon sa may puno kung nasaan si Aki. Naghahanda na sya ng pagkain namin.

"Oh nasaan ang dalawa mong manliligaw?"

"Ano?"

"Si Kuya Ravanni at 'yong boss mong hilaw!" Sabi nito sa akin pero hindi ko na lang sya sinagot. Isa pa 'tong batang 'to eh.

"Inaaway ka ba nila? Sabihin mo lang at papalayasin ko na sila sa bahay natin." Seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi nila ako inaaway."

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Nong huli kitang nakitang ganyan ay hindi ko nagustuhan ang nangyari."

"Walang nangyari kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano ano dyan."

"Oh, eh nasaan na nga sila? Nagsasapakan ba?"

"Ewan ko sayo!" Sagot ko na lang sa kanya saka ko sya tinulungan na maghain doon sa may buhangin na nilatagan lang namin ng banig. Mayamaya naman ay narinig ko na si Delaney at kasama na nya sina Ravanni.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now