WTBSC 30

31 1 0
                                    


Maria Bella

Nawala ang lahat nang iniisip ko nang marinig ko ang biglang pagtunog ng telepono ko. Si Addison ang tumatawag. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at pumunta sa terrace para sagutin ang tawag. Napansin ko pa ang tingin sa akin ni Sir Damon pero hindi ko na sya pinansin pa.

"Hello? Addison?"

[Bella? Naku babae ka sobrang haba talaga ng buhok mo. Pagkatapos ni Sir Damon 'yong ex mo naman ang nangungulit sa akin kung nasaan ka. Alam mo bang kahapon ka pa rin nya tinatanong sa akin? At hanggang ngayon ayaw nya akong tigilan. Sasabihin ko na rin ba sa kanya kung nasaan ka?]

"Ano? Huwag!" Napalakas na sabi ko sa kanya kaya napatingin sa akin si Sir Damon. Bumaba naman na ako ng terrace namin at nagpunta doon sa may likod ng bahay namin.

"Huwag mong sasabihin sa kanya na nandito ako. Pasensya ka na talaga kung naiipit ka sa problema ko."

[Oo sige. Pero nakakaawa na ang itsura nya Bella. Parang noong huling punta nya pa dito yummy pa sya pero ngayon mukhang namamayat na sya at stress na stress? Gets mo ba ako girl? In short mukha na syang may sakit.] Sabi nito sa akin kaya napaisip ako sa sinasabi nya. Ano bang pinagagagawa ni Cohen sa sarili nya? Hindi pa ba nya ako naiintindihan na tapos na ang lahat sa amin? Hanggang dito ba naman sa probinsya ay ginugulo nila akong lahat?

"B-Basta huwag mong sasabihin sa kanya kung nasaan ako. Pakiusap pangako pagbalik ko dyan babawi ako sayo."

[Naku Bella sinasabi ko sayo ayusin mo na lahat nang problema mo sa lahat nang papables na humahabol sayo dahil pati ako ay nabubulabog na nila. Kung pwede ay pumili ka na agad at huwag mo nang patagalin pa.] Sabi nya sa akin at nahihimigan ko na talaga sa boses nya na nasstress na sya.

"Pasensya ka na talaga Addison."

[Okay lang. Pero kamusta ka na ba dyan? Di ko na tatanungin pero siguradong nandyan na si Sir Damon hindi ba? Si Sir Ravanni na lang talaga ang hindi nang gugulo sa akin. Hay naku!]

"N-Nandito sila p-parehas sa probinsya namin."

[Ano? Nandyan sila parehas? Ay grabe! Iba ka talaga Bella.]

"H-Huwag kang maingay baka may makarinig sayo dyan at kung anong isipin nila."

[Isipin na nila ang gusto nilang isipin pero grabe na talaga ang haba ng hair mo. Hayyy! How to be you Bella?] Sabi nya sa akin kaya iiling iling na lang ako sa lahat nang pinagsasabi nya sa akin.

[Oh sya sige na. Tapos na ang lunch namin mamaya na lang ulit ako mangangamusta. Enjoy ka dyan sa probinsya kasama ang dalawang hot engineer at heir ng OCF.] Mapang-asar na sabi nya sa akin bago nya ibaba ang tawag.

Bigla ko tuloy naisip si Cohen. Talaga bang hinahanap nya parin ako? Mabuti na lang pala talaga at umuwi ako dito para hindi nya ako makita dahil sa hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya para mapaliwanagan ko sya na wala talaga kaming pag-asa para isa't isa.

"Si Addison?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ko si Sir Damon.

"Bakit po sumunod pa kayo dito? Bumalik na po tayo sa loob." Sabi ko sa kanya at lalampasan ko na sana sya nang pigilan nya ako.

"Bella gusto kitang makausap ng maayos. Yung walang sigawan at inis sa isa't isa."

"Ano pa po ba ang pag-uusapan natin Sir Damon?"

"I want to explain what I am feeling for you. Alam kong naguguluhan ka pero huwag mo naman akong i-reject agad. Can't you consider to give me chance?" Nagpanggap na lang ako na wala akong narinig sa kanya. Chance? Sa pagkakaalam ko ay noong huling beses akong nagbigay ng chance ay nasayang lang 'yon.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon