Soft Moment in New House

119 12 1
                                    

Vice's PoV

It's Sunday after noon today at after naming magchurch ay dumiretso kami dito sa new house, invited syempre ang ilan kong kapwa Showtime Hosts. Parang ito-tour ko lang sila dito sa bahay ko

"Me, malapit na daw sila Tyang Amy" saad ni Buern

"Oh sige, prepare niyo na lang yung merienda" sagot ko naman at tumango naman ito sa akin

Ilang sandali pa ay nakapag-ayos na ako at nakapag-ayos na rin ang mga Bakla para sa merienda nina Tyang, nang may marinig akong tumatawag sa akin, parang boses ni Kim. Hahaha

"Tagal mo Ma" reklamong sabi nito at pinagbuksan naman sila ng isa kong angel

Safe naman sila ano, alam ko naman yung hirap nila sa swabbing. Tsaka disinfect, ganun

"Sorry na, may inayos pa kasi ako" sabi ko naman

Kasabay ni Kim si Jhong, akala ko ba kasama nila si Tyang?

"Kayo lang ba? Kasama niyo ba si Jackie?" tanong ko pa sa kanila

"Ah oo, kasabay niya si Tyang, nasa sasakyan pa sila eh" sagot naman ni Kim

Sasagot na sana ako kaya lang may nauna sa aking magsalita

"Nak, we're here na. Akala mo wala kami ano" rinig kong sabi ni Tyang kaya napangiti ako, akala ko wala siya

"Hi Tyang, eh si Jackie? Akala ko kasama niyo?" tanong ko





Miss mo? Yiiee

Hindi, misis ko! Loko ito si author, edi malamang miss ko, kasi hinahanap ko

Eh baket ka agagalet? Nagtatanong lang eh. Balakajan







Hindi ko alam pero miss ko na naman yung babaitang yun, para bang hindi kami nagkita kahapon, though magkasama kami kahapon. Hahaha

"I'm here" masayng sabi niya at lumabas mula sa likuran ni Tyang. Malamang hindi ko makita, sa payat ba naman niya ✌

Napangiti na lang ako at lumapit sa dako niya at bahagya kong pinisil ang ilong niya at napa-'Aray' naman siya

"Akala ko hindi ka kasama eh, magagalit talaga ako sa iyo kapag hindi ka kasama" sambit ko sa kanya

"Syempre sasama ako, ayaw kong magagalit ka sa akin" sagot naman niya at muli akong napangiti

"Halla, halla, dito pa kami oh. Pakilig kayo dyan ah" rinig kong sabi ni Kim na iki-natawa ng iba ko pang kasama at kasama na dun si Jackie

"Panira ka talaga kahit kailan, nagmo-moment kami eh" sagot ko naman

"Mamaya na yan, i-tour mo na muna kami" tugon ni Kim at sumang-ayon naman ako dito

Sumang-ayon naman ako sa kagustuhan ni Kim at ilang sandali pa ay nagstart na nga ang pagtour ko sa kanila at katabi ko ngayon si Jackie habang naglalakad papuntang sala

"Ay Ma, ang ganda naman" sabi ni Kim nang makita yung mala-3D na sofa at lumapit ito at nagsilapit na din si Tyang at Jhong

Natatawa na lang din ako kasi nakita kong masaya ang mga kasamahan ko lalo na itong si Jackie. Habang nakatingin kina Tyang ay umakbay ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin at ngumiti

"Ayaw mo i-try?" tanong ko sa kanya

"Maya na lang, nag-eenjoy pa sila oh" turo niya kina Tyang at tumango naman ako sa kanya at sabay naming pinagmasdan sina Tyang

"Nak, try mo ito dali. Kim try mo" sabi ni Tyang kay Kim para naman i-try yung itim kong upuan na umiikot pero hindi ka naman mahuhulog

Nang maupo si Kim ay halata sa kanya ang pagkagulat at maya-maya ay na-enjoy na rin. Natawa pa kami sa reaction ni Kim nung una. Nakita pa namin si Tyang na naka-on pala ang video niya sa IG

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now