Jealous or Grumpy, Jaki?!

183 8 0
                                    

Jaki's PoV

"Ice cream, chillin', chillin'
Ice cream, chillin' " rinig ko namang tugtog mula saan

Napasayaw tuloy ako, hanggang sa marinig ko ang 'Ice cream' mula kay Jennie at natapos na nga ang song. Kasunod nito ang 'Paubaya' na kanta

"La! Mukhang may pinagdadaanan yung nagpapatugtog ah" sabi ko pa kahit wala naman akong kausap

"Parang kanina lang, masaya lang yung tugtog pero bakit di mo alam na may hangganan yun?" dagdag ko pa

"Huy! Sinong kinakausap mo?" rinig kong sabi ni Vice

"Ay kabayong mahal ako! Bakit ka ba biglang pumapasok? Nagugulat ako sa iyo eh" naiinis na sabi ko pa at halata sa akin ang pagkagulat

"Sorry na. Pero sino ba kasing kinakausap mo dyan?" pagtanong muli nito

"Wala, ang lungkot kasi nung kanta kaya nasabi ko, parang may pinagdadaanan yung nagpapatugtog" sabi ko at bahagya siyang huminto para mapakinggan din ang kanta

"Oo nga ano, pero halika na, para hindi ka na nadadamay sa kalungkutan niyan nagpapatugtog" sabi nito at sabay akbay sa akin saka kami sabay na lumabas ng DR niya

Nagtungo na nga kami sa stage for the TNT segment. Nandito lang naman ako sa audience's seat, nakikitawa sa kakulitan nina Vice with Kuya Vhong at Kuya Jhong, isama mo na rin ang mga banat ni Ate Kim

"La, Jaki tawang-tawa" pagpunang sabi ni Vice

Umiling na lang ako sa kanya at tinawanan niya na naman ako

"Okay yan, knowing na napapasaya kita, happy na din ako" sabi niya sabay kindat sa akin

O loko! Pakilig, kinilig naman ako. Hahaha. Ilang sandali pa ay bitbit ko na ang results card para ipabasa kay Vice

"Anong oras ang cheering, Jaki?" birong tanong nito nang makatapat na ako sa pwesro nila. Natawa na lang ako sa sinabi niya, nagsisimula na naman po siya

"Maganda na nga" sambit ni Kuya Jhong

"Okay kaya, maganda kaya" dagdag pa ni Kuya Vhong

"Maganda, maganda. Very cute" sambit naman ni Vice. Tignan mo, binawi mo rin

"Relax lang" sambit muli ni Kuya Jhong

"Fresh, you look so fresh and young, and bubbly. Zestful and everyting" sabi ni Vice habang sumasayaw ako na parang nasa cheering. Haha, napasayaw ako

"Cute! Ganda" muling sabi ni Vice

"Syempre, Jaki mo yan eh" saad naman ni Kuya Vhong

"Oy!" sambit naman ni Kuya Jhong

At ilang sandali pa ay binasa na nga ni Vice ang results mula sa bitbit ko. Ilang minuto pa ay natapos na ang TNT segment at Hide and Sing naman ang sunod

"Baby tara na, si Ms. Rabiya Mateo ang huhula mamaya sa mga hide singers, kaya halika na" sabi ko kay Vice

"Bakit ka ba nagmamadali?" sambit nito

"Kasi gusto ko yung makita in personal, for sure maganda yun" sagot ko

"No" rinig kong sagot niya kaya bahagya kaming napahinto sa paglalakad

"Anong no ka dyan?" tanong ko

"I mean no, mas maganda ka kaya" sagot niya, napangiti na lang ako sa kanya

"Bolerong bakla" sambit ko

"Totoo kaya, ang ganda-ganda mo eh" tugon niya

Tumango na lang ako sa kanya saka ko siya hinila hanggang sa makarating kami sa stage. Halla! Ang ganda talaga ni Ms. Rabiya

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now