WTBSC 10

34 2 0
                                    


Maria Bella

"Sir Ravanni dito tayo kakain?" Tanong ko kay Sir Ravanni nang tumigil kami sa isang parking lot ng restaurant. Naririnig ko pa lang ang sosyal na music mula sa piano at violin alam ko nang ginto ang pagkain doon. Wala akong budget para dito.

"What are you doing?" Napatingin ako sa kanya nang marinig ko sya. Nakababa na pala sya ng sasakyan at pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Po?"

"Tsk. Let's get inside. I'm starving." Sabi lang nito sa akin ako hinila hulit papasok sa restaurant. Mahilig sya manghila huh?

"S-Sir Ravanni wala po akong pera pang-kain dito. Siguradong mahal dito eh." Bulong ko sa kanya pero mukhang wala syang ibang naririnig. Derederetso lang kaming phmasok doon sa restaurant. Sinalubong kami doon ng isang babaeng naka-uniporme.

"Welcome to Quisenberry East Cuisine Sir, table for two Sir?" Magalang at nakangiti sa amin ng babae.

"VIP." Maikli lang na sabi ni Sir Ravanni dito. Anong VIP?

"This way Sir." Sabi noong babae at saka kami sumunod sa kanya. Hawak parin ako ni Sir Ravanni sa braso ko at sa tingin ko ay nagmumukha akong bata na dala dala nya. Nahihiya ko naman 'yong binawi kaya narinig ko na lamang ang maikli nyang tawa. Anong nakakatawa doon?

"Here's your VIP table Sir, are you going to order now?" Sabi noong babae nang makarating kami doon sa table namin. Isa 'yong parang kwarto at may private table lang. Napakaganda din ng ambiance dito at isa pa ay napakatahimik. Naku siguradongmas mahal dito ngayon. Mukhang maghuhugas ako ng pinggan ah.

"Hey, are you listening?" Napatingin ako kay Sir Ravanni nang maramdaman ko ang pagtapik nya sa balikat ko.

"May sinasabi ka po?" Nahihiyang sabi ko sa kanya kaya iiling iling lang sya sa akin.

"S-Sir, wag na tayo dito kumain. Doon na lang tayo sa mas mura 'yong a-afford ko po."

"Stop talking nonsense Bella."

"Wala po akong pangbaya-"

"I ordered for you. Hindi ko alam ang gusto mo kaya inorder ko na lang lahat. Mukhang malalim ang iniisip mo. Are you still thinking that I will do something bad to you?"

"Naku hindi Sir. Wala po kasi akong pangbayad."

"You're so amazing don't you know that?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero katulad kanina ay binitin nanaman nya ang sagot nya. Binigyan nya lang ako ng isang ngisi.

"Kung ako sayo Bella, lalayuan ko na si Damon."

"Bakit po ba parang galit na galit kayo sa isa't isa?"

"Hindi mo na kaylangan malaman pa. Sundin mo na lang ang payo ko sayo." Seryosong sabi nya sa akin habang nakatingin ng deretso sa akin. Nakakatakot ang mga titig nya. Alam ko, unang tingin ko pa lang sa mga mata nya alam kong may kakaiba sa kanya. Mukhang madami syang tinatago.

"Pasensya na po pero hindi ko pwedeng gawin 'yon. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Damon. Alam nyo po bang, noong araw na pumunta ako dito sa Maynila ay hindi naging madali para sa akin ang makakuha ng trabaho? Pero dahil kay Sir Damon, kahit na hindi maayos ang itsura ko noon at nagpumilit lang ako ay binigyan nya parin ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko." Nakangiting sabi ko sa kanya habang inaaalala ang nangyari noong araw na 'yon. Hindi ako nagsisisi na naging boss ko si Sir Damon dahil alam ko kahit na minsan napaka-cold nya alam kong mabait syang tao.

"Pero hindi ba at Architecture and tinapos mo? Hindi ka ba nanghihinayang na sekretarya lang ang binagsakan mo?" Tama sya pero hindi ko na 'yon inisip pa.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now